"Who's that girl?"

"She was my childhood best friend. Pero hindi ko alam kung anong intensyon niya para halikan ang boyfriend ko habang kasama ako." Wala naman masama kung i-open ko ang nararamdamn ko kay Maxwel dahil alam kong mauunawaan niya ako.

"Gago pala 'yang boyfriend mo." Galit na sambit niya para umiling ako.

"Wala siyang kasalanan Maxwel. This is all my fault." Binigyan niya ako ng masamang tingin dahil sa pagtatanggol ko kay Dominic.

"Lagi kang ganyan, Adriana. Kaya lagi kang naloloko ng mga nagiging boyfriend mo. Kasalanan nila but you blame yourself." Gusto kong magalit kay Maxwel dahil sa mga sinabi niya pero tama naman ito. Nagpapakatanga ako dahil mahal ko.

"I loved him. I really love--"

"STOP!" Galit niyang sigaw para magulat ako.

"Please stop saying you love him kase nasasaktan ako Adriana. 'Yang nararamdaman mong selos ay ramdam ko rin every time you are with him." Laking gulat ko sa sinabi ni Maxwel tungkol sa nararamdaman niya. Tumigil na rin ako sa pag iyak dahil sa gulat nang pag-amin niya.

"What do you mean?" Tama ba ang mga sinasabi ng mga kaibigan ko na pilit kong isang tabi dahil ayaw kong masira ang friendship namin.

"Ang manhid mo," sigaw niya.

"Maxwel," nanginginig kong tawag sa pangalan niya. Napansin niyang natatakot ako kaya medyo kumalma ito.

"Alam ko kung gaano ka sakit 'yang nararamdaman mo dahil ganyan din ang nararamdaman ko araw araw tuwing nakikita kitang umiyak sa ibang tao. I am always in front of you, but you will never see me. I'm not an air para hindi mo ako mapansin Adriana."

Nagpatong patong ang sakit na nararamdaman ko ngayon dahil ako pala ang babaeng nakasakit sa kaibigan ko.

"Sorry, 'di kita maintindihan." Bumangon ako para takasan ang nalaman ko. Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na ito dahil natatakot ako na pati siya mawala sa tabi ko nang dahil lang sa akin.

"Please stay here. Pakinggan mo naman 'yung matagal ko nang gustong sabihin sa'yo." Niyakap niya ako mula sa aking likuran dahilan para mapako sa akin kinatatayuan.

"Maxwel, please 'wag mo na ngayon."

"Adriana pleasee.." Nasasaktan ako nang banggitin niya ng ilang beses ang pangalan ko habang humahagolhol.

"Bakit pa ako Maxwel? Marami pang iba d'yan na mamahalin ka hindi ko tulad na matagal na pala kitang nasasaktan." Hindi ko na rin napigilang hindi umiyak. Mahal ko siya pero as a friend.

"Masama ba na ikaw lang ang nakikita ng mga mata ko? Ikaw lang ang lagi kong iniintay na makasama ko. Ikaw ang babaeng high school pa lang ay minimithi ko. I like you Adriana, sana makita mo rin ako."

Napaupo na lang ako sa kama habang hindi makapaniwala sa mga narinig kay Maxwel. Ako pala 'yung AC na tinutukoy niya.

"Nakikita naman kita Maxwel—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang magsalita ito.

"Pero as a friend Adriana. I always by your side pero kahit kunting katiting na pagtingin ay wala akong makita." Ngayon ko lang siya nakitang umiyak kaya hindi ko mapigilang hindi makonsensya.

"Maxwel, sorry. I can't."

"Adriana, I really love you. High school pa lang I have feelings for you." Naupo rin ito sa kama at hinawakan ang mga kamay ko.

"Bakit ngayon mo lang sinabi?" Kung matagal na niyang sinabi baka sakaling may maramdaman na rin ako sa kanya. But I really love my boyfriend kahit ngayon nasasaktan ako.

"Hindi ko masabi sa'yo because you are always with your boyfriend. Masakit lang sa akin na 'yung luhang pinapahalagahan ko sa'yo ay sinasayang mo lang sa mga walang kwentang tao." May point si Maxwel dahil never niya akong pinaiyak except lang sa masasayang memories at ngayong pag-aminin niya.

"Maxwel, marami pang iba d'yan. Please stop loving me dahil hindi ko kayang suklian."

"Ikaw lang ang gusto ko Adriana wala nang iba." Pamimilit niya para mapabuntong hininga ako kung paano ko iha-handle ang bagay na ito.

"I am so sorry Maxwel, I love someone else."

"Please give me a chance." Pagmamakaawa niya para umiling ako.

"Hindi lang ako ang babae sa mundo Maxwel. Makakahanap ka pa ng iba na mas deserve sa'yo."

"But you are the only woman I never forget." At mas ikinagulat ko ang ginawa niyang paghalik sa labi ko para masaktan ako. He was my best friend pero bakit niya nagawa ito.

"Why did you kiss me?" Mangiyak ngiyak kong tanong kasabay ang malakas na sampal sa kanya.

"Sorry...." hinawakan niya ang aking kamay ngunit agad ko itong tinabig dahil sa galit na nararamdaman ko sa kanya.

"Paano mo ito nagawa sa akin Maxwel? Pinagkatiwalaan kita pero babastusin mo lang pala ako." Umiyak na ako dahil malaking kasalanan ito para sa boyfriend ko.

"I didn't mean to kiss you. Maybe, mahal lang talaga kita."

"Mahal? Kung mahal mo ako dapat nirerespeto mo pa rin ako o hayaan mo na lang ako sa taong mahal ko. Hindi 'yung hahalikan mo ako kahit alam mong may boyfriend na ako." Sigaw ko at pinaghahampas ko 'yung unan sa kanya.

"Adriana, I am so sorry." Niyakap niya ako ngunit kumawala agad ako sa mga bisig niya.

"Leave me alone." Nagtalukbong na ako ng kumot dahil ayaw ko na itong makita. Doon ko na rin nilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko para sa boyfriend at kaibigan ko.

I love them both pero bakit nagagawa nila akong saktan? I don't want to lose them kaya kahit masakit ay handa ko pa rin silang patawarin.

They Met At First KissМесто, где живут истории. Откройте их для себя