Epilogue

19.7K 442 49
                                    

Epilogue

LEXI'S POV

"Wahhh ang ganda mo talaga beshy"tili ni Vanessa habang hinahaplos ang buhok ko.

"Sinabi mo pa"sabi ni mimi na nilalagyan ako ng lipstick.

"Ang swerte mo talaga at isa pa,may baby nanaman kayo ni Kaizer"pangtutukso ni Vanessa at hinaplos ang tyan ko.

"Napa ultrasound mo na ba si baby?"tanong ni Mimi

"Hindi pa 'eh!gusto naming surprise pero ewan ko ba kay Kaizer kung bakit namakyaw nang mga gamit pambata na puro panglalaki,e hindi pa naman sure yung kung lalaki talaga..paano kapag babae! "sabi ko at umirap pa,lihim napatawa si Mimi at Vanessa.Ngayong araw na'to ay ang araw kung saan muli akong pakakasalan ni Kaizer at hindi na ko makapaghintay na maging Mrs.Montenegro ulit.

"Ganun ba talaga kapag buntis?ang moody?!parang kanina lang ay naiyak ka tapos ngayon naiinis ka na"sabi ni Vanessa na inaayos ang gown na suot niya,siya kasi ang bride's maid ko.

"Hindi ko nga rin alam kung bakit ganto kapag buntis,ewan ko ba sobrang moody ko talaga e"sabi ko at tumingin sa salamin.

"Ayan mukang prinsesa ka na ulit"sabi ni Mimi at inalalayan akong tumayo.

"Grabe,it's been two days na hindi ko nakikita si Kaizer at yung kambal..kamusta na kaya sila?"tanong ko kay Vanessa,nung isang araw kasi ay bachelor's party tapos kahapon ay hindi din siya nagpakita sakin para daw masabik ako.

"Masaya naman daw si Kaizer sabi ni Klyde naglaro daw sila ng you know something naughty"nakangiwing sabi ni Vanessa.

"Eh kasama niya yung anak ko!baka kung ano anong tinuturo nila sa anak ko"magkasalubong ang kilay na sabi ko

"Hindi yun at isa pa hayaan mo na nga yung mga pamangks ko,magbibinata na sila at marami na silang dapat madiscover sa mundo"aniya kaya nawiwirduhan ko siyang tinignan.

"Anong oras ba nung wedding?"tanong ni Mimi.

"11:30"

"Ayy mga buang kayo! 11:20 na"sabi ni Mimi kaya inayos nila yung gown ko,backless na off shoulder yung style nung gown ko at mahaba yung slit,nakalugay ang buhok ko at may flower crown akong suot.

"Tara na!bilis bilis"sabi ni Vanessa at maingat akong hinila palabas,pagkadating namin sa labas ay nandun na yung kotseng sasakyan ko.

"So ayan beshy kaya mo na yan!dapat pala kanina pa ko nandun"sabi ni Vanessa na sumakay agad sa isa pang kotse,inalalayan ako nang driver sumakay kaya nginitian ko siya.

"Thank you"

"Walang anuman po ma'am,kailangan ko daw po kayong ingatan sabi ni boss dahil pasasabugin niya daw po ang ulo ko kapag napahamak kayo"nakangiwing sabi nung driver kaya suminghal ako.

"Hay naku!si Kaizer talaga pero tara na kuya magsisimula na e"sabi ko kaya tumango siya at sumakay na sa driver's seat.Inaamin kong kinakabahan ako,sa simbahan kasi kami ikakasal at hindi sa garden..totoong altar na yung pupuntahan ko kaya kinakabahan talaga ako at isa pa ay sobrang dami nang tao dun,mula sa mga business partner ni Kaizer at ni daddy,nandun din ang ibang taga Sitio Mapurok at sinadya nilang lumuwas para sa kasal namin.

'As in ang dami talaga'

Nang maramdaman kong huminto ang sasakyan ay tinignan ko mula sa labas ang simbahang pagdarausan ng kasal,agad lumapit yung dalawang wed organizer at inalalayan akong bumaba.Hinatid nila ako sa nakasaradong pinto ng simbahan.

"Ang gwapo po nang groom niyo"nakangiting sabi nung isang wedding organizer kaya bigla akong kinabahan sa itsura ko.

"Ayos lang ba yung itsura ko ms?!panget ba ko?"kinakabahang tanong ko kaya humalakhak sila.

Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon