72

7.4K 159 7
                                    

Chapter 72-Annulment

Lexi's Pov

"Mommy,ayos ka lang ba?"tanong iyon ni Khalex na nasa labas ng kwarto ko,dalawang araw na akong nagkukulong sa kwarto ko,walang kain at puro iyak lang...Hindi ko na rin nakakausap yung mga anak ko dahil sobra sobra akong nasasaktan na miski sila ay hindi ko na mapagtuunan ng pansin.

"A-ayos lang ako"namalat na ang boses ko dahil hindi na rin ako nakakainom ng tubig,as in wala talaga akong ginagawa maliban nalang kapag iihi at maliligo ako.

"Mommy kain ka na po"malungkot na sabi ni Kei.

"Busog pa'ko,kumain nalang kayo!pakuha kayo kay Nanny Belen"mahinang sabi ko sakanila.

"Mommy,lumabas ka na po..miss ka na po namin e"humikbi si Khalex kaya napaupo ako at napahilamos sa muka ko.

"Mommy kumain ka na po nag-aalala na po kami sayo"sabi iyon ni Kei na humihikbi narin.

"Lexi,anak kumain ka na"sabi iyon ni Nanny Belen kaya tumingin ako sa pinto at nakita kong nakasilip si Kei sa ilalim ng pinto.

"Ina,lumabas ka na po please"sabi ni Kei kaya bumuntong hininga ako at bumangon,napahawak pa ako sa ulo ko at muling napaupo dahil sa nahihilo ako.

'Nahihirapan ako dahil kinakain ako ng sakit na nararamdaman ko,masyado akong nadadala ng emosyon ko at nakakalimutan na ang isa pang bagay na mahalaga sakin..'Ang mga anak ko'

"Mommy naman e"umiiyak na si Khalex kaya tumayo ako habang nakahawak sa ulo,pinihit ko ang door knob at bumungad sakin si Kei at Khalex,nandun din si Nanny,Daddy,Mommy at Kuya na nakatingin sakin.Yumakap sakin si Khalex at Kei kaya niyakap ko sila at tumingin kay Daddy na mukang nagagalit na.

"Do you really want to die?"galit na tanong ni daddy kaya bumuntong hininga ako at lumuhod sa harapan nung kambal.

"I'm really sorry if i become selfish these past few days,y-your mommy is in deep pain pa kasi eh"mahinang bulong ko sakanila at muli silang niyakap.

"Naiintindihan po namin,that's why we gave you a day to be alone po..pero masama pong hindi kumakain"pangaral sakin ni Kei kaya tumango ako at hinalikan sila sa pisngi.

"Pwede ba tigilan mo na ang kadramahan mo?!Pinagbigyan kita ng dalawang araw and now i want you to marry Apollo"utos iyon ni daddy kaya tumayo ako at humarap sakaniya

"Alejandro,please,wag mong ganyanin ang anak mo..hindi ganun kadaling kalimutan ang isang tao"sabi iyon ni mommy.

"Hailey!ginagawa ko 'to dahil bilang ama niya,ayokong nakikita siyang nasasaktan..we are Montereal and no one can mess with us,i want her to marry Apollo so she can move on to that stupid bastard..gusto ko lang ay dun siya sa mapapabuti"mahinahon na sabi ni daddy.

"Alejandro,your language!nasa harapan mo ang apo mo"sabi ni mommy

"Lexi,ginagawa namin 'to dahil mahal ka namin at ayaw ka naming masaktan..i mean you are our baby girl and we want the best for you"malungkot na sabi ni Kuya.

"We lost you for almost 8 years,we thought you were dead!hindi mo alam kung paano kami nahirapan,thinking that you are dead is not so easy for us"bumuntong hininga si Kuya at lumapit sakin para yakapin ako.

"I love you Alexis and i want the best for you"

"Kaizer is the one for me"sagot ko sakaniya at tumingin sa mata niya,dun ko nakita ang emosyon sa mata niya.

"Don't fight for that bastard"inis na sabi ni daddy kaya walang emosyon na tinignan ko siya.

"I will fight for him because i love him"seryosong sabi ko kaya bumuntong hininga si Kuya at hinawakan ang pisngi ko.

Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon