59

7.3K 182 5
                                    

Chapter 59-Convincing her

Lexi's Pov

Nang nakapunta na ako sa ospital ay bumuntong hininga muna ako bago buksan yung pinto,nakita ko kung gaano kadaming tao ang nanduon.

"Ina!"sigaw ni Khalex na tumakbo palapit sakin,nagtinginan yung ibang kapitbahay ko sa Sitio Mapurok sakin.
Biglang humagulgol si Khalex habang nakayakap sakin.

"Ina!hinahanap ka namin kaya"naiiyak na sabi niya kaya tumingin ako kay Kei na nakatingin sakin na kalaunan ay lumapit sakin para yakapin ako.

"Saan ka natulog ina?may nanakit ba sayo?tell me,i'm gonna punch them"sabi ni Khalex kaya lumuhod ako sa harapan niya at hinaplos ang pisngi niya.

"Ayos lang ako anak"nakangiting sabi ko sakaniya at sinulyapan si Kei na nakahalukipkip habang nakanguso.

"We were so scared last night kaya tapos si Kuya Khalex iyak ng iyak kaya i didn't sleep all night"nakangusong sabi ni Kei kaya inilapit ko siya sakin at hinalikan sa ulo niya.

"Sorry na,humanap lang nang pera si ina para kay kuya luke niyo"sabi ko sakanila at tumayo na,tinignan ko si Vanessa na nag-aalalang nakatingin sakin kaya ngumiti ako.

"Ayos lang ako"nakangiting sabi ko kahit sa loob loob ko ay nasasaktan parin ako.Lumapit sakin si Kapitana Rosa

"May ginawa ba siya sayo?"nag-aalalang tanong niya kaya umiling nalang ako at sinulyapan yung kambal na nakayakap sakin.

"Mamaya na lang po natin pag-usapan,ang mahalaga po ay may pera na ako para kay Luke"sinulyapan ko si Luke na naiilang na nakatingin sakin,duon ko naalala yung pagtatapat niya pero agad ko ring binura sa isipan ko iyon.Nakangiti akong lumapit sakaniya at umupo sa  kama niya,hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti ng malapad.

"Gagaling ka na"nakangiting sabi ko sakaniya pero naiilang na umiwas siya ng tingin kaya hinawakan ko ang pisngi niya at pinagtapat ang paningin namin.

"Wag ka nang mailang!naiintindihan ko kung bakit mo nagawa yun,ayos lang"nakangiting sabi ko kaya duon sumilay ang maliit na ngiti sa labi niya.

"Pero ngayon!kailangan mo ng masimulan yung session session na yan pero..."nakangiti akong sumulyap sakanilang lahat kasi halos kalahati na ng Sitio Mapurok ay nandito."kakain muna tayo"nakangiting sabi ko sakanila kaya umaliwalas yung muka nila.

"Medyo marami rami ang pera ko kaya pwede tayong kumain dito"natutuwang sabi ko kaya naghiyawan sila pero agad ko ring pinatahimik dahil baka makaabala kami sa ibang pasyente

"Vanessa samahan mo nga ako magte-take out tayo..ilan ba tayo ngayon?"tanong ko sakanila."bente kwatro"sigaw ni Mang Carding kaya tumango tango ako.

"Pero Lexi,anak hindi ba kailangan mo ng pera?"tanong sakin ni Kapitana Rosa."Sobra sobra po kasi itong nasa akin kaya gusto ko lang pong ibahagi yung biyaya ko sa iba"nakangiting sabi ko sakaniya kaya hinaplos niya ang pisngi ko habang nakangiti.

"Napakabait mo talagang bata ka"nakangiting sabi ni Kapitana Rosa kaya ngumiti din ako at hinawakan ang kamay niyang nasa pisngi ko.

"Kulang pa nga po 'to e!kung tutuusin utang namin ang buhay namin ng mga anak ko sa Sitio Mapurok,kundi dahil sainyong lahat ay siguro wala na kaming napuntahan at hanggang ngayon ay pagala gala parin"nakangiting sabi ko kaya tumango tango si Kapitana at bumuntong hininga.

Kaizer's Pov

Habang nasa opisina ako at nagpapakasubsob sa trabaho ay may biglang kumatok,hindi ko inalis ang paningin ko sa mga papeles na kanina ko pa binabasa.

"Come in"sigaw ko,narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya inangat ko ang paningin ko at agad nagsalubong ang kilay ko.

"OUT!!"sigaw ko kay Maricar na naglalakad palapit sakin,bumuntong hininga ako at nagbasa muli ng mga papeles.

Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)Where stories live. Discover now