3

24.2K 563 50
                                    

Chapter 3

Lexi's Pov

Pagdating ko sa room ay nandoon na agad si Prof kaya nagpaumanhin muna ako bago umupo sa upuan ko kung saan katabi ko ang ex ko.

"Ok class, meron tayong late enrollee." sabi ni prof kaya tumingin ako dun sa pinto ng pumasok ang isang lalaki. Matangkad

"Wahhh ang gwapooo!"

"Ohemmggii"

"Ang hot niya"

Tilian yun ng mga classmate ko na pinangungunahan ni Allison.

"Introduce yourself." sabi ni Prof. Umayos ngayon ng tayo yung lalaki at seryosong nagpakilala.

"I'm Clark Nuvillo, 21." sabi nung lalaki, parang namumukaan ko itong si Clark pero hindi ako sure.

Sinenyas ni Prof ang upuan sa likod ko.
Daredaretso lang naglakad si Clark  at pumwesto sa upuang nasa likod ko, hindi ko alam pero parang hindi ako kumportable sa dalawang lalaking malapit sa'kin ngayon.

Xavier's Pov

Nandito kami ngayon sa basketball court kasama ang mga teammates ko, syempre para mag practice ng basketball.

Malalim ang iniisip ko habang nag di- drible ng bola, naguguluhan ako sa nangyayari at hindi ko rin alam kung bakit may mga nakikita akong mga lalaking laging nakamasid sa amin ni Lexi.

Pinagtataka ko pa kasi nung isang beses habang nakain ako sa cafeteria ay may grupo ng mga lalaking nakatingin lang sakin. Para bang may atraso ako sakanila, atsaka pansin mo sa tingin nila na para bang may pinaplano silang masama sa akin.

Ipinilig ko nalang ang ulo ko at shinoot ang bolang hawak ko. Lumapit ako sa bench kung saan nakapatong ang bag ko, kinuha ko ang towel na nasa ibabaw nito at pinunasan ang pawis ko.

"Anong oras naba?"bulong ko at hinila ang sleeves ko para makita ang relong pambisig, 10:30 AM na pala.
"Susunduin ko na si Lexi." sabi ko at dinampot ang mga librong nagkalat, inilagay ko iyon sa loob ng bag ko.

"Mga pre alis na ko." sigaw ko sa mga teammates ko at kinawayan sila.

"Ingat pre!"

Umalis ako sa court at naglakad papuntang room ni Lexi pero habang naglalakad ay may tumawag sakin

"Hoy"sigaw ng kung sino,napalingon ako at napatingin dun sa nag sumigaw.

"Ako?"takang tanong ko

"Malamang,alangan naman yung pader sa tabi mo"sabi niya.

"Bakit ba?"medyo inis na tanong ko.

"Lumayo ka nga Kay Lexi"sabi nung lalaking kala mong pogi e muka namang lumaklak ng gluta

"Eh bat ko lalayuan si Lexi,bestfriend ko yun tanga"inis na sabi ko teka best friend nga lang ba talaga?
Ngumusi siya at sinuntok ako sa mukha kaya napaupo ako habang hawak ang labi kong sinuntok niya.

"That's your first warning"sabi niya at umalis.Napa hawak ako sa labi ko may dugo.

"Hoyyy Xavier anong ginagawa mo diyan?"rinig kong boses ni Lexi sa likod ko,pinilit kong di lumingon para hindi niya makita ang dugo sa labi ko.

"Tara chibog na"sabi pa nito at pinaharap ako sakaniya,nakita ko ang labis na gulat sa muka niya ng makita ang itsura ko.

"Xavier anong nangyari ?"nag-aalalang sabi ni Lexi,ngumiti ako sakaniya.

"Wala lang to"sabi ko at tumayo.

"Anong wala?!tara dadalhin kita sa clinic"sabi niya at inakbayan ako papuntang clinic.

Habang dinadala ako ni Lexi sa clinic ah napansin kong naiwas samin yung mga tao.Luh bakit?

"Luh anung problema ng mga yan.?"tanong ni Lexi,hindi nalang ako kumibo.Nung nasa clinic nakami dahan dahan niya akong hiniga sakama pero na out of balance siya kaya nasubsob yung muka niya sa muka ko

Shit konti nalang mahahalikan na niya ako!

Kaya bumilis ang pintig ng puso ko habang nakatitig sa maganda niyang mata.

*Bang*

napaalis siya sa pagkakakubabaw sa akin ng may narinig siyang putok ng baril,tumingin ako sa pinto at may nakita akong mga lalaking nakasilip duon na kalaunan ay tumakbo narin paalis.

"Uyy ayos ka lang ba?"tanong ko sakaniya,tumayo naman siya at tumango tango pa.

"Oo"sagot niya at naglakad palapit sa nurse para kunin ang first aid kit,hindi ko maiwasang hindi ngumiti habang nakatingin sakaniya.

"Arggh aray"daing ko kunware,ipupunas niya kasi sakin yung bulak na may alcohol.

"Wala panga eh arte mo"natatawang sabi niya at duon ko nalang natagpuan ang sarili kong nakatulala habang nakatingin sa maamo niyang muka at sa labi niyang may ngiti.

Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon