51

7.4K 170 6
                                    

Chapter 51-Hide

Lexi's Pov

"Ano??"sigaw ni Vanessa na nasa harapan ko ngayon,nakatakip parin ang muka ko at naiyak.Pumunta ako sa Delux Cuisine para kausapin siya dahil kailangan ko ng comfort niya.

"Asawa ko yung boss ni Klyde,Vanessa..ngayon natatakot ako na b-baka kunin niya yung mga anak ko..Vanessa alam mo kung gaano ko kamahal ang mga anak ko"nahagulgol na sabi ko,isiniksik niya yung tray na hawak niya sa kilikili niya at niyakap ako.

"Oo,alam ko kung gaano mo kamahal yung mga pamangks ko pero paano na yan?Baka kunin niya nga ang mga anak mo anong gagawin mo?"nag-aalalang tanong ni Vanessa,umiling ako.

"D-di ko alam,alam mo yung takot na takot ka na pero kailangan mo paring maging matapang sa harap niya para di ka bumigay?Sobrang hirap!nahihirapan na ako Vanessa"sabi ko kasabay ng paghagulgol ko,inalis niya ang pagkakayakap sakin at pinunasan ang luha sa mata ko.

"Pero ayaw mo bang makilala ni Kaizer ang anak mo?Mayaman pala siya e sobrang yaman,malay mo maibigay niya yung gusto niyong mag-iina at baka pwede ka pa niyang tulungan sa pagpapagamot kay Luke?diba?"nag-aalinlangang tanong niya,sinamaan ko siya ng tingin.

"Mahirap gawin yun Vanessa!!Napakasakit para sakin na makita muli siya at isa pa naibibigay ko naman ang mga pangangailangan ng anak ko..hindi ko siya kailangan"sigaw ko sakaniya,ngumiti siya sakin at pinaupo ako sa upuan.

"Hindi ko man nararamdaman ang sakit na nararamdaman mo pero wag mong hahayaang madala ka sa emosyon mo"nakangiting sabi niya at tinuro yung puso ko."Nandyan ang puso mo at dyan nakabaon lahat ng sakit at galit"sabi niya at tinuro naman ang noo ko."Nandyan ang utak mo na masyadong naapektuhan dahil sa puso mo,isipin mo ang kapakanan ng mga anak mo..pero hindi ko rin masisisi na magtatanim ka ng galit sa puso mo,totoong mahirap ang pinagdaanan mo pero mag-isip ka parin at huwag mong pairalin ang galit mo"sabi niya sakin ng nakangiti,umiwas ako ng tingin at bumuntong hininga.

"Mahirap pairalin ngayon yan Vanessa dahil nilalamon ako ng nararamdaman ko,yung 8 taon kong kinimkim yung nararamdaman ko kaya napakasakit na yung taong dahilan ng sakit ay nagpakitang muli na para bang napakadaling patawarin siya"tumulo nanaman ang luha ko kaya pinunasan ko agad yun.

"At bakit niya pa ako babalikan?e may pamilya na naman siya diba?bakit ginugulo niya pa ako"inis na sabi ko.

"Oo nga nuh?abay talagang gago nga"biglang galit na sabi niya kaya suminghal ako.

"Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga anak ko"sabi ko at pumalungbaba.

"What if dun kayo sa apartment ko?isama mo na rin sila Sabel "sabi niya na umayos ng upo,parang bigla akong nagkaideya.

"Oo nga"sabi ko."Pero kilala ko si Kaizer at marami siyang koneksyon kaya maaaring mahanap niya parin ako..kami at makikita niya yung mga anak namin"sabi ko at humawak sa baba ko.

"Kung sa apartment mo nalang kaya sila patirahin muna?bibigyan nalang kita ng panggastos"sabi ko

"Okay sakin yun,mag-isa lang ako sa apartment eh..Pano ka naman?"tanong niya.

"Duon parin ako sa Sitio Mapurok basta ngayon kailangang mailayo ko si Khalex at Kei"sabi ko at bumuntong hininga,tumingin ako kay Vanessa.

"Okay ba?"tanong ko pa.

"Sige basta para sainyo ng mga pamangks ko"nakangiting sabi niya,tumingin ako sa wrist watch ko at nakita kong oras na ng uwian nila Khalex at Kei.Pinunasan ko muna yung mata ko gamit ang palad ko bago tumayo.

"Sunduin ko muna sila"sabi ko at hinalikan sa pisngi si Vanessa,naglakad na ako palabas ng Delux Cuisine tutal medyo malapit yung SMCES dito kaya lalakarin ko nalang.

Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)Where stories live. Discover now