73

8.1K 201 5
                                    

Chapter 73-The Wedding

Lexi's Pov

Dalawang araw ang nakalipas at sa mga nagdaang araw ay walang naging hindi masakit para sakin.Ngayon na ang araw nang kasal namin ni Apollo at parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa.

"Hindi mo na ba talaga ako mahal Kaizer?"pinunasan ko ang gilid ng mata ko.

"You give up easily?!"suminghap ako."I am wondering if you even love me,sabi mo 'i love until forever does exist' pero wala ka parin dito..apat na araw na ko dito pero hindi ka nagpaparamdam..hindi mo na ko  mahal"hinawakan ko ang dibdib ko kung nasaan ang puso ko,sobra sobra akong nasasaktan dahil hindi niya tinupad ang pangako niya sakin.Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at nakita kong mugtong mugto na ang mata ko,sa dalawang araw na nakalipas ay wala akong ginawa kundi magmukmok.

"Mommy"biglang bumukas yung pinto kaya nakita ko yung kambal na pumasok.

"Mommy"lumamlam ang mata ni Khalex at dali daling yumakap sakin ganun din si Kei.

"Ina,magpapakasal ka na po ba kay Tito Apollo?"malungkot na tanong ni Kei.

"Paano po si daddy?malulungkot po siya"sabi naman ni Khalex.

"Khalex,Kei,sorry sa mga pagkukulang ni mommy sainyo,sorry dahil hindi ko kayo masyadong maasikaso"bumuntong hininga ako at hinawakan ang pisngi nila at pinatingin sa mata ko."Nalulungkot ako dahil hindi tayo sinusundo ng daddy niyo,para bang nakalimutan na niya tayo!pero kahit anong mangyari!kahit walang daddy basta may mommy...ayus na,diba?"mapait akong ngumiti kaya dun nalaglag ang luha sa pisngi nila na nagpadurog sa puso ko.

"Kakakilala lang po namin kay daddy Kaizer tapos wala nanaman po siya?"humikbi si Khalex."Hindi niya po ba tayo mahal?"pumiyok pa siya kaya niyakap ko sila ng mahigpit.

"Hindi ko alam"mahinang bulong ko.

'Kasi kung mahal niya tayo,hindi niya pipirmahan ang annullment papers,kung mahal niya tayo dapat nandito na siya at pinaglalaban tayo pero wala!apat na araw na siyang hindi nagpaparamdam'

Malapad akong ngumiti at humiwalay ng yakap sa kambal.

"Wag na kayong malungkot okay?mahal na mahal kayo ni mommy..siguro dito na tayo titira sa Greece at kahit walang magagawa si mommy niyo ay magiging bagong tatay niyo si Tito Apollo niyo"peke akong ngumiti sakanila para ipakita sakanila na ayos lang ang lahat kahit hindi.

"Pero gusto ko po si daddy kaizer"ungot ni Kei.

"I want to be with my daddy"ungot din ni Khalex kaya bumuntong hininga ako.At nag-isip ng ibang topic.

"Hindi ba kayo nagugutom?"nakangiting tanong ko sakanila kaya sumimangot sila.

"You're changing the topic"nakasimangot na sabi ni Khalex kaya nagpout ako.

"Wala akong maisasagot sa tanong niyo e"sabi ko at pasimple silang inakbayan sabay kiniliti.

"Wahhhhhhh!mommy"sigaw ni Kei habang kinikiliti ko siya sa balikat pataas sa leeg.

"Stop it!mommy naman e"natatawang sabi ni Khalex maya maya lang ay bumukas yung pinto.

"What happen?"nag-aalalang tanong ni Kuya,tumingin siya samin na nakahiga sa sahig habang ang kamay ko ay nasa leeg nung kambal.

"Stop,it tickles"natatawang sabi ni Kei kaya ngumisi si Kuya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"C'mon you are too old for that"inis na sabi ko kaya ngiting aso siyang lumapit sakin at hinawakan ako sa bewang para kilitiin.

"Kuyaaaa!tumigil ka"natatawang sabi ko at sinipa sipa siya.

"Sinong titigil?hindi ako titigil!mamamatay ka kakatawa"natatawang sabi niya habang kinikiliti ako,para na akong bulateng inasinan dahil sa kakakiliti niya ang bewang ko

Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)Where stories live. Discover now