45

6.6K 169 6
                                    

Chapter 45-bar

Lexi's Pov

"Bakit kayo pumayag na bilhan kayo ng taong hindi niyo kilala,baka mamaya ay modus lang iyon...pagkatapos kayong bilihan ng laruan ay isasama kayo sa puting van"naiinis ako sa kanilang dalawa kasi napakabata pa nila pero nakakarating sila sa mall ng silang dalawa lang.

"Alam niyo bang mamamatay ako sa pag-aalala sainyo,diyos ko po"napahilamos nalang ako sa muka ko,gusto ko silang paluin pero baka mamis interpret nila iyun.

"Pasensya na po ina"naiiyak na sabi ni Khalex,masamang tingin ang pinukol ko sakaniya kaya malakas siyang napaiyak.

"I am worried sick..damn it kung alam niyo lang yung kaba ko habang hindi ko kayo nakikita sa tabi ko"bumuga ako sa hangin bago nakapameywang na tinignan yung kambal na parehas lang nakatungo at naiyak.

"At hindi man lang kayo mag sosorry?"mataray na tanong ko,bigla naman napayakap sakin si Kei at Khalex.

"Sorry na ina"sabi ni Kei

"Don't be mad,sorry po ina"sabi naman ni Khalex,parang yelong natunaw ang galit ko habang nararamdaman ko ang yakap ng kambal ko..bumuntong hininga ako at niyakap sila pabalik.

"Huwag niyo lang uulitin mga anak,nag aalala kasi ako"bulong ko sakanila

"Oh Lexi"rinig kong sabi ni Luke sa likod ko,lumingon ako sakaniya at ngumiti.

"Hey"tanging sagot ko.

"Bakit naiyak yang dalawa"sabi niya habang nakanguso sa kambal.

"Tinakasan kasi ako,nasa palengke kami kanina tapos etong dalawang toh ay malaman laman kong nasa mall pala"sabi ko.

"Eh anong ginagawa niyo sa palengke?"tanong niya habang nakapameywang sakin,napakamot ako sa batok.

"Nag benta ng isda"bulongko,narinig ko ang singhal niya.

"Ang tigas din ng ulo mo,sabi ko sayo magpahinga ka lang diba"inis ring sabi ni Luke kaya napanguso rin ako.

"Ano bang ginagawa mo dito!Dapat nasa trabaho ka diba?"tanong ko sakaniya,umupo siya sa upuang malapit saamin ng kambal at umupo.

"Nag-aalala kasi ako sayo,kaya umuwi muna ako para makampante na ako"sabi niya habang nakapikit.

"Eh bakit ka naman nag-aalala sakin e wala naman akong sakit"inosenteng tanong ko,dumilat naman siya at sinamaan ako ng tingin.

"Pero kakagaling mo lang sa ospital at sabi nung doctor ---"i cut him off."Ok lang daw ako,ang OA niyo talaga eh"sabi ko at tumabi sakaniya ng upo,inihilig ko ang ulo ko sa dibdib niya.

"Actually nanlalambot nga ako eh"sabi ko at bumuntong hininga."Ayan ang sinasabi namin ina"pangaral ni Kei kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Teka teka,pinapagalitan ko kayo kanina e"sabi ko."Kanino galing yung laruan niyo?"tanong ko.

"Di nga po namin kilala eh,pero mayaman naman siguro siya kasi ang ganda nung suot niyang damit pang business man"sabi ni Khalex habang tinitignan yung laruan niya.

"Kahit na...nagpasalamat ba kayo?"tanong ko sakanila.

"Ayytt hindi po ina"sagot ni Kei.

"Ay naku naku baka kung sino sinong tao yan Khalex at Kei ah"hirit naman ni Luke na sinusuklay ang buhok ko gamit ang kamay niya.

"Mabait po siya..na medyo nakakatakot"kuwento ni Khalex.

"Paanong nakakatakot?"

"Yung mata niya po kasi nakaka intimidate tumingin tapos lagi ring walang emosyon yung muka niya parang si Khalex"kuwento ni Kei habang hawak hawak yung remote nung kotse kotsehan.

Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)Where stories live. Discover now