1

39.1K 838 40
                                    

Chapter 1

Lexi's Pov

"Ok, class dismiss!" sabi ni Ma'am. Inayos niya ang kaniyang gamit at katulad ng ginawa niya ay inayos ko na din yung gamit ko. Napatingin ako kay Kaizer ng napadaan siya sa harapan ko.

'Talang kinareer mo na ang pagdedma sakin ha? Parang wala kang kasalanang  deputa ka'

Pagkatapos ko mag-imis ng gamit ay nag lakad na'ko papuntang canteen, para malamang kumain. Everybody here in college were minding their own business pero syempre pag may bagong gwapo titirahin yan ng mga bitches.

Hindi na naman ako magiging in-denial, kitang kita naman sa muka ni Kaizer na gwapo siya kaya ayan nakabingwit agad siya ng babaeng lalandiin. Ang walang hiya, nakikipaghalikan sa hallway.

'wala na ba siyang kahihiyan?!'

Tumingin siya sakin at binigyan niya ko ng 'wala-akong-pake-sayo-look.' Inirapan ko nalang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Pagpasok ko sa cafeteria ay naghanap agad ako ng bakanteng upuan. May nakita ako malapit sa entrance at bakante pa ito kaya doon ako umupo.

"Tsk! kala mo mag seselos ako? Tangna ka di na kita mahal 'nuh. Ulowl." bubulong bulong ko. Minsan hindi ko talaga alam kung baliw ba ako o ano, minsan kasi ay nagsasalita ako mag-isa.

"Huy Lexi! Sinong kinakausap mo?"bigla biglang sumulpot si Xavier na ginulat ako. Ang talipandas ay nawi-weiduhang nakatingin sakin.

"Wag ka ngang manggulat! Tangena ka" iritang sabi ko sakaniya at hinampas ang braso niya.

"At talagang minura mo pa ako?"nakataas ang kilay na tanong niya, inirapan ko siya at umalis sa upuan ko para umorder ng pagkain ko.

"Uyy, bili mo rin ako!"aniya na pinigilan ako, nagpa cute siya sakin at satingin niya naman ay gagana. Kinurot ko ng madiin ang tenga niya, hinawakan niya ang kamay ko at sinubukang alisin iyon.

"Napakakapal talaga ng muka mo 'noh!Saan ka ba pinaglihi? Sa dos por dos?Sobrang kapal kasi ng muka mo."sabi ko at inalis ang kamay ko sa tenga niya. Nilipat ko sa ilong ang kamay ko at pinisil iyon.

"Ikaw tong mayaman eh," nakasimangot na sabi niya. Hawak hawak niya ang tenga niya na namumula at pilit na inaalis ang kamay kong nasa ilong niya.

"Whatevah!" siniringan ko siya at iniwan. Hindi na ko nagulat ng sumunod siya sakin.

"Sorry na Lexi, ito naman napakahirap biruin. Ganto nalang supporn mo ko sa laban ko sa basketball ah"sabi niya at inakbayan ako. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Anong supporn supporn? Ang bastos mo!"

"E bat alam mong bastos?"nataas taas ang kilay na tanong niya kaya natikom ako. "Ikaw naman kasi, ba't ba ang init ng head mo? Chill naman, first day ng pasukan."

'Hay nako, ayoko ng pag-usapan ang dahilan.'

Umorder na ako, ganun din ang ginawa niya. Talagang pinush niyang ilibre ko siya pero sa huli ay siya din ang nagbayad ng pagkain naming dalawa.

Sabay kaming kumain at nagkwentuhan tungkol sa first day namin at summer vaccation namin.

"Naalala nga kita habang nagsu-surf ko sa Hawaii." aniya habang hinihiwa ang porkchop niya. Sinubo niya ang nakatuhog sa tinidor niya at tinaas baba ang kilay niya sakin.

"Talaga? Nag-surf ka?! Bakit hindi ka pa nalunod sa malalaking alon?" I ask as I sipped my Iced Tea. I raised my left brow on him.

"Paano kasi masyadong safe and surf board kong kasing lapad mo." he mimic what I did.

Bigla naman akong napatingin sa sarili ko.

"Uy joke lang! Ang sexy sexy nga ng bestfriend ko 'e."pambobola niya."Pengeng lima, pinuri kita. Aba!"

Umasta akong nadukot sa bulsa ng palda ko. Pagkalabas ko ng kamay ko ay hinarap ko sakaniya ang likod ng palad kong nakayukom. Unti unti kong tinaas ang gitnang daliri ko at tumawa.

Sarkastikong tumawa siya habang nagma-make face.

"Tara na, ihahatid kita sa huling hantungan mo." yaya ni Xavier matapos kumain. Akmang babatukan ko siya kaya tumawa siya."Sa room mo syempre." aniya at hinila ang kamay ko.

Btw he's Carl Xavier Terrence Guzman ang haba no! Ayaw niyang tinatawag ko siyang Terrence ang pangit daw pakinggan. Bale isang taon na kaming mag kaibigan at ang masasabi ko lang ay sobrang maalaga niyang bestfriend.

*Blag*

"Arayyyy!!" daing ko naumpog ako sa pinto habang si Xavier ay dinuduro ako habang natawa.

'Okay, binabawi ko na yung sinabi ko'

Siguro dahil sa sobrang kalutangan ko hindi ko napansin ang pinto, di man lang ako sinabihan nitong impaktong toh! Kainis

"BWAHAHAHA anong ginagawa mo?"pang aasar ni Xavier. Nakahawak ako sa noo ko habang masasamang tingin ang binabato ko sakaniya.

"Ikaw na impakto ka! Hindi mo man lang pinatabi yung pinto"sigaw ko.

'teka?yung pinto ang mag-uudjust sayo teh?'

"Tigilan mo na kung ano mang bisyo ang ginagawa mo, Lexi"natatawang sabi niya. Napipikon na ako sakaniya dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao.

'Nakakahiya!!'

"Bala ka sa buhay mo, papasok na ako"sigaw ko sakaniya, tumigil siya sa pagtawa at niyakap ako. Pinatong niya ang baba niya sa balikat ko.

"Wag mo nga akong yakapin. Naiinis ako sayo, ang panget mo" iritang sabi ko at tinulak siya, padabog kong binuksan yung pinto at nagulat ako ng nakita kong nakatingin pala sakin si Kaizer.

Iba yung tingin niya 'e, alam mo yung galit tapos handang handang lumapa ng tao, di ko na siya pinansin at nilampasan nalang. Umupo ako sa katabing upuan niya. Alam mo yung awkward? Ganun ang nararamdaman ko, naglabas nalang ako ng pocket book at nagbasa.

Wala sa sariling tumingin ako sa bintana at nagulat ako ng may makita akong mga lalaking nakaitim sa di kalayuan. Napatingin yung isa sakin, hindi ko maaninag ang muka nila dahil malayo sila. Pumasok ang prof namin ng di ko namamalayan at nagsimula ng magklase.

"Ms.Montereal are you with us?"napukaw ni prof yung atensyon ko.

"Ay men in black." wala sa sariling nasabi ko, narinig ko ang tawanan ng mga classmate ko kaya napatungo nalang ako, umiling iling nalang si Prof at nagpatuloy sa patuturo. Tumingin ulit ako sa bintana at wala na?! Lumipas ang mga oras at patuloy parin sa pagtalak si Prof hanggang sa natapos na rin sa wakas. Nagtiis pa'ko ng ilang oras sa pagtalak ng ibang subject teacher ko.

"Ok class dismiss! don't forget to pass your homework." sabi ni prof at umalis na room. Lumabas ako ng room at dumaretso sa Locker area kukunin ko yung librong pang kokopyahan ng assignment ko, kakadistribute lang nito samin kanina.

Pagkakuha ko ng libro ay pumunta na'ko sa parking lot at hinanap ang kotse ko. Namataan ko yung lalaking nakablack kanina nakasandal siya sa pader habang naninigarilyo at nakatitig siya sakin. Daredaretso nakong pumasok sa kotse ko kahit sa totoo ay kinakabahan ako.

Pinaandar ko na agad yung sasakyan ko pauwi sa condo ko.

~~•~~

Inedit ko po yung scene dito!I wrote it kasi po April 1, 2018 pa hindi pa ako ganun ka gamay gumawa ng story.

Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)Where stories live. Discover now