50

7.8K 194 6
                                    

Chapter 50-Bakit pa?

Lexi's Pov

Pagkatapos kong maibalik si Luke sa ospital ay pumunta ako sa Delux Cuisine para puntahan si Sir Danny,ipapaalam ko sakaniya ang kundisyon ni Luke.

Sumakay ako sa jeep papuntang Delux Cuisine habang nasa byahe ay nag-isip isip ako tungkol sa tinanong ni Luke.Hindi ko alam kung bakit kumirot ang puso ko nung sinabi kong hindi ko na mahal si Kaizer,hindi ko naman na dapat siyang mahalin diba?

Nang makarating duon ay tinanong ako nung mga kasamahan namin,lahat sila ay kinakamusta si Luke at nag-aalala sa lagay ni Luke.

Habang naglalakad ako palapit sa opisina ni Sir Danny ay nakita ko si Vanessa na kausap si Klyde.

"Uy!"tawag ko kay Klyde,nanlaki ang mata ko nang makita ko ang pasa niya sa pisngi kaya dali dali akong lumapit sakaniya.

"Hala,anyare sayo?"nag-aalalang tanong ko at hinawakan pa ang pisngi niya pero agad niya iyong iniwas kaya nagtaka ako at tumingin sa seryoso niyang muka.

"O bakit?may nangyari ba?"tanong ko pero umiling lang siya.

"Sumama ka sakin,hinahanap ka ni Boss"sabi ni Klyde kaya napangiti ako ng wala sa oras.

'napili ba ako?ayos yun!'

Nauna siyang naglakad palabas kaya nilingon muna si Vanessa na nagtataka rin.

"Anyare dun?"tanong ko sakaniya.

"Ewan ko ba?ang cold niya..super"sabi ni Vanessa na nakatingin sa labas na dinaanan ni Klyde.

"Ay,sunod na ako sakaniya ah..ikaw pakisabi nalang kay sir danny yung kundisyon ni Luke..naikwento ko nanaman sayo diba?"tanong ko sakaniya kaya tumango siya.

"Sige..ingat"sabi niya kaya tumango nalang ako at naglakad na papuntang parking lot.Nakita ko yung kotse niya duon kaya,binuksan ko na iyon at sumakay sa front seat.

"Napili ako?"nakangiting tanong ko sakaniya pero hindi siya umimik at pinaandar nalang yung sasakyan kaya lalo akong nagtaka habang nasa byahe ay sobrang tahimik niya at hindi ako sanay nang ganun siya kaya nagsalita ako.

"Bakit ba ang tahimik mo?"tanong ko sakaniya pero hindi nanaman siya umimik at nakita ko nalang ang pagsalubong ng kilay niya.

"May problema ba?"tanong ko ulit,tumingin siya sakin at nagpilit ng ngiti pero nandun parin yung galit.

"Wala"sagot niya at nag focus muli sa pagmamaneho,mukang may problema siguro kaya di na ako umimik at sinandal nalang ang ulo ko sa bintana.Pagod na ako dahil wala pa akong pahinga at kanina pa ako pabalik balik,hindi pa naman ako nakaluto kaya walang kakainin yung kambal pag-uwi nila pero pagnakuha ko na yung sweldo ay bibili agad ako ng jollibee para sakanila.Napangiti ako habang iniisip ang maamos nilang muka at ang labi nilang nakangiti habang nakain ng chicken na bibihira nilang matikman.

Naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan kaya umayos ako ng upo at tinanaw ang mataas ng building na nasa harapan ko,nakanganga lang ako hanggang sa pinagbuksan ako ni Klyde ng pinto kaya bumaba ako at hindi parin natitinag ang pagtingin ko sa building.

"Tara Lexi"yaya ni Klyde kaya tumingin ako sakaniya na nauna na papasok,sumulyap muna ulit ako sa building bago sumunod kay Klyde.Pansin kong pinagtitinginan ako ng mga tao na kalaunan ay nagbubulungan din.

Naglakad si Klyde pasakay sa elevator kaya sumunod ako sakaniya,siya na mismo ang pumindot duon sa button at pinindot niya yung 10th floor.Naging tahimik kami sa elevator dahil ayaw niya talagang umimik,iniisip ko nga kung may nagawa akong masama kanina?O dahil baka hindi ako nakabalik kanina?Bago kasi ako umuwi ay dumaan muna ako sa SMCES chineck kung kumakain si Khalex at Kei ng lunch pero naabutan ko pang nakikipagsuntukan si Khalex kaya inasikaso ko muna.

Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon