47

6.7K 159 3
                                    

Chapter 47-Another Problem

Lexi's Pov

Halos tatlong araw nang nasa sa ospital si Luke at habang tumatagal kami duon sa ospital ay lumalaki ang bills ni Luke at isa pa natanggap ko na rin yung bill ng meralco ni Luke at samin.Lunes ngayon at pinilit kong pumasok sila Sabel,Marco,Drei,Khalex at Kei at syempre ako narin bumili ng pagkain nila at baon kahit nasisimot na yung ipong pera ko para sa future ni Khalex at Kei.

Napasuklay nalang ako sa buhok ko gamit ang daliri ko dahil sa frustation,bumaba na ako sa jeep na sinasakyan ko at dumaretso na nang lakad papasok sa ospital.Habang naglalakad ay nag-iisip ako ng paraan  para masulusyunan ang problema ko,gulong gulo na talaga ako at hindi ko alam ang gagawin.Ayan ang hirap sa mga mahihirap napakaiwas ng pera sa amin,napakahirap maghanap ng pera,napakahirap kumita ng pera kung alam mong marami kang ginagastusan at pagkakagastusan.

Ipinilig ko ang ulo ko at pumasok na kwarto ni Luke pero nagitla ako nang makita ko si Kapitana Rosa doon habang nakatingin kay Luke,agad ko namang nakuha ang atensyon niya kaya lumapit siya sakin at nakikita ko na sa muka niyang problema ang hatid niya sakin.

"Lexi"sabi nito at bumuntong hininga."Bibihira kitang maabutan sa bahay ninyo kaya naparito na ako para sabihin sayo ang masamang balita"saad pa nito,pinaupo ko muna siya sa monoblock na nasa tabi ni Luke at ako naman ay umupo sa kama ni Luke na natutulog.

"May nais magpaalis sa atin Lexi,nais nilang patayuan ang lupa natin ng isang pasyalan daw at ang sabi pa sakin ni Mayor ay binayaran daw ng kalahating milyon yung totoong nagmamay-ari ng lupa natin kaya gusto nilang umalis na tayo duon sa Sitio Mapurok sa lalong madaling panahon"malungkot na sabi ni Kapitana Rosa.

"Pero hindi ho ba binigay na sa atin iyon bilang donasyon?bakit tayo paaalisin?anong kailangan nating gawin para hindi tayo umalis"namomroblemang sabi ko sakaniya,may tumulong butil ng luha sa mata niya.

"Dili ko alam Lexi,sa Sitio Mapurok na ako lumaki duon ako pinanganak,nakapagtapos,nakapag-asawa at nakapag-anak.Hindi ko kakayanin kung mawawala sa atin ang tahanan natin Lexi...Alam kong marami ka naring problema pero nais ko lang malaman mo ang katotohanan"lumuluhang sabi ni Kapitana Rosa,sumikip ang dibdib ko dahil naririnig kong umiyak ang taong minsan ng naging sandalan ko,minsan nang tinuring akong pamilya at tumanggap sa akin nung mga panahong wala na akong pag-asang mabuhay.

"Baka masulusyunan pa ho natin,baka may magawa pa po tayo"puno ng pag-asang sabi ko sakaniya habang hawak hawak ang kamay niyang nanginginig na.

"Meron pero napaka imposible Lexi"malungkot na sabi pa nito,umayos ako ng upo at mas hinigpitan ang pagkapit sa kamay niya."Kailangan nating magbayad ng kalahating milyon"sabi ni Kapitana kaya halos malaglag na ang panga ko sa gulat.

"Saan naman tayo makakahanap ng kalahating milyon?"nawawalan na ng pag-asang sabi ko at napasabunot pa sa buhok ko.Hindi ko na alam ang gagawin ko,sobra sobra na talaga akong namomroblema..hindi ko na alam ang gagawin ko..nawawalan na ako ng pag-asa.

"Ayun nga ang problema at isa pa hindi natin kakayaning kitain ang ganun kalaking pera Lexi,batid kong marami ang malulungkot sa Sitio Mapurok"malungkot na sabi ni Kapitana Rosa,bumuntong hininga ako at pumikit at sa isang iglap may naisip ako kaya napadilat ako

"Hindi po ba binigay sainyo ang titulo ng lupa?"tanong ko sakaniya,tumango naman siya."Pwede natin gamitin yun laban sakanila dahil ayon sa titulo ay tayo na ang nagmamay-ari ng lupa,oo at binigay iyon bilang donasyon para sa atin,sainyo nakapangalan ang titulo kaya may karapatan tayong ipaglaban ang lupa dahil sa atin nakapangalan ang titulo kahit pa binigay lang saatin iyon"sabi ko kay Kapitana na parang nabuhayan rin.

"Kailangan nating iharap sa korte ang kasong ito dahil may karapatan parin tayo sa lupa"sabi ko sakaniya,sumandal naman siya sa upuan at tinignan ako.

Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon