53

7.4K 177 2
                                    

Chapter 53-Sleep with you

Lexi's Pov

Dapat ay babantayan ko si Luke ngayon pero hindi ako mapakali kapag kasama siya kaya pumasok nalang ako sa Jigg's Pub para mag kayod ng pera para sakaniya at sa mga anak ko.

Dagsa ang tao ngayon at kalimitan ay mga bata dahil malapit na magtapos ang eskuwela.

"Naku beshy lagi kang hinahanap ng anak mo"sabi ni Vanessa na nagpupunas ng baso,ngumiwi ako sakaniya."Pasensya na talaga sa abala,gusto ko na silang kunin sayo pero lagi kasing nasulpot si Kaizer sa paligid eh"sabi ko sakaniya habang nangangamot ng ulo.

"Ano yun multo?"natatawang tanong niya."Mahirap kasing ipaliwanag pero dati kasing Mafia King yung asawa ko"sabi ko sakaniya kaya nagtaka bigla siya,hindi ko pa naikwento kahit kanino yung naging posisyon ko noon at kung ano talaga ako..pagnagtataka sila kung paano ako nakakalaban ang dinadahilan ko nalang ay mahilig ako sa martial arts.

"Mafia?diba ayun yung parang mamamatay tao?"tanong niya."Hindi naman sa mamamatay tayo,pumapatay kami dahil may pinoprotekthan kami"paliwanag ko sakaniya kaya nanlaki ang mata niya.

"Kami?mafia ka din?"tanong niya kaya tumingin muna ako sa paligid."Oo,eh"nakangiwing sabi ko kaya napaatras sila palayo sakin.

"Pero pumapatay ako kapag kailangan..hindi ako yung tipo ng taong ginagamit sa walang kwentang bagay ang kakayahan ko"sabi ko sakaniya kaya tumango siya."Pero hindi halatang mamamatay tao ka hahaha kaya pala ang galing mong makipaglaban"nakangising sabi niya kaya ngumisi din ako,maya maya ay may lumapit samin para umorder.

"Miss 10 shotglass at isang alak"sabi nung lalaki kaya tumingin ako kung sino iyon at nagulat ako nang makita kong iyon yung lalaking nakaaway ko sa bar,ngumiti siya sakin kaya nagsalubong ang kilay ko.

"Well miss i am harmless now give me what i order and send it...right there"sabi nung lalaki at tinuro yung table nila na malapit sa stage,ngumiwi ako."Ipapahatid ko nalang po"sabi ko at kumuha ng sampong shot glass.

"No,ikaw ang maghahatid sakin..dahil ayun ang sinabi ko"sabi niya at naglakad na pabalik sa table nila,umirap ako sa kawalan bago kunin yung alak at inilagay sa tray...naglakad ako palapit dun sa lalaki kaya lumawak ang ngiti niya ganun din yung mga kasama niya sa table na iyon..5 silang lalaki at nakakapagtaka na 10 shot glass ang inorder nila.

"Eto na po ang order niyo"sabi ko at nilapag yung mga baso at alak,binilisan ko dahil may masama akong nararamdaman sa kanila.Akmang aalis ako ng biglang hawakan nung lalaki yung pulsuhan ko kaya tumingin ako sakaniya.

"Lexi!have a drink with us"sabi nung lalaki kaya inagaw ko yung kamay ko sakaniya at lumayo."Magtatrabaho pa ako at isa pa hindi ako nainom"sabi ko at tinalikuran na sila pero hinigit nila yung braso ko at pinaupo sa bakanteng upuan na pinaggigitnaan nila.

"Chill Lex..wala naman kaming gagawin sayo"nakangising sabi nung isa."By the way i am Bryn this is Yuri,Welson,Gilbert and James"sabi nung Bryn,hindi ako umimik at nanatili lang nakaupo.Kinuha nung James yung alak at sinalinan yung mga baso at ngumiti sakin.

"We have a deal for you"sabi ni Bryn at inakbayan ako kaya agad kong inalis yung kamay niya sa balikat ko.

"Lalagyan namin ng pera dito..all you have to do is drink this"sabi ni Bryn na inipitan ng pera sa ilalim ng baso."Bawat basong iinumin mo ay may matatanggap kang pera"nakangiting sabi niya sakin kaya nawalan ng emosyon ang muka ko.

"Anong ba talagang kailangan niyo?"inis na tanong ko sakanila,umarte silang nagulat."Tinutulungan ka lang naming magkapera,diba kailangan mo yun?"nakangusong sabi ni Bryn kaya mas lumalim ang gatla sa noo ko.

Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)Where stories live. Discover now