44

6.6K 154 6
                                    

Chapter 44-Mall

Lexi's Pov

"Ina magpahinga ka na"pangungulit ni Kei sakin,ngumiti lang ako sakaniya at ginulo gulo ang buhok niya.

"Ina,napakatigas ng ulo mo"galit na panenermon ni Khalex na nakacross arm pa,ngumuso ako sakaniya.

"Wala kayong babaunin kapag hindi ako nagtinda ng isda mga anak atsaka diba pinangako ko na bibilhan ko kayo ng bola at kotse kotsehan"nakangiting sabi ko sakanila.

"Pero hindi namin kailangan yun ina,kakagaling mo lang sa ospital tapos magtatrabaho ka nanaman?"malungkot na sabi ni Kei,matapos kong makipaglaban duon sa mga lalaki sa bar at bago ako masuntok sa tyan ay bigla nalang nandilim ang paningin ko kaya sinugod ako sa ospital,sabado ngayon at pinag off muna ako ni boss kaya manghuhuli nalang ako ng isda para maibenta sa palengke.

"Ayos lang ako mga anak atsaka isa pa,antagal niyo nang hiniling sakin yung kotse kotsehan alam kong hindi lang kayo nagsasabi pero alam kong gustong gusto niyo na talagang makuha yun"sabi ko sakanila at kinuha ang batsya at pamingwit.

"Oh Lexi mangingisda ka?"biglang sulpot ni Kapitana Rosa,mapapansin mong nanghihina na siya at ang dami na ng puti sa buhok niya..lagi niyang dala dala ang tungkod niya na ginagamit niya kapag naglalakad siya.

"Ah opo Kapitana,bibilhan ko lang po sila ng laruan at pambaon narin nila"sabi ko kay Kapitana,mahirap lang kami pero pinipilit kong matugunan ang mga kagustuhan ng mga anak ko at isa pa lagi naman silang pasado sa mga exam nila kaya kailangan din nila ng reward minsan minsan.

"Diba kakagaling mo lang sa ospital?"tanong nito at tumingin kila Kei at Khalex.

"Bakit pinagtatrabaho niyo ang ina niyo?baka mapaano nanaman siya"pangaral ni Kapitana sa mga anak ko,sabay na ngumuso yung dalawa.

"Si ina ang makulit kapitana,pinipigilan po namin pero ayaw magpaawat"sabi ni Khalex.

"Hindi mahalaga ang materyal na bagay ina ang mahalaga sa amin ay ang pagmamahal mo,hindi na namin nanaisin ang luho kung ang kapalit nun ay ang paghihirap mo"sabi ni Kei.

"Naku po anak mo nga ito Lexi"natutuwang sabi ni Kapitana Rosa at kinurot kurot pa sa pisngi yung dalawa.

"Ang bilis ng panahon,parang kahapon lang ay mga sanggol kayo na hinehele ng ina ninyo pero ngayon ang gagwapo niyo ng mga bata"nakangiting sabi ni Kapitana habang hinahaplos ang pisngi ng mga anak ko.

"Nga pala kinausap ako ni Mayor at may libreng tuli daw sa bakasyon"sabi ni Kapitana,napatawa ako ng makita ko ang takot sa mata ng mga anak ko.Agad lumapit sakin si Kei at niyakap ako.

"Ayoko pa ina,ayoko pa pong tulian"naiiyak na sabi ni Kei.

"Bakit ayaw mo?Magiging binata ka na"sabi ko sakaniya.

"Ayoko po ina sabi ni Kuya Andrei kapag tinulian daw po ako masakit daw po iyon"naiiyak na sabi niya."tapos hindi na daw po ako makakalakad kasi masakit daw po kapag nagdadalihan"takot na takot na sabi niya,tumawa si Kapitana.

"Hay naku naniwala ka kay Drei eh isa pa iyong hindi pa tuli"natatawang sabi ni Kapitana.

"Oh siya siya mamimingwit muna ako ng isda"sabi ko at lumusong sa ilog.

"Sama"sabay na sabi nung kambal.Ganun nga ang ginawa ko namingwit ako at nilagay iyon sa batsa,buti nalang ang tinuruan ako ni Luke mangisda nuong matapos kong ipanganak si Khalex at Kei kaya kapag  wala akong trabaho ay eto ang ginagawa ko para kahit papaano ay kumikita parin ako.

Matapos namin mangisda ay pumunta kami sa kubo para magpahinga,punas punas ko ang pawis sa muka ko habang nakaupo sa upuang gawa sa kawayan.

"Nakita ko to sa bar eh,naiwan nung babae kagabi"rinig kong sabi ni Ria na nanduon din pala sa kubo at nakatambay,kasama niya ang dalawang alipores niya na mukang multo rin sa puti ng foundation..imagine guys kayumanggi ka tapos ang light foundation ang gamit mo magmumuka ka talagang multo,tapos yung kilay nila ay sobrang taas pa at ang lipstick nila at pulang pula.

Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)Where stories live. Discover now