23

11.2K 290 12
                                    

Chapter 23

Lexi's Pov

Dinilat ko ang mata ko dahil may nararamdaman akong mahapdi sa pagitan ng hita ko,bumangon ako at nag-unat unat..sinimulan ko nang igala ang paningin ko sa kabuuan ng kwartong hindi pamilyar sa akin.

"Asan ako?"tanong ko sa sarili ko at doon ko naalala ang lahat ng nangyari kagabi.Sobrang saya ng puso ko at kahapon ko lang ulit naramdaman iyon.Tinignan ko ang sarili ko at nakita kong may suot akong malaking tshirt hanggang tuhod at boxer shorts.

Agad hinanap ng paningin ko si Kaizer pero wala siya,umalis ako sa kama at lumabas ng kwarto niya.Pagkababa ko palang ay narinig ko na ang maingay na boses ni Clark.

"Master ako na ang magluluto!Sina salvage mo yung bacon at itlog eh"rinig kong sabi ni Clark,pumunta  ako sa may kusina pero di ako nagpakita sa kanila at sinilip lang ang ginagawa nila.

"Shut up i'm focusing"

"Master kawawa yung pagkain sayo oh!!sunog na sunog na tapos yung kanin mo hilaw pa ako nang magluluto"Sabi ni Clark at astang kukunin yung sanse pero mabilis na hinampas ni Kaizer ang kamay niya kaya napatawa ako ng palihim.

"Just give me a god damn space so i can cool it well"

"Space?Eh 3 meters away nga ako kanina nung piniprito mo yung bacon"

"Ahhhh damn this oil"galit na sigaw ni Kaizer ng matalsikan siya ng mantika sa braso.

"Hahahahahaha y...yung m-muka m-mo master hahahhaha....ang epik"

"Manahimik ka kung ayaw mong muka mo ang prituhin ko't tustahin"seryosong sabi ni Kaizer kaya naman umastang susuko na si Clark,umupo siya sa lamesa at tinignan si Kaizer habang nagluluto.

"Satingin mo kakainin ni Ms.Lexi yan Master?Eh sunog pa sa sunog yan e"

"Tsk!eh gusto kong ako ang magluluto para sa kaniya,gusto kong iparamdam sakaniya na kahit hindi ako marunong magluluto susubukan ko ang lahat ng paraan para lang maiparamdam na nag effort ako para sakaniya dahil ganun ko siya kamahal"parang wala sa sariling sabi ni Kaizer habang nakatitig dun sa bacon na niluluto niya.Bumilis naman ang tibok ng puso ko at parang naaantig yun sa sinabi ni Kaizer.

'Kaizer!Bakit ganto kalakas ang epekto mo sakin?Oo mahal na mahal parin kita pero paano na si Xavier?Ayokong masaktan siya,pero paano naman ang nararamdaman ko??Kung ang pipiliin ko ay ang kaligayahan ng iba,paano naman ang kaligayahan ko?Oo masayang kasama si Xavier pero siya yung tipong nagpapasaya dahil kaibigan mo siya..Ang tanga ko kasi bakit ko ba binigyan ng pag-asa ang taong wala naman talaga ni katiting na pag-asang masuklian ng pagmamahal ko!Mahal ko rin naman si Xavier eh!pero bilang kaibigan'

"And the ms.universe is!!...Kaizer Ceiran Montenegro!!!"

"Gago!!!"

"Ang lalim ng hugot master ah!Iba na ang inlove!"

"Palibhasa wala kang lovelife"nakangising sabi ni Kaizer kay Clark kaya naman nanlaki ang mata ni Clark.

"M-master naman eh!Foul yan!Alam mo namang ayaw ko pang sagutin yung mga babaeng nanliligaw sakin dahil kailangan muna kitang atupagin"nakangusong sabi ni Clark,napatawa ako kay Clark ng bahagya hindi ko kasi alam na may ganyang side pala siya!!Akala ko dati seryoso lang siya merong joker side pala si Clark eh!

"Tsk!"

"Kaizer?"

"Bakit?"

"Satingin mo maaalala niya pa kaya ang lahat?"nakangiti munit seryosong sabi ni Clark,nawalan naman ng emosyon si Kaizer.Bigla naman akong naguluhan

Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon