57

7.4K 180 8
                                    

Chapter 57-Dead

Kaizer's Pov(Still Flashback)

Habang nakaluhod ako sa harapan ng bangkay ni Lexi ay narinig ko ang ingay nang helicopter na nanggagaling sa langit,tumingala ako at nakita ko ang helicopter el Montereal..namutla ako nang makita ko ang nanlilisik na mata ni Tito Alejandro.

Nag-atrasan yung mga pulis sa paligid pero hindi ako nagpatinag at hinintay ang paglapag nang helicopter,nang makalapag na ay dali daling lumabas si Tito,Tita at Alexander.

"ANAK KOO!!!"sigaw ni Tita at dahan dahang lumuhod sa uluhan ni Lexi,lumingon siya kay Tito na naluluha din habang nakatingin sa bangkay ni Lexi..muling tumingin si Tita sa bangkay ni Lexi at niyakap ang ulo ni Lexi.

"MY DAUGHTER"humahagulgol na sabi ni Tita at hinawakan ang kamay ni Lexi,duon niya nakita yung singsing ni Lexi kaya lalo siyang humagulgol ng iyak.

"ALEJANDRO YUNG ANAK NATIN!!GAWAN MO NG PARAAN,BUHAYIN MO YUNG ANAK NATIN!!"sigaw niya kay Tito na unti unting lumuhod habang nakatingin kay Lexi.

"My daughter"bulong niya at niyakap si Tita,nilingon ko si Xavier na namumugto rin ang mata habang nakatingin sa malayo.

"Magagawan pa to ng paraan diba?Alejandro?!DIBA!!SABIHIN MONG MABUBUHAY PA ANG ANAK NATIN,ALEXANDER!!DOCTOR KA,BUHAYIN MO YUNG KAPATID MO!!"sigaw ni Tita na nagpupumiglas pa sa yakap ni Tito.

"P-patay na talaga siya mommy,wala na tayong magagawa"sabi ni Alexander na nakatingala habang ang braso niya ay nasa muka niya.

"HINDI!!SINUNGGALING KAYO!"sigaw ni Tita at mas hinigpitan ang yakap kay Lexi."Anak si Mommy mo 'to,gising ka na..uuwi ka na sa bahay tapos ipagluluto ka namin ng nanny mo,diba favorite mo yung hipon?!ipagluluto ka namin basta gumising ka anak ko"nakangiting sabi ni Tita at parang kinukumbinsing magising si Lexi na hindi na mangyayari pa.

"GISING NA SABE 'EH HINDI NA NAKAKATUWA"at biglang humagulgol muli si Tita at inuga uga yung katawan ni Lexi na para bang ginigising.

"LEXI!"sigaw muli ni Tita at tumingin sakin,doon ko unti unting nakita ang mata niyang nanlilisik.Dali dali siyang tumayo at sinampal ako nang malakas sa muka.

"BASTARD!!PINATAY MO ANG ANAK NAMIN!!!PINAGSISISIHAN KONG IPINAKASAL PA KITA SA ANAK KO"sigaw niya sakin at paulit ulit akong sinampal sa muka kaya hindi ako lumalaban dahil kasalanan ko naman.

"PINATAY MO ANG ANAK KO HAYOP KA"sigaw niya pa,inawat siya ni Tito at sinamaan ako nang tingin.

"Ayaw na ayaw ko nang makita pa ang pagmumuka mo,umalis ka na kung gusto mong mamatay..hindi ka makakapunta sa burol nang anak ko"seryosong sabi ni Tito sakin kaya nagulat ako.

"I am her husband!!karapatan kong ihatid siya sa Libingan El Sebastiana as my wife"matapang na sabi ko,ang 'libingan el sebastiana' ay libingan nang mga namayapang mafia,yung mga matataas lamang ang ranggo ang may karapatang ilibing duon.

"No!BILANG AMA NIYA AY HINDI KITA PINAHIHINTULUTAN!!Ililibing siya bilang Montereal hindi Montenegro kaya wala kang karapatang pumunta sa burol niya"sigaw niya sakin at binato yung singsing ni Lexi sakin.

"Umalis ka na bata kung ayaw mong mapulbos kita ngayon mismo"seryosong sabi niya pa sakin,sinulyapan ko ang bangkay ni Lexi.

"P-pero Tito asawa ko siya"naluluhang sabi ko sakaniya kaya sinuntok niya ako.

"UMALIS KANA!!UTANG NA LOOB"sigaw niya sakin,naramdaman kong kinakaladkad ako ni Xavier at sinakay sa kotse niya.

1 LINGGO na ang nakakalipas at hindi ko na maramdaman ang sarili ko,sinabi sakin ni Kuya Skyler na Cremate na ang katawan ni Lexi at dadalhin iyon sa Greece para duon na ilibing.Tinotoo ni Tito yung sinabi niyang hindi ako pwedeng pumunta sa burol niya kaya 1 linggo lang akong nakakulong sa bahay namin ni Lexi.

Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)Where stories live. Discover now