Epilogue

9K 144 30
                                    

Epilogue

(Lai_Lanie
-Blacklydian_6)

Lexi's Pov

"Mommy wake up!wake up!"agad kong idinilat ang mata ko ng marinig ko ang boses ng anak kong kanina pang nagtatatalon sa higaan ko,tinignan ko ang mga ito at nginitian.

"I'm hungry"Khalex said.

"And I'm handsome!!"Keiliot exclaimed.I gave my sweetest smile to these adorable kids.

"Maayong Buntag!!"i said and give them a peek of kiss in their cheeks.

"Ang katahum sa akong inahan(Ang ganda ng mama ko)"pagbobola ni Keiliot sakin,bahagya naman akong napangiwi

"Sobra kaayo (sobrang ganda)"sabi ni Khalex at niyakap ako.

"Ikaw gayud (kayo talaga)"nakangiting sabi ko at niyapos sila.

"Tara na't gagawa pa tayo ng almusal"nakangiting sabi ko at hinawakan ang kamay nila.

"Mommy,gusto ko po ng tuyo,kamatis at itlog"sabi ni Keiliot habang naka pout.

"Oh sige ba"sabi ko at pinaupo sila sa upuang gawa sa kahoy,sa harap nila ay ang lamesang gawa sa plywood na nadampot ko lamang.

"Magpi-prito lang ako mga anak diyan lang kayo"sabi ko at kinuha ang kawali sa ilalim ng lababo.Sinindihan ko ang kalan gamit ang posporo at inilagay ang kawali doon,nilagyan ko na ng mantika at nagsimula na ng magbati ng itlog.

"Mommy si Ate Isabella at Kuya Marco po,tatawagin nalang po namin sila"naiinip na sabi ni Khalex.Tumango ako sakanila at inilagay ang itlog sa kawali,pagkatapos kong tuluin ang itlog ay ipinirito ko ang tuyo.Habang nagluluto ay hindi ko lubos maisip na 8 taon na kaming hindi nagkikita ni Kaizer,matapos niyang ituring na impyerno ang buhay ko ay hinayaan nalang niya akong umalis at hindi na ako hinanap pa.Siguro ay dahil hindi naman talaga niya ako mahal.

"Bai,ang tuyo nasunog na"sabi ni Luke na pinatay ang kalan,bigla akong natauhan at gulat na napatingin sakaniya.

"Ayos ka lang ba bai?"tanong niya sakin,tumingin ako sa tabi niya at nakita ko si Khalex,Keiliot,Sabel,Marco at Drei na nagtatakang nakatingin sakin.

"A-ahh oo,maayong buntag bai"sabi ko at tinignan yung kawali pero sunog na nga yung tuyo.

"Magluluto nalang ako ng bago,umupo ka na doon"sabi ni Luke kaya tumango nalang ako at umupo sa upuang kahoy.

"Ina,ayos ka lang ba?"nag-aalalang tanong ni Khalex,ngumiti ako sakaniya at ginulo gulo ang buhok niya.

"Oo,naman...Maayong buntag Sabel at Marco"baling ko kay Sabel,ngumiti siya at umupo sa katapat na upuan ko katabi si Marco at ang bunso nilang si Drei.Sila yung mga pulubing nakilala ko dati na pinakain ko sa restaurant.

"Maayong buntag ate,kamusta ang tulog niyo ng mga bata?"tanong niya habang binubuksan ang kalderong dala niya na may kanin.

"Ayos naman,malamig nga kagabi"kumento ko.

"Mommy,pwede po bang bilhin na  natin yung bolang gusto ko"pagmamakaawa ni Khalex,agad naman akong nakunsensya sa itsura niya..hindi niya dapat nararanasan ang mga ito samantalang ang ama nila ay nagpapakasarap lang sa buhay.Walang wala ako at naghihirap,buhat ng magpakasal kami noon ni Kaizer ay siya na ang may hawak ng credit cards ko.

Hindi ako makahingi ng tulong kila mommy dahil nasa Greece sila at wala akong kuneksyon sakanila at ang mas malala pa ay nasa Cebu ako ngayon at dito ko binubuhay ang mga anak ko.

"Anak susubukan ni mommy ah"sabi ko habang pinipigilang maluha,agad yung napansin ni Khalex dahil sa tono ng boses ko.Naaawa ako para sa mga anak ko.

"I-ina wag ka nang umiyak..a-ayos lang naman"sabi ni Khalex.

"Kambal,bakit mo pinaiyak si Ina!!susuntukin kita"sabi ni Keiliot

"Hindi anak,okay lang ang mommy niyo hehe"sabi ko sakanilang dalawa.

"Luto na ang tuyo,magsikain na"sabi ni Luke at inilatag ang tuyo sa harapan namin.Nagsimula na kaming kumain at lahat sila ay ganadong ganado na kala mong hindi ayun ang almusal namin kahapon.

"Mommy ahhh"sabay na sabi ng kambal ko,ngumanga ako at kinain muna ang kay Keiliot bago kainin ang kay Khalex.

"Sarap"nakangiting sabi ko sakanila.Nang matapos kumain ay naghugas na sila ng pinggan,lumabas ako para magpalamig at magpagaan ng loob.

"Iniisip mo parin siya?"tanong ni Luke na umupo sa tabi ko.Bumuntong hininga ako at tumingin ng malayo.

"Hindi kailanman siya nawala sa isip ko Luke"walang ganang sabi ko.

"Bakit hindi mo siya puntahan sa Maynila?"tanong niya

"Alam mo kung ano lang ang nadatnan ko nung pumunta ako sakaniya"sabi ko at doon sumikip ang dibdib ko.

*FLASHBACK*

Habang karga karga ko ang dalawang sanggol papunta sa bahay naming mag-asawa ay punong puno ako ng pangamba at takot.Natatakot akong saktan muli ni Kaizer,natatakot ako sa mga salitang sasambitin niya muli saakin na hindi matanggap ng sistema ko.

"Ayon,may lumabas na dun sa bahay"sabi ni Luke na nasa tabi ko,tumingin naman ako doon at nakita ko si Kaizer na naka tshirt at naka shorts.Ihahakbang ko sana ang aking mga paa pero parang may batong tumama sa paa ko at napatigil ako sa paghakbang.Tuloy tuloy ang daloy ng luha sa mata ko kasabay ng pagsikip ng dibdib ko.

'Kaya ba hindi niya ako hinanap nung umalis ako? dahil meron na siyang iba?'

"Ang cute cute ng baby ko"nanggigigil na sabi ng pamilyar na babae,hindi ko matanggap napakasakit talaga.

"Indeed"sagot ni Kaizer at binuhat ang batang karga ni Allison.

"Manang mana sa tatay niya"nakangiting sabi ni Allison.

"Yes she is"nakangiting sabi ni Kaizer at hinehele hele pa ang bata,napaatras ako at akmang matutumba pero mabilis akong inalalayan ni Luke.

"Ialis mo na ako dito Luke,ayoko na dito"lumuluhang sabi ko.

*END OF FLASHBACK*

"Ayaw mo ba silang ipakilala sa kaniya?"tanong ni Luke.

"Ayoko.i will never let that happen"matigas na sabi ko.

Mga Aabangan:
1.Ano ang mga ganap nung past 8 years?
2.Ano ang mga ganap ng mga bagong character.
3.Totoo bang nangaliwa si Kaizer?
4.Ano-anong kademonyohan kaya ang ginawa ni Kaizer kay Lexi
5.Tatapusin ko ba 'toh?Ewan,panget naman daw eh
6.Ano-ano kaya ang mangyayari pag nagkita muli sila.
7.Ano ang pasabog ni Clark Dustin bebe ko?

New Character:
Khaizer Alex "Khalex" Montenegro
Keiren Heliot "Kei"Montenegro
Isabella "Sabel" Martinez
Marco Martinez
Luke Martinez
Andrei "Drei" Martinez
Phoebe Alisha "Pabi" Briones
Zsa Zsa Guzman
Maricar Guzman
Vanessa Hidalgo
Klyde Cortez
Riana "Ria" Fuentes

Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)Where stories live. Discover now