30

9.2K 220 6
                                    

Chapter 30

Clark's Pov

Habang pinapanood kong sabay sabay na mag park ang mga itim na kotse sa harapan namin,palihim na akong naghahanda ng bomba sa kamay ko.Muli kong sinulyapan yung kotse at isa isa nang lumabas ang Guzman Family..Si Patrick,Ceasar,Bryan (Mga kapatid ni Xavier) at si AMANDA..hindi nila kasama si Xavier dahil malamang sa malamang hindi pa nito alam ang tunay na katauhan niya.Nakangisi at nanunuyam na tumingin ang mga Guzman sa limang pinakamatataas na ranggo sa mundo ng Mafia.

"Oww the royalties,it's our pleasure to meet you...Again"nakangising sabi ni Amanda at bahagya pang tumungo.Walang umimik sa amin nasa tabi lang ako ni Kaizer na ngayon ay yukom na yukom ang kamao.Akmang lalapit si Amanda ng bumunot ng baril ang mga tauhan namin at tinutok sa kanila,nagpanggap na susuko si Amanda at bahagya pang umatras.

"Hahahahaha i don't came here to fight with you boys hahhahaha!Is it necessary to fight a women?C'mon limang matatas na ranggo laban sa akin sa amin?Maawa naman kayo!Be fair hahahhahahaha"nakakalokong tumawa ito at inalis ang shades na suot niya.

"Naulol na ata toh eh"bulong ko sa sarili ko,bahagya naman akong tinignan ni Master at muling binalik ang paningin kay Amanda.

"No fight please"sabi pa nito.

"Anong kailangan mo Amanda"mapapansin mo ang diin sa bawat salita ni Mr.Montereal naninigting ang panga at nanlilisik ang mata sa galit.

"I just came here to greet you guys!Namiss ko ang college life natin..Hailey,Zera,Alejandro,Keiran,Skyzer,Terrence and I diba mag be-bestfriend tayo dati?Nakalimutan niyo na ba?"nagpanggap na nasasaktan si Amanda,naiyukom ko ang kamao ko para siyang tanga ang sarap niyang hambalusin.

"Hindi ka namin kailanman naging kaibigan Amanda ikaw ang kusang isinisiksik ang sarili mo sa amin,bakit? porket hindi kayo nagkatuluyan ng tukmol na'to?"tukoy ni Mr.Montereal(daddy ni Lexi) kay Mr.Montenegro(daddy ni Kaizer)na ngayon ay sinamaan siya ng titig

"Bakit may tukmol pa?Hindi ka parin talaga nagbabago"singhal ni Mr.Montenegro

"hanggang ngayon bitter ka parin sa naging takbo ng buhay mo na hanggang sa mga anak namin maghihiganti ka parin?"tanong ni Mr.Montereal,sumama naman ang muka ni Amanda.

"Alam mo kung gaano ko kagusto si Keiran!pero kailanman ay hindi niya ako nagustuhan dahil gusto niya si Zera!Pero wala karin naman nagawa noong panahon na'yon Keiran dahil binabakod na ni Skyzer si Zera"

"Teka nga!Ayan ba ang dahilan ng lahat ng toh?"tanong ni Master Alexander.Pero walang sumagot sakaniya,tumingin sakin si Amanda at kinindatan ako..Sinamaan ko siya ng tingin..

FLASHBACK...

Malakas,mabilis,mabigat ang bawat suntok na ginagawa ko sa punching bag na nasa harapan ko.Iniisip ko ang lahat ng galit ko at ibinubuhos lahat sa punching bag.Talagang tagaktak na ang pawis ko,medyo masakit narin ang kamao ko pero hindi ko iyon iniinda.Hanggang sa may tumawag sa cellphone ko,lumapit ako sa upuan kung saan nakapatong ang towel,water jug at cellphone ko.

Uminom muna ako ng tubig at nagpunas ng muka bago damputin ang cellphone.

"Hello!!"ako

"Clark..long time no talk"sabi ng boses sa kabilang linya,nangilabot ang buong katawan ko at dahan dahan nabitawan ang towel na hawak ko...

"A-amanda?"

"Yeah,it is me!Miss me?"nang-aakit na sabi niya,naiyukom ko ang kamao ko

"Hoy ang kapal ng muka mo,matanda ka na di tayo talo"pilit kong pinapatunog na nang-aasar ako sakaniya.

Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)Where stories live. Discover now