65

7.7K 185 16
                                    

Chapter 65-Pervert Kaizer

Klyde's Pov

"Nasaan na yung mag-asawa,nakita mo ba?"tanong sakin nung director,umiling ako at tumingin kay Sir Xavier na nakatingin sa wine sa hawak niya.

"Nagawa pa ng anak yung dalawa,wag niyo munang istorbuhin"seryosong sabi niya at tumingin sakin ng nakangiti kaya pilit akong ngumiti sakaniya.

"Where is Lexi?"biglang lumapit samin si Walter na mukang nag-aalala.

"Nasa rurok ng kaligayahan"nakangising bulong ni Sir Xavier.

"Where?"

"A-ahh Mr.Monasterio we don't have any idea"sabi ko nalang kaya tumango siya at ngumiwi.

"I hope she's fine"bulong ni Walter at naglakad na palayo samin,tumingin muli ako kay Sir Xavier na tinignan yung relong pambisig niya.

"Isang oras na yung dalawang yun ah"nakakunot ang noong sabi niya,maya maya lang ay nakita ko si Lexi na kala mong ginahasa sa itsura niya,kalat kalat yung lipstick niya at gulo gulo yung buhok niya.

"Lexi!"sigaw ko sakaniya kaya tumingin siya sakin,patakbo akong lumapit sakaniya at pagkalapit ko palang ay bumagsak na siya sa harapan ko kaya inalalayan ko siya.

"Ayos ka lang ba?"tanong ko sakaniya.

"Nanlalambot yung tuhod ko"mahinang bulong niya at dun muling napaupo,tinignan ko ang kabuuan niya at nakita kong suot suot niya yung damit ni Boss Kaizer kanina.

"Lexi!"biglang lumapit si Sir Xavier samin at tinulungan akong itayo si Lexi.Pinaupo namin siya sa bench at kitang kita ko kung paano siya manlambot.

"Nasan si Kaizer?"tanong ni Xavier pero hindi umimik si Lexi,maya maya lang ay dumating si Mimi.

"Jusyoko Lexi!"si Mimi at hinaplos ang pisngi ni Lexi.

"Si Sir Walter?"tanong ni Lexi.

"Nandun nga eh!naghihintay sayo"

"Tara na,tapusin na natin toh"sabi ni Lexi at tumayo,sabay silang umalis ni Mimi kaya tinignan ko lang ang papaalis na bulto ni Lexi.

"Where's my wife?"bigla namang sumulpot si Boss na topless at gulo gulo din yung buhok.

"Nandun,nanlalambot nga e"sabi ni Sir Xavier kaya ngumisi si Boss at kinagat yung ibabang labi niya.

"Napaamo ko yung leon"nakangising sabi ni Boss kaya ngumisi din si Sir Xavier.

"Pero pag bumalik yung tapang niyan baka takutin ka nanaman niya"nakangising sabi ni Sir Xavier.

"Edi magpapaputok ulit"si Boss

"Gunggong ka!Akalain mo yun nakatiis ka sa loob ng walong taon?bilib din ako sayo"

"Ganun talaga,kahit kaninong babae mo itapat,kay Lexi lang talaga uunat"nakangising biro ni Boss kaya nakagat ko yung ibabang labi ko dahil nagpipigil ako sa pagtawa.Humagalpak ng tawa si Sir Xavier kaya hindi ako nakapagpigil at napabulalas nalang ng tawa.

'Akalain mo!napakamakata pala ni Boss!'

Lexi's Pov

"Jusmiyo!!para kang nakipagsabunutan sa manok"sabi ni Mimi na sinusuklay yung buhok ko.Hindi ako makaimik at nananatili paring nakalutang ang utak ko,hindi parin mawala sa sistema ko yung nangyari,bumuntong hininga ako at pumikit.

Flashback...

Sinampal ko siya ng hawakan niya ang dibdib ko kahit nalulunod na ako sa halik niya ay nag-iisip parin ako ng tama.Tinakpan ko ang dibdib ko at kinuha yung two piece ko na ginawa kong pantaklob sa dibdib ko.

Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)Where stories live. Discover now