42

6.3K 146 10
                                    

Chapter 42-Kaizer's New Family?

Lexi's Pov

CONTINUATION OF FLASHBACK..

Sa lumipas na pitong buwan ay lagi na akong nakakaabala kina Luke dahil sa paglilihi ko sa kambal na strawberry.Kawawa na nga yung muka ni Luke dahil lagi kong kinukurot,si Marco at Sabel naman ay di makaalis sa tabi ko dahil pati sila ay pinaglilihian ko.

"Sana babae ang magiging anak mo ate"sabi ni Sabel.

"Lalaki yan"mayabang na sabi ni Marco."Diba kuya?"tanong ni Marco kay Luke.Tumingin sakin si Luke ng masama,puro kurot kasi ang pisngi niya.Nag piece sign lang ako sakaniya,nasa kwarto kami at maraming tao ngayon dito na pinag pupustahan kung anong magiging kasarian ng anak ko parang sabungan nga sila kung mag pustahan.

"Pusta ko 500 lalaki yan"sabi ni Mang Carding

"Naku naku 350 babae yan"ani ni Kapitana Rosa

"100 sakin babae yan"si Aling Bebang

"Lalaki yan!Ipupusta ko si Tilaok"pagtukoy ni Mang Jude sa manok niyang si Tilaok.

"Babae yan!Malakas ang kutob ko"taas nuong sabi ni Aling Maria.

Natatawa lang ako sakanilang lahat,nakahiga na ako ngayon dahil talagang nasakit na ang tyan ko.Totoong kinakabahan ako pero lamang parin ang excitement,kahit anong maging kasarian ng anak ko ay mamahalin ko siya at ipapangako kong lalaki siyang puno ng pagmamahal.Nakangiti kong hinawakan ang tyan ko,sa pitong buwan na inilagi ko sa Sitio Mapurok lagi kong nararamdaman ang suporta ng mga kabaranggay ko kaya utang na loob ko sakanila ang lahat.Habang nakangiting nag-iisip ay bigla akong napaigik sa sobrang sakit ng tyan ko.

"A-ahhhh a-aray ko"sigaw ko habang nakahawak sa tyan ko."Manganganak na ata ako"hirap na sabi ko.

"Ang kumadrona"sigaw ni Luke,nagkagulo sila lahat at nagmamadaling tawagin ang kumadrona(magpapaanak)

"Dammmmnnn itttt!Annsaaakittt"sigaw ko habang nakahawak lang sa tyan ko.Nakita kong tinutulak nila papasok ang kumadrona na mukang naiirita na.

"Maghinayhinay kayo"inis na sabi nito at umupo sa harapan ko sa pagitan ng nakabukaka kong hita.
Sinilip niya yung ilalim ng kumot.

"Lalabas na ang ulo"sabi ng kumadrona,kinabahan agad ako.Tumingin siya sakin."Hinga ng malalim"sabi niya kaya ginawa ko yon,madiin ang pagkakakapit ko sa unan.

"Ireeeeee"sigaw nung kumadrona,ginawa ko yun habang mahigpit ang kapit sa unan.Huminga ako ng malalim at umireng muli.

"Arghhhhhhh"sigaw ko,nanggigilid na ang luha ko sa sakit."Ireee pa Lexi"sigaw nung kumadrona.

"Ahhhhhhhhhh"sigaw ko,narinig ko ring nakikisigaw yung tao kaya lihim akong napatawa.

"Malapit na Lexi"sigaw ni Kapitana.

"Ahhhhhhhhhh"sigaw ko habang nakatingala.

"Ayan na...lumabas na"nakangiting tumingin sakin yung kumadrona at pinakita ang isang gwapong sanggol na nababalot ng dugo.Narinig kong naghiyawan yung mga lalaki dahil nanalo sila sa pustahan.

"A-anak ko"hahawakan ko na sana siya ng biglang sumakit muli ang tyan ko.

"Araaayy"sigaw ko,tumingin muli yung kumadrona sa ilalim ng kumot at nanlalaki ang matang tumingin sakin

"May isa pa"sigaw nung kumadrona,parang nabuhayan yung mga babae at ako naman ay nagulat sa narinig ko.

"Ireeeeee"sigaw nung kumadrona kaya umire ako hanggang sa naramdaman kong lumabas na rin yung isa.

Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)Where stories live. Discover now