40

6.9K 167 4
                                    

Chapter 40-Escaped

Lexi's Pov

Isang linggo na kami sa hotel na kinaroroonan namin,isang linggo narin akong pagod.Umalis si Kaizer para kumuha ng kakainin namin para sa almusal at eto naman ako sa kwarto habang hawak ang gunting na handa ng ipangtarak sa pulsuhan ko.

Malalim akong bumuntong at habang iniisip ang muka ni mommy,daddy,kuya,nanny belen at clark.It may be a sin but i cannot live anymore,i think i will feel my freedom when i am already dead.

Dahan dahan kong nilapat ang tulis ng gunting sa pulsuhan ko at nang tumama ito sa balat ko at napaigik ako sa sakit pero hindi rin naman ganun kasakit dahil sanay ang katawan ko sa sakit na halos sa araw araw ay padami ng padami ang pasa at sugat ko.Kung saan saan humahampas ang ulo ko,kung ano anong bagay ang ibinubuhos sakin at lahat na ata ng parte ng katawan ko ang tumama na sa kamao ni Kaizer.

Akmang ididiin ko na iyon ng biglang bumaliktad ang sikmura ko,agad akong napahawak sa bibig at tyan ko at nagmamadaling tumakbo sa Cr.Dumuwal ako ng dumuwal sa inidoro habang hawak hawak ko ang tiyan ko.Nang tumigil na ako sa pagduwal ay tumayo agad ako at pumunta sa lababo para mag hilamos at magmumog.

Tumingin ako sa salamin habang hawak ang tiyan ko,nasa mata ko ang saya,takot at pangamba.Alam ko ang pakiramdam na nararamdaman ko ngayon.

"Buntis ako"wala sa sariling napangiti ako habang nakatingin sa tyan kong hinihimas himas ko.Naranasan ko na ito kaya alam kong buntis ako,napangiti ako at nagkaroon ako ng pag-asa at kumpyansa.

'Tatakas ako para sayo anak'

"Kakain na"nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Kaizer na nasa pintuan,agad kong inalis ang kamay ko sa tyan ko ganun din ang ngiti sa labi ko.Hinarap ko siya habang seryoso ang muka,tinalikuran niya ako kaya sumunod nalang ako sakaniya papuntang dining room.Habang naglalakad ay naglalakbay na ang isip ko na gumagawa ng plano para makatakas.

Nang makarating kami sa dining room ay agad akong pumunta sa dining table at tinignan ang nakahain.Bacon at egg,napangiti ako nagmamadaling kumuha ng kanin.

Naglagay ako sa pinggan ng kanin at kumuha ako ng itlog na sunny side up at tatlong bacon.Hinati ko yung itlog kaya tumagas yung dilaw,agad ko yung isinama sa kanin at sinubo.Napapikit ako habang ninanamnam yung itlog at pagdilat ko ay nagtama ang paningin namin ni Kaizer na kinakagat ang ibabang labi habang nakatitig sakin.

Natauhan ako at umayos ng upo,siguro ay nagtataka siya dahil magana akong kumain ngayon.Nung nakaraang mga araw ay halos hindi ko na ginagalaw ang pagkain ko at siya pa ang pilit na sinusubo sakin ang pagkain.

Kumain ulit ako,iniiwas ko ang paningin ko kay Kaizer na titig na titig lang sakin habang nakain.Naiilang ako kasi hindi siya kumakain at basta nalang nakatitig sakin.

Kinabahan ako ng tumayo siya at inilapit ang kamay sa muka ko kaya napapikit ako sa pag-aakalang sasampalin niya ako pero nagulat ako ng lumapat ang hinlalaki ni Kaizer sa gilid ng labi ko,napadilat ako at napatitig sa mata niyang puno ng emosyon.Bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatitig lang sa mata niya at doon biglang nag flashback yung mga ginawa niya sakin kaya agad ko siyang tinulak palayo.Pinunasan ko ang gilid ng labi ko at muling tinuon ang pansin sa pagkain.

Nang matapos akong kumain ay bumalik na ako sa kwarto at natulog muli.Nang magising ako ay gabi na at katabi ko si Kaizer na natutulog ng mahimbing,bumuntong hininga ako at kinuha ang card na pinapang swipe para mabuksan ang pinto ng hotel room namin.Tinago ko yun sa bulsa ko kanina at ngayon ay handa na akong tumakas,ayokong mapahamak ang magiging anak ko,ayokong pati siya ay maranasan ang kademonyuhan ni Kaizer.

Dahan dahan akong bumangon at maingat na naglakad palapit sa wallet ni Kaizer at kinuha ang credit card ko dun.Pinipigilan kong huminga dahil baka maging sanhi pa yun ng pagkagising ni Kaizer,maingat ang mga hakbang ko palapit sa pinto at nang makalabas ako sa kwarto ay wala na akong oras na sinayang pa.Mabilis kong sinuwipe yung card dahilan para bumukas yung pinto,sinigurado kong naka lock iyon sa labas.At nang magawa ko yun ay nakahinga ako ng maluwag na para bang wala nang nakasakal sa leeg ko na para bang malaya na ako.

Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)Where stories live. Discover now