61

7.6K 198 14
                                    

Chapter 61-Outing Part 1

Lexi's Pov

Bumaba ako sa jeep ng makapunta na ako sa Montenegro Auto Company, sa labas palang ay nakita ko na ang dalawang bus at mga empleyadong bakas ang ngiti sa muka,bumuntong hininga ako at lumapit dun sa mga empleyado dahil alam kong sa bus din ako sasakay.

"Lexi!!"sigaw ni Mimi kaya lumingon ako at niyakap siya."Mimi!"nakangiting sabi ko habang pinapasadahan siya ng tingin.

"Kasama ka din?"nakangiting tanong ko sakaniya kaya naghalukipkip siya."Ano pa nga ba?!Syempreng make up artist mo"nakangiting sabi niya at pinasadahan ako ng tingin.

"Seriously!?Swimming pero ang suot mo pantalon at tshirt?"maarteng tanong niya kaya nangamot ako sa ulo.

"Yaan mo na"nakangiting sabi ko sakaniya kaya tumango tango siya.

"Siya yung asawa ni Boss diba?"bulong ng isang babaeng malapit samin,nakasuot siyang floral na off shoulder at maong short kaya nahiya yung suot ko sa soot niya.

"Parang hindi naman halata!"sagot nung kasama niya at tinignan ako na kalaunan ay umiwas din.

"Ang taray ah!So totoong kasal kana pala"sabi ni Mimi kaya tumingin ako sakaniya at hindi na umimik.

"OKAY guys!dalawang bus ngayon ang nandiyan!!lahat ng gamit niyo ay lagyan niyo ng pangalan incase na mawala para maisauli..pumila kayo kapag sasakay kasi syempre may free kiss kayo galing sa gwapong si Klyde Cortez"sigaw ni Klyde kaya nakangiwing tumingin ako kay Mimi na umirap lang.

"Wala pa tayo sa resort pero ang hangin na agad"sabi ni Mimi kaya natawa ako."Fall in line!!isa isa lang!!mahahalikan ko din kayo wag kayong mag-alala"sigaw ni Klyde kaya hinila na ako ni Mimi papila papasok sa bus.

"Uyy bilisan natin!!"

"Gusto kong makatabi si Boss"

"Ako din"

Naghagikgikan yung mga babae na nasa harapan ko kaya nagsalubong ang kilay ko sa hindi ko malamang kadahilanan.

"Tsk"singhal ko kaya napatahimik sila at nakatungong nagpatuloy sa paglalakad.

"Oh Ms.Beautiful Lexi!!this way please"sabi ni Klyde kaya nawiwirduhang tinignan ko siya at naghanap ng mapupwestuhan.Tumingin ako sa kaliwa't kanan para makapaghanap ng pwesto at swerte ko dahil may isang bakante sa kaliwa kaya lumapit ako dun at nakita ko si Kaizer na naka headphone,nakapolo shirt siyang floral,shorts at naka shades.

Nag-aalinlangang umupo ako sa tabi niya at nagtaka ako ng hindi siya umimik kaya tinignan ko siya maigi at duon ko narinig ang munting hilik niya kaya ngumiwi ako at inalis yung bagpack ko,inilagay ko iyon sa kandungan ko at niyakap.Sumulyap muli ako kay Kaizer at hindi ko alam kung guni guni ko lang ba iyon o talagang nakita ko siyang nakangiti.

"Okay settle down mga panget,duon sa mga susuka sainyo..utang na loob siguraduhin niyong sa plastic"sabi ni Klyde na umupo sa unahan,duon ko naramdaman ang unti unting pag-andar ng bus kaya nag sign of the cross ako at nagdasal para sa ligtas na paglalakbay.

"Nakakainis!dapat ako yung katabi ni boss e"inis na bulong nung babaeng naka floral off shoulder kanina na katapat ko lang ng upuan,hindi na ako nagsalita at pinatungan ng noo ko yung bag para makatulog.

Kaizer's Pov

Pinanood ko siya habang natutulog kaya napangiti pa ako ng narinig ko ang hilik niya,inilagay ko sa leeg ko yung headphone ko at inalis yung shades ko.Maingat kong kinuha ang ulo niya at isinandal iyon sa balikat ko.

Nakangiti kong hinaplos ang buhok niya at hinalikan siya sa sintido,maya maya lang ay.

"BOSS!!"sigaw ni Klyde kaya pinanlakihan ko siya ng mata at sinulyapan si Lexi na natutulog parin.

Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon