27

8.7K 193 8
                                    

Chapter 27

Lexi's Pov

"Sa tingin niyo,matatakasan niyo ako?!"tinig 'yon ng isang babaeng humahabol sa amin,nagtago kami sa likod ng isang malaking bato.Nangangatog ang kamay ko at tuloy tuloy ang luhang nadaloy sa mata ko.

"I'm scared"mahinang bulong ko habang walang humpay na paghikbi ang kumakawala sa labi ko.

"Lexi i am here calm down please"natatakot ding sabi ni Kaizer at niyakap ako.

"Anong gagawin natin?"nagpapanic na sabi ni Xavier habang nakakapit sa kamay ko.

"Huwag kayong maingay nandiyan na siya"sabi ni Clark na ngayon ay nasa likod ko.

"Sinisigurado kong pag nahuli ko kayo...katapusan niyo na"anito,nasa gitna kami ng kagubatan at kasalukuyang naulan.Kasabay ng ulan na pumapatak ay ang mga puso naming kumakabog sa sobrang bilis.

"Kawawa naman ang heiress takot na takot na siya!!Hahahahhaha mamatay ka na,at wala ng makakapigil pa sa mga plano ko"tumawa siya ng nakakakilabot kaya napatakip ako ng bibig para pigilan ang hagulgol ko.Bigla namang kumidlat ng malakas kaya lalo akong napaiyak,dahil takot na takot na talaga ako.

*BANG*

"We need to protect her"sabi ni Kaizer na ngayon ay nakayukom ang kamao pero mahahalata mo sa mata nito ang takot.

"Y-yeah i will,i will protect you Lexi"sabi ni Xavier at ngumiti sakin ng pilit.

"Handa kong isugal ang buhay ko para sa'yo Harley"sabi ni Clark at pasimpleng niyakap ako.

"Gotcha"biglang sumulpot yung babae at tinutukan kami ng baril."Xavier sumama ka sakin"aniya.

"N-no i will protect her"sabi ni Xavier habang mahigpit ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Leave us alone"sigaw ko,naramdaman kong humigpit ang pagkakayakap sakin ni Kaizer.

"Owww,looks like the heiress want to show her skills...c'mon hit me"nang-aasar na sabi niya,habang isa isang tinututok sa amin ang baril niya.Nung mapansin kong kakalabitin na niya ang gatilyo,haharang sana ako pero agad kaming hinarangan ni Xavier kaya nabaril siya sa ulo.

"Xavier"sabi ko at pinanood siyang dahan dahang humiga sa lupa.

"Xavier"sigaw nung babae at nanglilisik ang matang tumingin sakin,tinutok niya ang baril sakin pero mabilis na hinawakan ni Kaizer ang braso nung babae at nakipag-agawan sakaniya ng baril.Lumapit din si Clark at nakipag agawan sakaniya ng baril.

"Lexi run"sigaw ni Kaizer,dahan dahan naman akong naglakad paatras."Harley leave us"sigaw din ni Clark habang hawak din ang baril at nakikipag-agawan sa babae.Hindi ko maitakbo ang paa ko,dahil ayokong iwan sila..

"Hindi,hindi ko kayo iiwan"lakas loob na sabi ko at lumapit sakanila,dahan dahang sumentro sa akin ang baril at kasabay noon ay ang pagkalabit ng gatilyo.

"ALEXIS/HARLEY/LEXI"sabay sabay na sabi nilang tatlo,napahawak ako sa dibdib ko habang dahan dahan nailalakad ang paa ko paatras.Naramdaman ko ang sakit na dumadaloy sa buong katawan ko,wala akong marinig kundi ang tunog ng baril na nag paulit ulit sa tenga ko.

"Alexis may bangin"sigaw ni Kaizer,kaya naman bago pa ako makalingon ay nahulog nako....

Bigla akong nagising at napatingin sa paligid,habol hininga akong napatayo,tagaktak ang pawis ko at hingal na hingal ako.

'Ano yun?'

Bigla akong napaluha at napahawak sa ulo ko.Ano yung nakita ko?Alam kong ako yun noong bata pa ako,pero hindi ko alam na kilala ko na pala si Clark,Xavier at Kaizer noon..Sino yung babae?Pamilyar siya sakin pero hindi ko siya mamukaan..Napahilamos ako sa muka ko,kasabay ang luhang dumadaloy sa mata ko.

Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora