58

7.4K 180 4
                                    

Chapter 58-Cold

Lexi's Pov

Dinilat ko ang mata ko at parang pinupukpok yung ulo ko nang paulit ulit,hinawakan ko yun at bumangon.

"Aishhh"daing ko at sinandal yung ulo ko sa headboard,doon ako natauhan at tinignan yung paligid ko.

"Asan ako?!"gulat na tanong ko,tinignan ko yung malambot na kamang hinihigaan ko.

'Kaya pala hindi nasakit ang likod ko'

Bumaba ako sa kama at duon ko nakita yung suot ko kaya agad nanlaki yung mata ko

'nakaboxer at tshirt lang ako?'

Pumikit ako at doon ko naalala sila Bryn kaya napatakip ako sa bibig ko at pinakiramdaman ang sarili ko kung nasakit ba yung pagitan nang hita ko pero hindi naman kaya nagsimula na akong maglakad habang ang kamay ko ay nasa ulo ko.

Binuksan ko yung pinto kaya bumungad sakin yung sala at duon ko narinig yung tunog na parang may nagpiprito kaya naglakad ako palapit sa kusina at sumilip sa nakabukas na pinto na sana ay hindi ko na pala ginawa.

Nakita ko ang isang lalaki na nakatalikod,tanging boxer lang ang suot niya at may apron siyang puti na suot suot.Kahit nakatalikod ay kitang kita ko ang mamasa masa niyang muscle na nag fe-flex tuwing iginagalaw niya ang braso niya habang nagpiprito.Kitang kita ko ang mga pawis na dumadausdos pababa sa likod niya,lumunok ako at kinagat ang ibabang labi ko.

'Lexi!binobosohan mo si Kaizer!!!tumigil ka'

Biglang lumingon si Kaizer kaya nagulat ako at napaayos nang tayo,tumingala ako sa kisame."Ganda nung kisame"bulong ko habang nakanguso.

"Magandang umaga Lexi"bati ni Kaizer at pinatay yung kalan at gas.Lumapit siya sakin kaya nakita kong may suot siyang salamin na lalong nag papa-hot sakaniya.

'LEXI!!!SHUT UP!!Wag kang magpapadala sa alindog niya'

"A-anong ginagawa ko dito?!uuwi na ako"pinilit kong maging cold yung boses ko para mahalata niyang galit parin ako dahil galit naman talaga ako diba?!

"Kumain ka muna"sabi niya at tinuro yung lamesa,magsasalita na sana muli ako nang biglang kumirot yung ulo ko kaya hinawakan ko iyon.

"Ansakitt"daing ko,lumapit sakin si Kaizer para alalayan ako pero ako na ang kusang umupo sa duon sa upuan na kaharap ng lamesa.

"Kumain ka muna bago mo inumin tong pain reliever"sabi ni Kaizer at tinuro yung Advil na nasa lamesa,ngumiwi nalang ako sakaniya at sumandal.Tinignan ko yung nasa lamesa at nakita ko yung bacon,hotdog,itlog at sinangag.

"Ako nagluto niyan para sayo"sabi niya kaya sinulyapan ko siya."Wala akong pake"walang emosyong sabi ko kaya duon ko nakita ang malungkot niyang mata.

"A-ahh kain ka na pala Lexi eto oh"sabi niya at nilagyan ng sinangag yung pinggan ko,kitang kita ko ang pangangatog ng kamay niya at pawis na pawis siya habang nilalagyan ako sa pinggan.Bumuntong hininga ako at inagaw yung pinggan ng sinangag at ako na mismo ang naglagay nun sa pinggan ko,kumuha ako nang itlog at bacon at kumain na.

Tinignan ko siya na nakatingin lang sakin."Bakit ayaw mong kumain?"walang ganang tanong ko sakaniya,lumunok siya at ngumiti.

"P-papanoorin muna kitang kumain"utal na sabi niya kaya napangisi ako.

"Bakit palabas ba ako sa telebisyon para panoorin?buang ka ba?"nakangising tanong ko sakaniya kaya dali dali siyang kumuha ng pagkain niya,inalis niya yung apron niya kaya parang nabulunan ako dahil sa nakakasilaw na dibdib niya,duon ko muli nakita yung tattoo sa braso niya na lalong nagpapahot sakaniya kaya tumungo nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain

"Anong nangyari kahapon?"walang emosyong tanong sakaniya,tumikhim siya bago magsalita kaya tumingin ako sa muka niya

"May tumawag kay Klyde at sinabing lasing ka daw at maraming lalaki daw ang gumagalaw sayo kaya pumunta ako"nakita ko ang paggalaw ng panga niya,uminom siya nang tubig at tumingin sa mata ko.

"At nakita ko ngang ginagalaw ka nila kaya ginulpi ko sila at dinala kita dito sa condo ko"sabi niya pa,ipinikit ko ang isang mata ko habang hawak hawak ko yung ulo ko..bigla kong naalala lahat nang nangyari at duon namula yung pisngi ko ng maalala ko yung sinabi ko.

"Ang pula ng labi mo,papulahin mo nga rin yung akin"

"Ang pula ng labi mo,papulahin mo nga rin yung akin"

"Ang pula ng labi mo,papulahin mo nga rin yung akin"

Parang sirang plakang paulit ulit sa utak ko kaya biglang nag-init ang pisngi ko at nawala yung tapang ko.

"Naalala mo na?"tanong niya kaya tumango ako at hindi na tumingin sakaniya

"Nasaan yung pera?"tanong ko sakaniya kaya nawalan siya nang emosyon sa muka.

"Aanhin mo ba?"siya naman ang walang emosyon sa muka kaya lumunok ako."None of your business"sagot ko kaya bumuntong hininga siya at tumayo,doon bumungad sakin yung abs niyang mas na build in pa.May kinuha siyang envelope sa likod ng ref at inabot sakin kaya agad ko yung tinanggap at nanlaki ang mata ko nang makita kong sobrang kapal nun parang lampas isang dangkal ko pa ata eh,puro five hundred at one thousand.

"Andami!!"manghang sabi ko at tumingin kay Kaizer na nakahalukipkip sakin."Bakit parang mas dumami toh?ang alam ko nasa 10 thousand lang yung nasa baso ah"gulat na tanong ko sakaniya pero hindi siya umimik.

"Are you that desperate to have money?"tanong niya sakin kaya tinignan ko siya."Palibhasa mayaman ka!hindi mo ako katulad!mahirap nalang ako ngayon gawa mo kaya wag mo akong matanong tanong diyan"masungit na sabi ko kaya natikom ang bibig niya,binilang ko yung pera habang siya ay nakatitig lang sakin.

"Do you want a job?"tanong niya sakin kaya tinignan ko siya habang nakakunot ang noo ko."May trabaho ako"sabi ko sakaniya.

"You c-can be my model,pumayag ka na susuwelduhan naman kita e"sabi niya sakin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Wow parang hindi mo ako asawa ah!?ano ako empleyado mo?"sarkastikong sabi ko sakaniya.

"Bakit pagbinigyan ba kita ng pera,tatanggapin mo ba?diba hindi?diba aayawan mo nanaman ako?syempre ipagtatabuyan mo nanaman ako..honestly you can live with me cuz i am your husband,anything i have is all yours but how can i offer whats mine if you are treating me like that"bumuntong hininga siya."But i understand!it is all my fault"sabi niya at lumabas sa kusina,dahan dahan ako napaupo.

'Sumobra na ba talaga ako?!pero dapat ko lang naman talaga gawin yun diba?!dapat wag akong bumigay sakaniya dahil hahantong nanaman sa sakitan..dadating nanaman yung panahong sasaktan niya ako at magsosorry nanaman siya sakin na para bang kaya nun burahin lahat ng sakit na naidulot niya,kung nahihirapan siya mas nahihirapan ako yung sa loob ng walong taong pagdudusa at yung mga araw na sinasaktan niya ako ay isang sorry lang sasabihin tapos okay na kami?unfair naman nun'

Nawalan na ako ng ganang kumain kaya ininum ko yung advil at bumalik sa kwarto,nakita ko si Kaizer nakasuot nang tuxedo habang inaayos niya yung neck tie niya.

"May damit kana sa banyo"sabi niya kaya tumango ako at naglakad papuntang banyo,naligo na ako at nagbihis ng damit..simpleng blouse iyon at pantalon.Lumabas na ako at nakita ko si Kaizer na naghihintay sakin.

"Ihahatid na kita"sabi niya kaya umiling ako."Dadaan pa ako sa ospital"sabi ko at nilampasan siya.

"Ihahatid na kita sa hospital"sabi niya pa na sinabayan akong maglakad."Kaya ko ng mag-isa"sabi ko pa at naglakad na papuntang kusina para kunin yung pera

"Sasabay nalang ako sayo palabas"sabi niya kaya hindi na ako umimik habang naglalakad kami sa ground floor,lahat sila ay natungo sakin na hindi ko na kinasanayan.Nang makalabas kami sa building na iyon ay pumara na ako ng jeep papuntang ospital.

"Eto ang calling card ko,kung gusto mong maging model the position is open for you"sabi niya at inabot yung card,tinanggap ko yun at sumakay na sa jeep.Pasimple ko siyang sinulyapan at nakita kong nakatingin lang siya mula sa malayo kaya umiwas na ako ng tingin at hinawakan ang dibdib kong nagwawala sa kaba

Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن