48

6.7K 173 2
                                    

Chapter 48-The Shooting

Lexi's Pov

Nang makarating kami sa lugar na pagdadausan ng shooting ay namangha ako sa ganda ng paligid,maraming camera at mga ilaw.Napakasimple nung paligid pero elegante kung titignan,nanduon at nakaset na ang kamera na may background pang racing track.

"Tara Lexi"sabi ni Klyde na naglakad papuntang dressing room,nabasa ko kasing nakalagay duon sa labas nung pinto.

"O ayan na pala si Klyde,asan na yung model mo?"tanong ng isang baklang nakatop knot ang buhok,inakbayan naman ako ni Klyde kaya nakita ako nung bakla.

"Ayyy ang ganda niya Klyde,magaling kang mamili hmm"sabi nung bakla na nakangiting tumingin sakin."Ako si Mimi ako ang magiging make up artist mo"sabi niya pa at hinaplos haplos ang kulot kong buhok na hanggang bewang.

"Mapipili to Klyde ang lakas ng kutob ko pano kasi anchachaka nung mga fes nung nauna"maarteng sabi pa nito."Nga pala Mimi siya si Lexi,ikaw nang bahalang magpaganda diyan"sabi ni Klyde na tinap ang balikat ni Mimi.

"Ay naku effortless"sabi ni Mimi at hinaplos ang muka ko habang nakangiti kaya ngumiti rin ako.

"Gagalingan mo Lexi ah,i'm believing at you"nanggigigil na sabi nito at inalalayan akong pumunta palapit duon sa isang malaking salamin na may mga ilaw ilaw pa tapos duon sa lamesang pinapatungan nung salamin ay may mga make up,iginala ko ang paningin ko at nakita ko si Ria at Maricar na may kasamang mga alipores na nakikipag usap sakaniya.Lumingon sila sakin at sabay na tinaasan ako ng kilay

"Si Lexi yun diba?"sabi ni Sam habang pinapasadahan ako ng tingin.

"Ang ganda niya"nakangangang sabi ni  Bea na agad dinagukan ni Ria na mataray na nakatingin sakin.

"Sabi ko nga mas maganda ka"nakangusong sabi ni Bea at sumulyap pa sakin.

"Well well,we have a gold digger here"maarteng sabi ni Maricar na binubrush ang pisngi niya,hindi ko na sila pinansin pa at umupo nalang duon sa upuang nakalaan para sakin.

"Wag mo nang pansinin yang mga inggiterang yan..palibhasa mga insecure yang mga yan"mataray na sabi ni Mimi at kinuha ang brush na nakapatong duon sa lamesa.

"Konti nalang ang oras natin beh kaya ayan nalang muna ang suotin mo,wag ka nang mag bathrobe"sabi ni Mimi at nilagyan ako ng foundation sa muka,sinunod niya ang concelear at pinatungan niya ng pressed powder.

"Ay nako,nagpapaganda pa wala namang sins pa kasi panget parin naman siya"parinig ni Ria na naglalagay ng red na lipstick sa bibig niya.

"Ugh can you make her shut,mali mali naman ang grammar e"inis na sabi ng katabi kong si Maricar na naglalagay ng blush on.

"Palibhasa pinanganak na panget kaya ngayon hindi magawan ng paraan kung paano gaganda"sabi ni Ria at hinawi ang buhok niyang naka extension kay humaba.

"I think pinariringgan niya si ate girl with halter dress"bulong nung baklang katabi ni Maricar na nag-aayos ng buhok ni Maricar.Tumingin sakin si Maricar at tinarayan ako.

"Yeah she is indeed right,how can a waitress become a model?Klyde is ridiculous huh,pipili na nga lang ng model yung panget pa"parinig ni Maricar,bumuntong hininga nalang ako at palihim na kinuyom ang kamao ko.

"Nako wag mong pakikinggan yang mga yan..masyadong insecure"pagpaparinig ni Mimi kaya napatingin agad ako kila Maricar.

"Excuse me?Ako maiin secure sa waitress na yan?Hell no"Maricar snorted.

"Asa namang mainsecre ako diyan like duh walang wala ang muka niya sa muka ko"sabi ni Ria at makipag-apir kay Sam at Bea.

"Hay naku"bulong nalang ni Mimi at nilagyan ako ng eyeshadow at habang nilalagyan ako ng tungkil(eyeliner) ni Mimi ay bigla nilang tinulak si Mimi kaya lumampas ang tungkil ko at nasira ang eye make up ko.

Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)Where stories live. Discover now