43

6.5K 178 21
                                    

Chapter 43-Model?

Lexi's Pov

"Isang whiskey Miss"sabi ng isang lalaki sakin,ngumiti ako sakaniya at nilagyan ng whiskey ang shot glass niya.Hindi talaga ako marunong mag bartender pero salamat nalang kay kuya alexander na tinuruan akong mag mix ng drinks nung highschool pa ako.Nasa Jigg's Pub ako ngayon at busy'ng busy dahil sa dami ng taong umoorder.

"God bessy ang daming costumer"sabi ni Vanessa na nag mimix din ng drinks sa tabi ko.

"Ayus nga yun maraming tip"sagot ko sakaniya at nakangiting binigay dun sa umorder ng whiskey ang order niya.

"Eto na po sir"sabi ko dun sa lalaki,ngumiti siya sakin at tinignan ang muka ko na parang pinag-aaralan.

"It's you"nakangiting sabi nung lalaki na umorder sakin,napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Huh?"

"It's me,the one who've ordered to Delux Cuisine"sabi niya,napakamot ulo ako bigla.

'Sa dami ba namang umuorder doon sa restaurant na yun?'

"A-ahh"tangin sagot ko nalang at nag mix muli ng mga drinks."It seems that you've already forgot about me"nagpanggap siyang nasasaktan kaya napasiring ako sa kawalan.

"Alam mo kung manggugulo ka lang umalis ka na, you see i am busy here"medyo iritang sabi ko."No.no,hindi ako manggugulo..kung hindi mo ako maalala,ako yung umorder ng mixed berry shake at ako rin yung nagtanong ng name mo"sabi niya,bigla ko siyang naalala pero hindi ko na siya pinansin pa at nag pokus nalang sa pag seserve at pagmimix.

"As you can see,hindi ka bagay sa ganitong klaseng trabaho so i want to have a proposal to you"aniya,pero hindi ako umimik at nanatiling nagmimix ng drinks."Bagay na bagay ka sa ipopropose kong job sayo---"i cut him off.

"Straight to the point"sabi ko habang busy sa pagseserve."I want to hire you as a model"derederetsong sabi nito,napatigil ako sa pag seserve at napatingin sakaniya habang nakaawang ang labi ko.

"I am Klyde Cortez and i am finding a model"sabi nito."You see i am not a model Mr.Cortez"sabi ko sakaniya, ngumuti siya sakin.

"Yes you are not but i can make you a model,maganda ka,matangkad,maputi and i think you are smart also..nung una palang kita nakita i know to myself na ikaw na ang hinahanap ko,but i am wondering also,bakit ganito ang trabaho mo?"tanong niya sakin."Bakit naman?Eh marangal naman ang trabaho ko,kumikita ako dito at saka ano namang masama sa trabaho ko?"mataray na tanong ko sakaniya.

"Wala naman pero di ka ba napapagod?sa umaga ay nasa Delux Cuisine ka at sa gabi naman ay nasa Jigg's Pub ka...i mean kung papayag kang maging model ko,kikita ka ng 15k"pangongontrata ni Klyde,bigla akong nagkaroon ng interes sa sinasabi niya.

"Teka teka bakit model ba ang hinahanap mo?"puno ng interes na sabi ko,sumilay ang ngiti sa labi niya.

"Merong isang sikat na kumpanya ang kilala sa pilipinas,nagbebenta sila ng mga mahal na kotse and it includes racing cars so unfortunetly they are promoting their racing car kaya nagpagawa sila ng racing trak..I suggested na maghanap ng model na makakaakit sa mga tao na manuod sa race,ang mga kotseng gagamitin sa pang racing ay yung mga kotse nung kumpanyang yun..you see,marami kaming naatasan para humanap ng model,sabi ng boss namin ay wag daw kaming maghanap ng sikat"sabi ni Klyde,napamaang naman ako sa sinabi niya.

"Huh?Eh paano niyo maaakit yung mga manonood kung hindi sikat o maimpluwensya yung model na gagamitin niyo?"tanong ko.

"Ang alam kong sabi ni boss ay mas maganda daw kung yung model na kukunin ay yung di kilala kasi kung sakaling sisikat yung model ay makikilala siya dahil sa kumpanya namin"paliwanag niya,medyo nalabuan ako sa sinasabi niya.

Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon