36

8.2K 175 29
                                    

My Ex-boyfriend's Obsession Part 2

Chapter 36-New life in Cebu

Lexi's Pov

"Oh!Bangon,bangon na mga anak may pasok pa tayo"binulabog ko ang pagtulog ni Khalex at Kei sa lakas ng bunganga ko,agad napabalikwas ng gising ang dalawa at sabay nahulog sa higaan nilang gawa sa kawayan.

"Mommy naman eh 5 minutes pa please"pagmamakaawa ni Kei habang nakasubsob ang muka sa sahig,si Khalex naman ay tulog parin na kala mong hindi siya nahulog.

"Anong 5 minutes?gumising na kayo at kailangan niyo pang pumasok sa school"sabi ko habang nakapameywang,hindi sila kumibo kaya nakangisi akong lumapit sakanila.Inilagay ko ang kamay ko sa leeg nila at kiniliti sila,agad naman itong napabangon at namimilipit sa kakatawa.

"Mommy stop it"natatawang sabi ni Khalex.

"Mommy,wag diyan!may kiliti ako dyan"natatawa ring sabi ni Kei,hininto ko na at natatawang tumingin sakanilang dalawa na tumatawa parin.Totoong kambal sila,para sa iba ay nahihirapan silang matukoy kung sino si Kei at Khalex pero para saakin ay madali lang.Si Kei ay maraming taling sa muka at kapag ngumingiti siya ay lumilitaw ang malamin na dimples niya.Si Khalex naman ay medyo may kakapalan ang kilay at kulay brown ang mata niya.Pagdating naman sa ugali ay magkaibang magkaiba silang dalawa,si Kei ay tipong mabait,matulungin,maginoo,palabiro at mapagmahal lalo na't pagdating sakin nakikita ko sakaniya si Clark dahil parehas sila ng ugali.Si Khalex ang kabaliktaran niya para siyang mini version ni Kaizer,snobber at cold siya.Ayaw niyang inilalabas ang emosyon niya maliban nalang pag ako ang kaharap niya,ayaw na ayaw niya akong nasasaktan,pinapasaya niya ako pag malungkot ako.Si Khalex ang panganay sakanila dahil siya ang unang lumabas sakanila.

"Tara na mommy kain na tayo"sabi ni Kei ngumiti ako sakaniya at sabay sabay kaming nagtungo sa kusina para kumain ng almusal.Habang nakain ay walang tigil sa pagsalita si Kei at puro sumbong kay Khalex.

"Mommy ayan si Khalex nakikipagsuntukan doon sa mga classmates namin"sumbong ni Kei

"Ano?!bakit nanaman?"tanong ko kay Khalex na ngayon ay masama ang tingin sa kapatid niya.Tumingin siya sakin at parang tutang pinapagalitan ng amo.

"Mommy sabi nung classmate ko mahirap lang daw tayo kaya wala daw kaming karapatan na mag-aral sa private school"sumbong ni Khalex,agad akong nahabag sa sinabi nila.

'Kung alam niyo lang kung gaano kayaman ang tatay niyo'

Oo mahirap kami,pero hindi ako papayag na sa public mag-aaral ang anak ko.Parehas silang scholar sa Sta. Maria Catalina Elementary School isa siyang private school,noong kinder pa lamang sila ay pina kuha ko sila ng test para sa libreng pag-aaral nila sa SMCES at hindi naman sila nabigo dahil na-perfect nila yung kinuha nilang test.Ganun sila katalino,syempre mana sa nanay.

"Scholar kayo mga anak,kaya may karapatan kayong mag-aral sa SMCES.Hindi porket mapepera sila ay papayag kayong apak apakan lang,matututo kayong lumaban pero hindi sa paraang makakapanakit kayo ng iba..basta ba idadaan niya sa malumanay na usapan,okay?"mapangaral na sabi ko sakanila,nakangusong napatungo si Khalex habang tumatango.

"Very good,ikaw Kei babantayan mo ang kuya mo ah?!kilala mo ang ugali niyan kapag umiinit ang ulo"kinindatan ko pa si Kei,pasimple siyang ngumisi bago nakangiting tumango sakin.

"Kumain na kayo at baka malate pa kayong dalawa,sabay sabay na tayong umalis para tipid na sa pamasahe"sabi ko habang nasubo ng kanin at itlog.Nag ta-trabaho ako sa isang restaurant medyo may kalayuan sa school nila Kei at Khalex,taga-hugas,taga-luto,taga-serve ng pagkain,buti nalang at kasama ko si Luke doon.Tuwing gabi naman ay nasa bar kami ni Luke,siya bilang vocalist ako bilang bartender.Sa buong walong taon na nagkahiwalay ang landas namin ni Kaizer ay natuto na akong mag banat ng buto at isa pa nag tatrabaho ako hindi lang para samin ng mga anak ko para rin kila Luke yung iba dahil sakanila hindi ko mabubuhay ang mga anak ko.

Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora