4

23.1K 502 3
                                    

Chapter 4

Lexi's Pov

Nasa court ako ngayon ayaw pakong pauwiin nitong si Xavier nato, ihahatid niya pa daw ako kasi gusto niyang maka uwi ako ng safe.

May papraktis praktis pa kasing nalalaman eh.

Bored akong tumingin sa paligid hanggang sa naramdaman kong naiihi na ako.
"Psttt hoyy Xavier ihi muna ako huh"pag papaalam ko sakaniya,tumingin siya sakin

"Sasamahan na kita"sabi niya at binaba yung bola.

"Ulol iihi nga ako di ko na kailangan ng taga baba ng panty ko"sabi ko at siniringan siya,tatawa tawa naman ang loko at talagang makulet dahil sumunod parin sakin.

"Huyy sabing kaya ko na sarili ko eh"maarteng sabi ko sakanya,ano yun sasamahan niya pa ako?Ano ako bata?

Habang naglalakad kami palapit sa cr ay may naririnig kaming pag-uusap usap ng kung sino at dahil dakilang chismosa ako lumapit ako ganun din si Xavier.

"Lagi niyo ba siyang sinusundan?"tanong nung boses,lalaki.
"Opo master di po nawawala ang mata namin sakanya"sagot nung isa pang boses.

"Lagi nyong babantayan si Lexi di niya pwedeng malaman na ako si---"sabi nung lalaki pero biglang tumigil yung boses

"May tao master"sabi pa nung isa,kinabahan agad ako nung narinig ko yun at napahawak ng mahigpit sa braso ni Xavier

"I know"sagot nung isa pang boses,maya maya lang ay narinig ko ang mga yabag papalapit saamin,
kaya hinila ako ni Xavier para makapag tago.

Pero dead end.

Kaya sinandal ako ni Xavier at tinapat ang muka niya sa muka ko, hindi ako makagalaw.

Shit,konti nalang mahahalikan na niya ako

"Umalis na tayo master"sabi nung boses,tinignan ko kung sino yung mga nagsasalita at bakit kailangan pakong bantayan.

Pero huli na ang lahat wala na sila,agad kong tinulak si Xavier

"Ano chumachansing ka?"iritang sabi ko.

3rd Person's Pov

"Gago ka talaga muntik na yun boi"sabi ni Lexi at binatukan si Xavier,agad namang napakamot sa batok si Xavier.

Buti nalang at naramdaman kong may tao sa paligid,kundi sira ang plano ko.

Nakita ko kung pano akbayan ni Xavier si Lexi at mariin pang piningot ang ilong kaya naiyukom ko ang kamao ko.Nababalot ako ngayon ng galit,inggit at selos

"Master ayos lang po ba kayo?"tanong nitong kasama ko.Marahas ko siyang kinuwelyuhan at sinandal pa sa pader
"Naitanong mo pa yan ngayon"inis na sabi ko at sinuntok ko siya sa muka.

Napaupo ito kaya binigyan ko siya ng isang malawak na ngisi.

Lexi's Pov

"Huyy gising Lexi gumising ka na"may naririnig akong boses pero di ko pinansin yun at natulog pang muli.

"Hoy Lexi"sigaw muli ng kung sino kaya napabalikwas ako ng marinig ko yung malakas na sigaw niya.

Dinilat ko ang mata ko at nakita ko si Xavier na nahalakhak habang may nakaturo sa muka ko

"Ano ba Kasi yun"iritang sigaw ko sakaniya

"Tulo kasi laway mo"natatawang sabi niya kaya pinunasan ko ang gilid ng labi kong may laway nga.

"Eh ano naman ngayon?"sigaw ko sakaniya,nameywang siya sa harap ko.

"Ayaw lang umuwi?ganun?"nakataas ang kilay na sabi niya

"Huh?"

"Ginigising na kasi kita uuwi na tayo"sabi niya pa,ngayon ko lang narealize na naka tulog pala ako sa court.
"Tara na"tumayo ako at dinala yung bag ko.

Nung nasa kotse na kami ng Xavier ay nagtanong ako sakaniya
"Uyy pano kotse ko ?"tanong ko,sakaniya

"Dadalhin ko mamaya"sagot niya,tumango nalang ako at sinandal ang ulo ko sa bintana.

"Sino kaya yung dalawang lalaki dun sa cr?"wala sa sariling tanong ko.

"Kung sino man sila ay dapat mag-inggat ka"pangaral niya bago buksan yung makina ng kotse at paharurutin yun.

"Ano kayang kailangan nila sakin nuh?"tanong ko sakaniya.

"Malay ko,tanungin mo sila"sabi niya,tinignan ko siya ng masama kaya ngumiti lang siya.Nang malapit ko nang matanaw yung condo ko ay napalampas bigla si Xavier siguro dahil lutang din like me.

"Uyy lampas na tayo shuta ka" sabi ko,
inatras niya ang kotse palapit sa condo ko.

"Geh dito nalang ako"sabi ko at bumaba nako sa kotse niya, inabot ko na rin yung susi ng kotse ko.

Dumaretso nako sa condo ko at mismong pag kabukas ko palang ng pinto ay may kakaiba na agad akong maramdaman.Iginala ko ang paningin ko at may nakita akong upuan,nakatalikod ito sa direksyon ko.

"Uhhm sino ka po?"tanong ko,alam kong may tao kasi nakikita ko yung buhok niya e.Tumayo ito kaya nakita ko ang kabubuan ng katawan niya,bigla siyang humarap sakin at nakita kong naka mask na black siya.

Dahan dahan itong lumapit sakin kaya napaatras ako,kahit malayo pa naman siya sakin at nang mahagip niya ang katawan ko ay agad niya kong sinandal sa pader at piniringan ng panyo at ayun nanaman ang bagay na nakalapat sa labi ko.

Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)Where stories live. Discover now