63

7.3K 198 3
                                    

Chapter 63-Hindrance

Lexi's Pov

Hinila ko siya papuntang likod ng CR,pagkadating namin dun ay sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit ganto yung nararamdaman ko!"inis na sabi ko sakaniya,tinitigan niya ako at kitang kita ko sa mata niya ang iba't ibang emosyon.

"Bakit parang ang bigat ng dibdib ko ka-kapag may babaeng nakapaligid sayo?!bakit ko nararamdaman toh"sigaw ko at sinabunutan ang sarili ko,hinawakan niya ang kamay ko at pinatigil ako sa pagsabunot sa sarili ko.

"Hindi ko dapat maramdaman 'to Kaizer"nagsisimula ng manlabo ang paningin ko dahil sa luha.

"Hindi ko na dapat hayaang kainin ako nang nararamdaman ko!!KASI ETO...eto yung minsang naging dahilan kung bakit naging miserable ang buhay ko"tumulo ang luha ko at pumukit,naramdaman ko ang hinlalaki niya sa pisngi ko kaya inalis ko yun at dumilat.

"Nagseselos ka Lexi"bulong niya kaya mas lalong tumulo ang luha ko.

"Oo,Kaizer nagseselos ako!!pero hindi ko dapat maramdaman yun"nahikbing sabi ko."Natatakot na akong sumugal,natatakot na akong mahalin ka..kaya gusto kong layuan mo na ako pagkatapos nito"sabi ko at tumitig sa mata niya,nakita ko ang paglalim ng paghinga niya.

"H-hindi kita kayang layuan Lexi"sabi niya,pinunasan ko ang mata ko at bumuntong hininga.

"Napapagod na ako Kaizer"mahinang bulong ko."Napapagod na kong umiyak pero nagkukusa sila"sabi ko at tumingala.

"Hindi mo na kailangang umiyak Lexi,nandito naman ako"sabi niya kaya tinignan ko siya."Ikaw ang dahilan kung bakit ako naiyak Kaizer,kung iniisip mong madali para sakin ang magpatawad ay nagkakamali ka..naiisip mo ba yung hirap na nadaanan ko nung ginugulpi mo ko?yung pinapaso mo ko ng sigarilyo mo?yung nilalatigo mo ako ng sintron?yung inuumpog mo yung ulo ko sa pader..yung pagsampal mo sakin..yung pagsuntok mo sakin?"pumipiyok na tanong ko sakaniya.

"Natatakot na akong maulit yun"

"I know what i did but can we give it a try?!just another chance and i'll promise not to hurt you"pagsusumamo niya pero umiling ako.

"You already promise that to me..you promised not to hurt me but you did..hindi ganun kadaling magpatawad lalo't nakatanim lahat nung sakit sa puso ko Kaizer"mariin kong tinitigan ang mata niya.

"I gave you my heart but you broke it to pieces"ngumisi ako sakaniya."Now i will not let you heal my broken heart,kasi alam ko na ang kahahantungan nun Kaizer"bumuntong hininga ako.

"Alam kong nasaktan kita at alam kong paulit ulit na akong nangako sayo..pero sana bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon,nakikiusap ako"pagmamakaawa niya sakin.

"Ipapaliwanag ko lahat sayo Lexi!hinding hindi kita susukuan dahil mahal na mahal kita na kahit walong taon pa ang nagdaan ay patuloy parin kitang mamahalin,kahit paulit ulit mo kong saktan at paulit ulit mo akong ipagtabuyan hindi parin ako titigil hanggang hindi kita nakakasama sa iisang bahay"sabi niya kaya umiling iling ako.

"Hindi na ako yung dating Lexi na mapapalambot mo sa mga salita mo,nagbago na ako"sabi ko at tinalikuran siya,habang naglalakad ako palayo sakanya ay natulo ang luha sa mata ko.

'Nahihirapan na talaga ako!Hindi ako nag-iinarte pero sadyang masakit parin talaga para sakin ang lahat'

Alexander's Pov

"Ah!kuya pwede po bang magtanong?!"tanong ko dun sa lalaking napasada ng tricycle,inalis ko ang shades ko kaya nakita ko kung paano niya ako pasadahan ng tingin ganun din ang kotseng nasa likod ko.

Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن