67

8.5K 205 32
                                    

Chapter 67-Montenegro Family

Lexi's Pov

Habang nasa byahe ay hindi sila naimik habang ako ay patuloy lang sa pag luha,nasa front seat ako at nasa backseat yung kambal.Tinignan ko si Kaizer na nag-iigting ang panga at ang kamay niya ay mahigpit na nakakapit sa manibela,kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang paghikbi ko.

Tumunog yung phone ni Vanessa kaya suminghap muna ako bago sagutin iyon.

"H-hello?"

"Lexi!Nasaan ka?!Ayos ka lang ba?"nag-aalalang tanong ni Luke kaya kinagat ko ang ibabang labi ko.

"O-okay lang ako Luke"mahinang bulong ko nagtunog paos dahil sa pagpipigil kong umiyak

"Wag kang mag-alala gagawa kami ng paraan para makuha ka,mag-iingat ka palagi"sabi niya kaya malalim akong huminga at tumingin kay Kaizer na deretsong nakatingin sa daan.

"Oo Luke,mag-ingat din kayo palagi"sabi ko at pinatayan na siya ng tawag,maya maya lang ay naramdaman ko nang huminto yung sasakyan kaya tumingin ako sa labas at nakita kong nasa harapan na kami ng condo ni Kaizer.

"Dito na kayo titira mga anak,pagnatapos na ni daddy yung racing track niya sa Cebu"ngumiti ng malapad si Kaizer."Lilipat na tayo sa Manila at dun na tayo titira permanently"sabi ni Kaizer at sumulyap sakin bago bumaba sa kotse,tinignan ko yung kambal na seryosong nakatingin sakin bago rin bumaba.Napasandal ako sa upuan ko.

"Ang bobo mo Lexi"inis na sabi ko at sinabunot ang kamay ko sa buhok ko,biglang bumukas yung pinto kaya tumingin ako dito at nakita ko si Xavier na nakangiti sakin..Kahit galit ako sakaniya ay nayakap ko siya kaya hinaplos niya ang ulo ko.

"Hindi ka niya sasaktan,maniwala ka sakin basta kausapin mo lang"sabi niya kaya tumingin ako sakaniya.

"Natatakot lang naman ako na saktan niya yung anak ko ka-kaya hindi ko sinabi sakaniya"naiiyak na sumbong ko kay Xavier kaya inalalayan niya akong bumaba at inakbayan ako.

"Hinding hindi niya gagawin yun Lexi,pero kung sakaling gawin niya sayo at sa anak mo?!sabihin mo sakin bibirahin natin ng suntok sa muka"pagpapatawa niya sakin pero hindi gumana dahil patuloy parin ako sa pag-iyak,pagdating namin sa tapat nung condo unit ni Kaizer ay binuksan ni Xavier yung pinto kaya tumingin muna ako sakaniya bago pumasok.

Nakita ko si Kaizer na nakaupo sa sofa habang seryosong nakatingin sakin kaya sinara ko na yung pinto at bumuntong hininga.

"Y-yung anak ko?"tanong ko sakaniya kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Why didn't you tell me about Khalex and Kei?"seryosong sabi niya kaya hindi ako umimik."Answer me Lexi!?Sinusubukan kong kumalma"sabi niya at bumuntong hininga,hindi ko maibuka ang bibig ko kaya tumayo siya at pumunta sa harapan ko.

"Ginawa mo kong tanga kanina!I feel so embarrassed Lexi,pinamuka mo sa lahat ng tao dun na wala akong kwentang ama..sinabi mo pang hindi ako yung ama nung mga bata?!Ganyan ka ba kagalit sakin para pagkaitan akong makilala yung mga anak ko?"seryosong tanong niya.

"ANSWER ME LEXI!!"sigaw niya kaya napapikit ako,dumaloy ang luha sa mata ko at dumilat.

"YOU ARE SO SELFISH!!HINDI MO MAN LANG AKO HINAYAANG MAKILALA YUNG MGA ANAK KO!!ANG DAMING BESES NATING NAGKITA BUT YOU DIDN'T SAY IT TO ME!BECAUSE YOU'RE SELFISH,GUSTO MO SAYO LANG YUNG MGA BATA,GUSTO MO IKAW LANG ANG MAG-AALAGA SAKANILA,KUNG ALAM MO LANG NA HIYANG HIYA AKO KANINA..DAMN LEXI"galit na sigaw niya sakin.

"Alam mo kung bakit hindi ko sinabi sayo?"mahinang tanong ko sakaniya habang nakatingin sa mata niya.

"Kasi natatakot akong saktan mo sila,ayos lang sakin kahit ako yung saktan mo Kaizer pero hindi ko kakayanin na pati sila saktan mo"matapang na sagot ko sakaniya kaya tinignan niya ako na para bang hindi siya makapaniwala.

Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)Where stories live. Discover now