"Sugod"sabi iyon ni Kei at sumakay sa likod ni Kuya at hinawakan sa batok kaya agad ding gumulong si Kuya.Lumapit sakin si Khalex at kiniliti ako sa bewang kaya ginantihan ko din siya.

"Wahhhhhh!nakikiliti ako"sigaw ni Kei kaya natatawa akong tinignan sila ni Kuya.

"Hay naku!kay tatanda niyo na pero parang bata parin kayong umasta"sabi iyon ni Nanny Belen kaya tinignan ko siyang nakasandal sa pinto habang nakahalukipkip.

"Parang noon lang!kayong dalawa lang yung dalawang batang nagpapahidan ng kulangot at nagtatakbuhan sa buong bahay pero ngayon ang tatanda niyo na,ikaw Alexis may anak kana pero ganyan ka paring umasta e ikaw ba Alexander?kailan mo ba balak mag-asawa?"mapanuring tanong ni Nanny kaya napatawa ako.

"Wala ka pang asawa?hah!weak!virgin"pang-aasar ko sakaniya at umupo sa sahig.

"Hey,stop teasing me!it's annoying"inis na sabi ni Kuya na karga si Kei.

"Hey stop teasing me!it's annoying"panggagaya ko sakaniya kaya lalo siyang napikon at akmang dadagukan ako nang harangan siya ni Nanny.

"Abay nagsasabi lang nang totoo ang kapatid mo!pikon ka na agad"nakangising sabi ni Nanny

"Geh pagtulungan niyo lang ako"inis na sabi ni Kuya at kinuha si Khalex sakin,sumulyap siya sakin at sinamaan ng tingin.

"Tara,pupunta tayo sa garden"sabi ni Kuya dun sa kambal na agad sumama sakaniya.Pagkalabas nung tatlo ay tumayo ako at umupo sa gilid ng kama.Tumabi sakin si Nanny

"Maghanda ka na!mamaya
na ang kasal mo"sabi niya kaya hindi ako tumingin sakaniya,bumuntong hininga siya at hinawakan ang kamay ko.

"Alam kong nagtatampo ka sakin,anak!pero isipin mong para ito sa ikabubuti mo"nakangiting sabi niya sakin,nanatili akong walang imik."Alam mo ba habang pinapanood ko noong ilibing ang akala naming ikaw,napakalungkot ko!Kasi ikaw lang yung tinuturing kong anak na kahit hindi ako ang nagluwal sayo ay parang totoong anak na kita..Nadudurog ang puso ko habang tinititigan ang bawat pangyayari"lumungkot ang boses niya kaya tumingin ako sakaniya.

"Pasensya na kung hindi kita matutulungan sa nais mo,ang tumakas.Sobrang sakit kasi para sakin na isiping babalik ka nanaman sa lalaking minsan ka nang sinaktan"bumuntong hininga siya at tumayo.

"Sana ay mapatawad mo ako,anak"sabi niya at tinalikuran ako,hinawakan ko ang kamay niya kaya tumingin siya sakin.

"Pinapatawad na po kita"ngumiti ako kaya ngumiti din siya at akmang lalabas nang pigilan ko siya.

"Sama po ako!nagugutom na po ako e"sabi ko at hinimas ang tyan ko kaya tumawa siya at inakbayan ako.Pagdating namin sa sala ay maraming tao ang naglalabas masok.

"Bakit ang daming tao?"takang tanong ko kay Nanny.

"Marami daw kasing pupunta sa kasal niyo mamaya,nga pala sa garden daw kasi gaganapin ang kasal niyo kaya inaayos nila itong sala para mamaya sa sayawan"sabi iyon ni Nanny kaya ngumiwi ako at tumango.

"Tara na po sa kusina"sabi ko at naglakad na papuntang kusina,nakita ko ang mga kalalakihang nakasumbrero doon na para bang nag-aayos ng mga kagamitan.

"Upo ka na,anak..ipaghahanda kita ng makakain"sabi ni Nanny.

"Nanny,kumain na po ba yung kambal kanina?"tanong ko sakaniya,tumango siya.

"Okay"bumuntong hininga ako at sumandal sa upuan,tinignan ko yung mga kalalakihang pabalik balik,yung iba kasi ay may dalang mga kahon.Tinignan ko yung isang lalaking nakatingin sakin na agad ding umiwas kaya nangunot ang noo ko.Tumingin ako sa paligid na unti unti nang naoorganize.

Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)Where stories live. Discover now