"Xavier,ilayo mo sakin ang asawa mo bago ko pa siya mapatay"seryosong sabi ko kaya hinila na ni Xavier si Maricar.Muli akong humarap dun sa lalaki kanina.

"Pumunta ka sa kompanya ko mamaya at isasampal ko sayo ang limang million basta lumabayan mo na tong lugar na'to,bago ko paputukin ang muka mo"seryosong sabi ko sakaniya kaya natatakot siyang tumingin sakin bago tumango.

"U-umalis na tayo"sigaw niya dun sa mga construction workers na nakaharang dun sa mga taga Sitio Mapurok.Nilabas ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Kuya,maya maya lang ay sumagot na siya.

"I heard about what happen"sabi niya

"Help me please kuya"

"Yeah sure,gaganti ka ba dun sa bumugbog kay Lexi?take me"sabi ni Kuya.

"Yes,i will kill all of them"sabi ko sakabilang linya kaya tumawa siya

"Nice,i'm gonna hang up bro"sabi ni Kuya at binabaan na ko ng tawag,pamulsa akong naglakad palabas ng Sitio Mapurok.

"Mr.Montenegro"sigaw iyon ng isang babae kaya lumingon ako at nakita ko ang isang matandang babae na nakatungkod at yung Luke.

"Why?"seryosong tanong ko

"S-salamat po sa pagbawi ng tahanan namin"nauutal na sabi nung matanda kaya hindi ako umimik.

"Pasensya na kung nahusgahan ka namin"sabi ulit nung babae.

"It's okay,kung may kailangan kayo just call me..Kinuwento ni Lexi ang lahat ng magagandang bagay na naitulong niyo sa mag-iina ko and this is my payment"

"Basta sir ipagdadasal namin na makuha niyo si Lexi"nakangiting sabi niya kaya ngumiti ako ng pilit.

"Sana"mahinang bulong ko at naglakad na palayo sakanila.

Lexi's Pov

Habang nasa helicopter kami ay nakayakap sakin yung kambal na patuloy parin sa pag-iyak.

"Diba mommy,hindi naman sinasadya ni daddy na saktan ka?"naiiyak na tanong ni Kei kaya pinunasan ko ang luha niya at tumango.

"Hindi sinasadya ni daddy yun anak"

"Diba babawiin tayo ni daddy?"naiiyak na tanong ni Khalex kaya tumango ako.

"Babawiin niya tayo,Khalex..naniniwala ako sa daddy niyo"sabi ko at niyakap sila ng mahigpit,hanggang ngayon ay inaalala ko si Kaizer..Inaalala ko ang nararamdaman niya,inaalala kong  nasasaktan siya ng sobra sobra.Kaya walang humpay ang pagdaloy ng luha sa mata ko habang iniisip si Kaizer.

"Anak,kalimutan mo na si Kaizer"sabi iyon ni mommy kaya hindi ako umimik,sobrang laki ng tampo ko sakanila.

"Naalala mong pinangako niya sayo na hindi ka niya sasaktan?pero diba sinaktan ka niya..binawi ka namin dahil hindi ko na kakayanin masaktan ka pa muli,anak mahal na mahal ka namin"sabi ni Mommy.

"If you love me give me the person who makes me happy"matapang na sabi ko kaya natahimik siya.

"Lexi,we're just saving you..Kaizer planned to be with you again,pinaplano niyang suyuin ka para kapag naging okay na kayo pwede nang bumalik yung titulong 'Mafia King' niya..makakatulong yun sa business niya dahil mas dadami ang investors niya at mas yayaman siya...ginagamit ka lang niya,hindi ka niya mahal"sabi iyon ni Kuya kaya umiling ako.

"Kaizer won't do that!he loves me"

"Kasi nga he planned to make you fall inlove again"sabi ni Kuya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"I will never listen to you"galit na sabi ko at sumandal nalang habang yakap yakap ko yung kambal na naiyak parin.Nang makalapag na yung helicopter ay sumalubong samin ang private plane namin,hinawakan ako ni mommy at daddy habang inaalalayan akong pumanik papasok sa private plane namin.

Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)Where stories live. Discover now