Take a bow

17.6K 185 68
                                    

Mika



From: Babe


Babe, still at practice. Sobrang pagod ko na po gusto ko na umuwi sayo.



Kanina pa, paulit-ulit kong binabasa. Hindi ko matanggap. Paano? Paano mo nagawa sakin to?



...



Wala naman akong plano after practice, si Issa na kanila Mama kaya hindi ko kailangang umuwi kaagad. Kiefer even texted me na malalate siya kasi busy pa siya sa practice nila. Recently lagi siyang wala sa bahay, late uuwi tapos ang aga umalis pero sinasabi ko na lang na baka sobrang busy lang ganyan naman kafocus sa basketball yan eh.



Nagtatawanan kami nila Ara habang naglalakad, naghahanap kami ng makakainan dito sa Eastwood.



"Ang labo naman kasi talaga nung sinabi ni Ate." Sabi ni Kim, naiiyak na kami kakatawa. May nakasalubong kasi kami kanina magboyfriend ata nagaaway. Sabi pa ni Ate, "You cheating machine! Am I incomplete to you? Nakakaloka ka! I just turned right you turned left!" Pare-parehas kaming natigilan at nagkatinginan.



"Ano daw?" It was Vic who broke the silence, sabay pasimple kaming tumawa at naglakad palayo sa kanila.



"Pwede naman kasing tagalugin." Sita  pa ni Kim. Naiiling na lang ako at natatawa. Natigil ako sa paborito kong seafood restaurant, tumingin ako kanila Ara and they knew that instant.



"Syempre, shrimp monster." Vic said smirking.



"Hehe, lash you daks." Through the years nothing changed, si Vic at Kim ay malapit na malapit pa rin sa puso ko. Kahit parang ang tagal tagal kong naging MIA, Missing In Action, sa buhay nila parang walang nagbabago. Iba talaga kapag true friends.



Pagpasok namin nagorder kami agad, while waiting for it nagkwentuhan lang kami. Kung paano gagawin namin sa game this coming Sunday. Kung ano nangyari kanino, catch up lang.



"Miss ko na sila Cyd, dapat magreunion tayo." Sabi ni Kimmy, tumango kami nila Ara. Totoo, matagal na din simula ng huli kaming nagkita kita. Pagkatapos kasi ng season naming sa UAAP mejo nagkahiwa-hiwalay na. Some of us continued playing, some stopped. Ako, eto nag-asawa. And so far, I do not regret anything.



"Punta Fuego tayo, nakakamiss di ba?" I suggested. Pare-parehas kaming naexcite pero napansin ko nagiba ang itsura ni Ara. Her jaws tightened, yung mata niya din biglang nanlisik. Magkatabi sila ni Kim, nakaharap ako sa kanila. Nakatalikod ako kaya hindi ko agad nakita kung ano ang tinitignan nila. Pati si Kimmy natulala na.

Us HappenedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon