Dos

7.7K 171 25
                                    

Kiefer

It was confirmed, Mika's bearing our second love child. Couldn't contain my happiness.

"Paps! Saya mo ah." Says my good friend Amer.

"Syempre Paps, Ninong ka nanaman eh." Proud na proud kong sabi. Gulat na gulat siya.

"Ang lakas ni Idol! Ayos yan. Sure, sure. Sana lalaki na yan para may maturuan na ng basketball."

"Kaya nga pre. Excited na ko umuwi, buti na lang wala pang morning sickness si Mika at cravings. Kawawa naman yun, wala ako." Yun yung iniisip ko when she told me on the phone that she's pregnant. Mika is 5 weeks on the way, so even before our 2nd wedding she's already pregnant. Tsk, pinayagan ko pa naman umalis yun nun. Buti na lang walang nangyari.

I am more fueled to finish my commitments here and fly back home with my very pregnant wife and daughter.

Mika

"Dan? What's wrong?" Nagulat at kinabahan ako when I saw Dani at my doorstep teary-eyed. Nilapitan ko siya saka niyakap.

"Ate...." Tuluyan na siyang umiyak. Iginiya ko siyang umupo sa sofa at doon hinayaan ko siyang umiyak. Good thing Issa's sleeping upstairs baka maki-duet pa yun sa Ate Dani niya.

"What happened?" Tanong ko, she's facing the floor. Bagsak din ang balikat niya.

"Ate, bakit pa po tayo magmamahal kung ganito naman pala kasakit?" She says. Aww, little girl no more.

"Tsk. Yun pala.. Okay, bakit ano bang nangyari? Nagaway kayo?" Hinarap niya ako na para bang nagsusumbong at nagsimulang magkwento.

"Ate, hindi niya sinasabi sakin pero ramdam kong ayaw niya na. Nalilito ako kung bakit? Pagtapos ko siyang pagkatiwalaan, nilaban ko pa siya kanila Kuya tapos sasaktan din pala niya ako. Ate, he's so cold to me lately. I don't know if there's someone else involve." Dani says weeping. Tsk, if there is humanda yang lalaking yan.

"I get it we don't have time for each other lately, busy siya with his sports and me with training. Kinaya naman namin noon so I don't see the reason behind his coldness. Ate ang sakit sakit na. I don't want to feel this pain anymore. Buti pa noon, ang heartbreak ko lang kapag hindi ako makanood ng concert nila Justin Bieber. Hindi ako nakapagpapicture kay Daniel Padilla pero ngayon ate, hindi ako makabangon. Ayoko na po." Kawawang Dani, traumatized by her first love. Pinakalma ko siya by rubbing her back.

"I feel so weak crying so hard because of him samantalang siya masaya naman atang ganito kami."

"Ano yun Ate? Bigla siyang nafall out of love? Ang sakit naman nun! Ano bang nagawa ko o hindi ko ginawa para maging ganito?" Reklamo pa niya. Humugot muna ako ng malalim na hinga, pinunasan ko ang mga luha sa mata ni Dani gamit ang kamay ko.

"Look at me." I told her, now I'm face to face with her swollen eyes.

"You are not weak for loving and hurting at the same time. Malakas ka kasi kaya mong i-admit sa sarili mong nasasaktan ka pero hindi rason na nasasaktan ka ngayon susuko ka na. Kung sa tingin mo karapat-dapat siya para ipaglaban, laban." Humikbi pa siya habang nagsasalita ako.

"Parang ACL lang yan, natumba ka ngayon after that you have to recover and next try again. Wag kang matatakot tumalon dahil baka masaktan ka. Hindi ka mananalo kung parati kang magpapatalo sa takot na yan. It's normal to feel pain. Masasaktan lang naman tayo kasi nagmamahal tayo. In the end kung hindi talaga kayo para sa isa't isa at least kumapit ka, lumaban ka. Wala kang pagsisisihan sa huli. It just didn't work for the both of you." Paliwanag ko kay Dani, she's intently listening to me.

Us HappenedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon