MVP

5.5K 93 12
                                    

Dani

Ang ingay ng mga tao sa paligid ko pero siya lang ang nakikita ko. Kung paanong pumapatak ang pawis niya kung paanong hapit ang mukha niya.

Gusto kong sumigaw, gusto gusto ko.

Tumingin ako sa taas, dalawa na lang. Tapos kinabahan ako nung sumigaw ang mga tao.

Bumagsak siya.

Muntik na kong tumakbo papunta sa kanya pero pinigilan ako ng isang kamay. Tinignan ko ang katabi ko.

"Stop it Dani." Sabi niya sabay iling.

Ang sakit na makita siyang ganito. Naalala ko pa yung kapag magkasama kami hahawakan niya ang kamay ko tapos ikukwento niya sakin kung paanong dadalhin niya ang team sa finals tapos championship. Sa tuwing sinasabi niya yun makikita ko yung kinang sa mga mata niya. Sa tuwing nangyayari yun mapapangiti ako.

Pinangako ko sa sarili ko na susuportahan ko siya. Sinabi ko na andito lang ako para ipagcheer siya habang tinutupad niya ang mga pangarap niya.

Parang nabingi na ako sa kaba kahit gaano pa kalakas ang sigaw nila wala na akong marinig kundi, Tug-tug tug-tug!

"Kaya mo yan." Mahina kong dasal. Ilang segundo na lang, isa na lang ang lamang,. Pumwesto siya sa 3 points, nagdasal ako tapos tumingin siya kaliwa niya. Andun siya.

Yung babaeng kasama na niya ngayon sa pagtupad ng pangarap niya.

Yung babaeng may suot ng jersey niya.

Yung babaeng laman ng puso niya ngayon.

"Sinabi ko sayo, wag na pero makulit ka." Mahinang bulong ni Ate Mika. Hindi ko napansin tumulo ang luha ko kasabay noon ay ang nakakabinging tunog..

Inalala ko ulit yung araw na sinabi niya sakin, "Babe ipapanalo ko to. Ipapanalo ko para sa school. Para sa team, para sa pamilya, para kay God at para sayo." Kumikinang ang mga mata niya.

Ngayon kitang kita ko ang mga luha niya.

Jolo

Nagawa ko! Nagawa ko!

"Champions baby!!" Sigaw ng mga teammates ko. Nagawa namin! Pagkatapos ng lahat nakuha muli namin. Ang saya ko!

Pumasok na kami sa dug out. Liliko na sana ako nung nakita ko siya. Nakangiti siya sakin. Naalala ko nung panahong manalo matalo andito siya. Aantayin niya ako tapos yayakapin niya ako.

"Mvp!" Yan ang lagi niyang binubulong sakin. Manalo, matalo.

Lumapit ako sa kanya, tinignan niya ako. Alam kong nasasaktan ko pa din siya.

MVP.

Hindi ko na nga siguro maririnig pa.

MVP.

Ang sarap sa pakiramdam na yung pinagpaguran ko nakuha ko na.

MVP.

Atleast nagbunga ang mga sakripisyo ko.

MVP.

Pero bakit kahit sino pang magsabi sakanila inaantay ko pa ding sabihin niya.

"MVP."

Pero ngumiti lang siya saka tumalikod na.

My thoughts:

Final.

Us HappenedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon