Only One

13.1K 197 70
                                    

Kiefer




Hindi ko sinasabi pero kaya ko na talagang maglakad. My doctor advised me few weeks na lang in good condition na ko to go back to training which is a very good news pero natatakot ako. Kasi alam ko na kapag natanggal na ang saklay at cast ko aalis na sila Mika sa bahay. Hindi ko nanaman sila araw-araw makikita, mawawalan ako lalong rason para makasama siya.



Alam ko naman na she's only with me now because Mom asked her to. Yun nga yung masakit dun eh. Wala na kasi akong ibang panghahawakan sa kanya.



"Tata!!" Sigaw ng anak ko, kaunti na lang diretso na ang dila nitong baby girl ko. I scooped her off her feet, napatili ang prinsesa ko.



"How are you baby?" I kissed her cheeks. Kakagigil, parang nanay niya.



"Toyth...hs!" Sabi niya sakin may kasama pang-laway yun. Napapikit na lang ako saka pinunasan ang mukha ko.



"You want toys?" Tanong ko na agad naman niyang tinanguan. "Toyths! Toyths!" My little girl started squealing.



"Oh. Oh. Don't be too excited baby, relax lang. We'll go ask Nanay kung okay lang bili tayo toys." Naku ginamitan na ako ng nguso at beautiful eyes ni Issa. Ptj.



"Nana!! Toyths!!" Bigla siyang nagturo, from there nakita ko si Mika nakatingin at papalapit samin. Kinuha niya si Issa from me.



"Mabigat tong isang to baka mahirapan ka." She muttered without looking at me. Napangiti na lang ako, at least she still cares.



"Hindi naman, kayang kaya. Pang-exercise na din." Tumango lang si Mika sakin.

"Nana!! Toyhts!" Nagpapapadyak pa si Issa.



"Tsk. Kasalanan mo kung bakit spoiled to." I grin at her, lagi akong pinapagalitan ni Mika tungkol sa anak namin. Eh nagiisa lang naman kasi yan, babae pa. Kaya kung anong gusto, ibigay.



"Hindi naman bab-" She glared at me using her stare."Este Mika eh. Slight...la.ng." Napahawak ako sa batok ko. Nacarried away.



"Nana!!!" Kanina pa nangungulit si Issa, walang nagawa si Mika kundi pagbigyan.



"Okay baby. Okay. We'll buy you a toy. I'll get you dress first. Smelly little Isabella." Mika played with Issa, she teases her with sniffing our little angel's armpit and that's making the angel giggle.

Us HappenedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon