Trust Issues

7.6K 159 25
                                    

Mika

A week long of cleaning. Leche tong Kiefer na to! Ang dumi ng bahay namin. Akala ko pinapamaintain man lang niya kanila Manang kunyari lang pala yun, sa mga sulok sulok ang daming alikabok at kung anu ano. We can't let it that way dahil malikot si Issa at kung saan saan nagsusuot ayokong magkasakit ang anak ko dahil dun kaya halos baliktarin ko ang bahay namin.

Funny, before kahit damputin ang walis tamad na tamad ako. Ngayon iba na.

"Babe, pakiangat yung lazy boy mo." Utos ko, nagwawalis ako ng mga ilalim tapos lalampasuhan niya. Siya din taga-buhat aba, alanganamang ako, di ba?

"Babe, ang gaan nito baka pwedeng bilisan mo." Reklamo niya habang buhat yung upuan. Lalo ko ngang binagalan, panginis lang.

"Sige babe, jan ka masaya eh. Yung nakikitang nahihirapan ako." Tinignan ko ng masama, ngiting aso siya eh. Dami mong alam ah. I smirk. Inutusan ko si Mikole na bantayan si Issa, nasa backyard sila nagtatakbuhan habang naglilinis kami ni Kiefer.

Kiefer

Unang araw ng general cleaning namin nakakatawa, ang likot kasi ni Issa takbo ng takbo sa bahay eh nagtatapon si Mika ng mga gamit na hindi na daw kailangan at nakakadagdag lang sa kalat sa bahay.

"Tata!!" Akala ata ni Issa naghihide and seek kami dahil kanina pa tago ng tago sa ilalim ng mesa tapos nambubulaga. Sabay tawa ng malakas. Mana sa nanay to eh, ang daling patawanin pero malakas din ang topak.

The next day ganun pa din, nahihirapan na kaming maglinis dahil naglalambitin sa binti namin si Issa mukhang naglalambing dahil hindi namin siya nalalaro.

"Puh....ley. Tata. Nana." I look down at her as she's tugging my jersey shorts. Nagkatinginan kami ni Mika. Ptj.

"Issa, ley." We had to drop anything and everything we're doing to attend to her, ginamitan na kami ng mahabang nguso eh.

Kaya din tumagal ang general cleaning namin ng isang linggo dahil si Issa gusto lahi maglaro. Simula ng natutong maglakad at tumakbo ang kulit kulit na.

"Sinabi na kasing wag kumain jan!" Napahiyaw na lang ako sa lutong ng hampas ni Mika sa braso ko, nasa sala kami nila Issa at Mikole kumakain ng pop corn habang nanunuod ng disney channel kakatapos lang naming baliktarin ang buong bahay paano si Misis hindi mapakali ang dumi daw, parang hindi naman para sakin kaso she's the boss.

"Babe naman kakagulat, lilinisin namin after yan. Lika na dito, relaks ka lang." I pulled her to seat on my lap. "Ang bango naman." I sniff on her neck, she just got out from the bathroom after the whole day cleaning. Isipin niyo isang linggo kaming nagligpit ng mga gamit at nagbalibag ng bahay bago siya nakuntento and damn right I couldn't be more happy. My other half right here is a everything. Her transition from being my wife to being the mother to our Issa is just amazing. Siguro when we "that" happened between us she had no choice but to change for them both. Naiintindihan ko yun, kailangan niyang lumaban para sa anak namin pero hindi na ngayon, hindi na siya magisa. Andito na ako, at hinding hindi na ko aalis.

"Wag mo kong paandaran. Ipapagpag mo talaga tong carpet kapag nadumihan, wag kang gagamit ng vacuum para maexercise yang braso mo." Niyakap ko na lang ng mahigpit, mukhang kulang sa lambing to si Misis eh masungit.

"Love you." Bulong ko. Binalingan niya ako saka hinalikan ang side ng ilong ko. "Love you too." Yun naman. Tamis.

Mikole and Issa are at the floor, hilig ni Issa yan eh maglampaso ng sahig este humiga kaya pinalagyan namin ng carpet ang sala, kaya hindi nila nakikitang halos papakin ko na ang Ate at Nanay nila.

Us HappenedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon