Unscathed

7.8K 165 44
                                    

Dani



"Ano bang nangyayari sayo Jolo?" I can't believe he's slipping away. Sabi niya sakin he'll stay. Sabi niya sakin I'm his and he's mine, anong nangyari sa mga sinabi niya sakin?



"Dan... sorry pero kasi, ayaw ko na. I'm sorry." Yun lang? Yun na yon? Seeing him walk away from me, leaving me alone hurt and broken. Bakit kasi kailangan pa na iparamdam sayo yung saya kung babawiin din pala? Anong kagaguhan yung salitang, "I love you no matter what." o yung "Mamahalin kita at hinding hindi sasaktan." o yung pinaka matindi, "I love you to infinity and beyond."



Bullshit. Bullshit lang lahat ng iyon. Mga salita niya noon na wala nang laman ngayon. If I have known that he would just hurt, I should've not let myself fall.



Kailangan ko ng makakausap, I don't want to go to my Mom because I don't want her to judge me. Ayokong maawa siya sakin. Kailangan ko ng taong makakaintindi. Ayokong lumapit sa mga kaibigan ko, they'll hate him for sure. Although he deserves to be hated but I refuse to do that dahil kahit sinasaktan niya ako ngayon, pinasaya niya ako noon.



Siguro ganito na lang ang gagawin ko, sa tuwing maalala kong iniwan niya ako pilit ko na lang iisipin na once, minsan sa buhay ko naging masaya ako dahil sa kanya. Nagkaroon ng kami, at naging masaya kami. Tama yun na lang.



I found myself texting and driving to Ate and Manong's house. Alam ko paalis na si Kuya ngayon papunta sa training he won't see me crying my hearts out sa harap ni Ate. I need Ate Mika, she'll understand me.



Sa labas na lang ako nagpark ng kotse, bukas ang gate pagpasok ko andun na si Ate na para bang alam niyang parating na ako. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.



Hindi pa siya nagsasalita, wala pa saming dalawa pero umiyak na ako. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa mamugto ang mga mata ko.



"Ate ang sakit sakit pala..." I said to her while I'm buried against her chest. Ate Miks just hushed me and let me cry all I want.



Sa ganitong panahon hindi ko naman kailangan ng magapapayo sakin o magpapagaan ng loob ko, I just want someone to listen to me and see me break. Kasi tao lang ako and this is my limit.



Mika



When I read the text message from Dani, I knew she's really breaking and now seeing her cry like this is hurts me too. She's a person full of love and it pains me to see her in this state.



"Ang labo lang kasi Ate, bigla na lang? Ayaw niya na? Yun lang?" Kwento niya, pinaupo ko siya sa sofa at pinainom ng tubig.

Us HappenedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon