"Kaizer,tumigil ka nga!katabi mo yung mga anak mo"

"Ano naman"

'Jusko bakit dumoble ang kahalayang taglay ni Kaizer?!nakakaloka na masyado!'

Hindi na ko umimik at nanood nalang nung avengers,matagal tagal na kong nanonood at inaamin kong nag-eenjoy na ko.Naramdaman kong hinawakan ni Kaizer ang kamay ko kaya tinignan ko siya.

"Bakit?"

"Wala lang,masaya lang ako na buo na ulit yung pamilya natin"nakangiting sabi niya kaya ngumiti din ako at niyakap siya.

"Kung hindi siguro ako tanga noon malamang hindi ka na naghirap at masaya tayong namumuhay.We live in a big mansion with a lot of kids,nung akalain kong namatay ka alam mo bang pangarap ko lang na nagkaroon ng buo at masayang pamilya"sabi niya at niyakap ako."I work hard,i focus to my business..ginawa kitang inspirasyon kaya naging sucessful ako.Nagpagawa ako ng malaking bahay,maraming branches ng negosyo ko ang napalago ko pero may kulang parin sakin e"malungkot siyang tumingin sakin.

"Alam mo bang mahirap bumangon araw araw,lagi ka kasing nasa isip ko.Lagi kong naiisip yung mga masasayang alaala natin pero sa tuwing naiisip ko yun ay mas lalong nasasaktan kasi alam ko sa sarili ko nun,na wala ka na..Araw araw akong nag-iinom para pamanhidin ang puso ko kasi sobra akong mababaliw sa sakit eh..Pero eto ka,buhay na buhay..alam mo bang para akong nanalo sa lotto ng makita kita muli..sobrang saya ko na para bang isa na kong patay na biglang nabuhay ng makita kita kaso nga lang galit ka sakin pero inisip kong kasalanan ko din naman yun kaya kailangan kitang suyuin at napakasaya ko ngayon na buo na tayo Lexi"malapad siyang ngumiti.

"Tandaan mo na haharapin ko ang lahat,i can risk my life for you and for my sons..because i love you so much wife"sabi niya at hinalikan ako sa ulo,naramdaman ko ang hinlalaki niya sa gilid ng mata ko dun ko lang napansin na naiyak na pala ako.

"Don't say that you will risk your life,hindi ko kakayanin"naiiyak na sabi ko kaya hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi

"Dadating din yung araw na yun"sabi niya at hinalikan ako sa noo.

"Huwag ka ng umiyak,i hate seeing you crying"sabi niya at niyakap ako kaya hinilig ko ang ulo ko sa dibdib niya kung saan rinig na rinig ko ang puso niya.

"I love you,hubby"bulong ko sakaniya,tinignan niya ako ng nakangiti.

"You call me hubby?"nakangiting tanong niya kaya tumango ako.

"I love you too wife"sabi niya at hinalikan ako sa labi,ngumiti ako sakaniya.

"I love you until forever does exist"bulong niya.

"Mommy,daddy tama na po yan"awat ni Kei samin kaya ngumiti ako sakaniya.

"San na tayo pupunta?"tanong ko kay Kaizer.

"Pwede po sa arcade?"tanong ni Khalex.

"That's a good idea tho"sagot ni Kaizer.

"Yehey!pupunta kami sa arcade"sabi ni Kei na yumakap sakin.

"Tara na wife"yaya sakin ni Kaizer kaya ngumiti ako sakaniya at hinawan ang kamay ni Khalex at Kei.

Naglakad kami papuntang arcade.

"Saan tayo maglalaro?"tanong ni Kaizer."Seriously?maglalaro ka pa sa lagay na yan?"natatawang tanong ko kaya nameywang siya.

"Bakit?masama bang maglaro Mrs.Montenegro?"nakataas ang kilay na tanong niya."Oo na bahala ka na"umirap ako at pinanood silang mag-aama.

"Tara dito"niyaya ako ni Kaizer palapit sakanila kaya pumunta ako dun,may hawak siyang isang balot ng token ganun din si Khalex at Kei.

"Game daddy!paramihan ng maiishoot na bola"sabi ni Khalex,tumingin sakin si Kaizer.

"Tignan mo yang ring na yan!walang mintis yan"nakangising sabi niya kaya sumimangot ako.

"Ang yabang naman nito"mahinang bulong ko."Narinig ko yun"sabi ni Kaizer.

"Game daddy sabay sabay po tayo"sabi ni Kei,nagbilang sila hanggang tatlo bago ihulog yung token.

"Go!"sabay sabay na sabi nilang tatlo,puro shoot yung ring ni Khalex,si Kei naman ay paminsan minsan nakaka shoot paminsan minsan hindi samantalang si Kaizer ay hindi makashoot.

"Gumugurang ka na Kaizer"nakangising sabi ko at naghalukipkip pa,sinamaan niya ako ng tingin bago mag focus muli sa ring.

"Ang cute naman nila"

"Ang cute nung kambal"

"Pati yung tatay"

Bulong bulungan yun ng mga tao sa paligid namin kaya lihim akong napangiti.

"Ano daddy humihina na ata buto buto mo eh hehehe"pang-aasar ni Kei.

"Arghhh!wife!i kiss mo nga ako para ma inspired ako"sabi niya at ngumuso sakin kaya umirap ako,doon pumasok ang ideya sa utak ko.

"Kung sinong makakashoot i kikiss ko"nakangising sabi ko.

"Ako mommy oh"sabi ni Khalex kaya lumapit ako sakaniya at hinalikan siya sa pisngi.

"Me too!"si Kei,kaya lumapit ako sakaniya at hinalikan din siya sa pisngi.

"What the hell!"inis na sabi ni Kaizer at pilit shinushoot yung bola.Paulit ulit ko lang hinahalikan sa pisngi si Khalex at Kei maya maya lang ay.

"Damn this"inis na sabi ni Kaizer at hinila ako bigla at hinalikan sa labi bago mag shoot.

"See!ikaw ang lucky charm ko"nakangising sabi niya at nag shoot muli ng bola na pumasok nanaman sa ring kaya hinalikan niya muli ako sa labi.

"Gross"sabi ni Kei kaya ngumisi si Kaizer sa kanya.Nang matapos silang maglaro ay pinunasan ko sila ng pawis.

"Kayo talaga"sabi ko habang pinupunasan ng pawis si Kaizer sa muka.

"This is the best day for me"nakangiting sabi niya.

"Sakin din Kaizer,this is the best day for me"sabi ko sakaniya,matapos nilang maglaro ay ginabi na kami kaya umuwi na kami.

Pagdating sa bahay ay nakatulog na agad yung kambal kaya pinalitan ko sila ng damit.

"Sorry kung pinagkait ko sainyo ang kaligayahan niyo..sobrang bilis!kahapon lang ng mapatawad ko siya pero parang ang tagal nating nagsama sama at aaminin kong nag enjoy ako kasama ang daddy niyo..sana hindi na matapos toh kasi gusto ko nalang maging masaya,gusto ko yung wala akong iisiping ibang bagay kasi gusto ko sainyong tatlo ko lang itutuon ang atensyon ko..kung pwede nga lang habang buhay na tayong masaya ng daddy niyo e"nakangiting sabi ko sa kambal na tulog.

"Basta ang hihilingin ko lang kay God na wag na niyang putulin yung kaligayahan natin mga anak"bumuntong hininga ako at sinuot na sakanila yung damit bago lumabas sa kwarto nila.Pumasok ako sa kwarto ni Kaizer at nakita kong natutulog na siya kaya nakangiti akong sumampa sa kama.

"Grabe,you must be so tired"hinaplos ko ang buhok niya.Tinitigan ko ang muka niya,ang heart shape na hugis ng muka niya,ang makapal niyang kilay,ang brown eyes niya at mahaba niyang pilikmata,pababa sa matangos niyang ilong at napakapula niyang labi.

"Bakit ba mahal na mahal kita?"tanong ko,narinig ko ang hilik niya kaya natawa ako at doon ko nakitang basa ang damit niya kaya inalis ko yung Tshirt niya pati yung pantalon niya kaya nakaboxer nalang siya.Binuksan ko ang aircon at kinumutan siya.Nag half bath muna ako bago tumabi sakaniya at yumakap.

"Sana wala ng katapusan toh Kaizer"mahinang bulong ko sakaniya at hinalikan siya sa labi."Good night"

Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)Where stories live. Discover now