"What the hell do you want?"inis na bulong ko sakaniya,kinagat niya ang ibabang labi niya."Si Maricar po kasi nandun na sa Bantayan"namomroblemang sabi ni Klyde kaya nagsalubong ang kilay ko.Bantayan Island Resort ang pangalan nung resort/beach na pupuntahan namin.

"That bitch"inis na bulong ko."How did she know na pupunta tayo dun?"tanong ko sakaniya kaya napahawak siya sa batok niya."Nag post po kasi ako sa Facebook kaninang madaling araw"nakangusong sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin,nagitla ako ng biglang tumunog yung cellphone ni Lexi kaya sinenyasan ko si Klyde na bumalik sa pwesto niya.Biglang nagising si Lexi at nagulat pa sa posisyon naming dalawa kaya agad siyang lumayo sakin at kinapa yung cellphone niya sa bulsa at sinagot.

"Bakit?"tanong ni Lexi kaya tinitigan ko lang siya habang seryosong nagsasalita.

"Oh!Goodmorning"biglang naging malambing yung boses niya kaya nagsalubong yung kilay ko.

"Oo,sorry po!promise bibilhan kita ng pasalubong..yeah!i'll make it two..ofcourse mag-iingat ako,ikaw din ah...yeah!i miss you too..i love you too..bye"sabi ni Lexi at pinatay yung tawag,kung may kamay lang ang mata ko kanina pang durog yang cellphone na yan.Hindi ko maiwasang magtanong sakaniya.

"Sino yun?"puno ng selos na tanong ko sakaniya kaya inirapan niya ako at hindi na nagsalita kaya palihim kong kinuyom ang kamao ko.Maya maya lang ay bigla niya akong kinulbit kaya tinignan ko siya,nakatakip yung bibig niya at nakahawak siya sa tyan niya kaya nanlaki ang mata ko.Dali dali kong kinuha yung plastic na inabot sakin kanina ni Klyde at binagay iyon sakaniya duon na siya sumuka kaya napapikit ako at hinawakan ang likod niya.

"Wooohhhh tangina buntis yan boss"sigaw ni Klyde mula sa unahan kaya nagsalubong ang kilay ko."SHUT UP"sigaw ko sakaniya at tinignan si Lexi na parang nanlalambot na kakasuka,hinaplos haplos ko ang likod niya at maya maya lang ay tumigil na siya kaya tinali ko yung magkabilang dulo nung plastic at nilagay iyon sa ilalim ng upuan ko.Kumuha ako ng tubig at panyo sa bag ko,pinainom ko muna yung tubig sakaniya bago ko punasan ang labi niya.

"Ayos ka lang?"nag-aalalang tanong ko sakaniya kaya tumango siya,kita ko ang pamumutla niya kaya lalo akong nag-alala."Matulog ka muna"sabi ko at sapilitan siyang pinahiga sa kandungan ko,nung una ay ayaw niya pa pero napilit ko din siya.Inilagay ko yung bag niya sa hita ko para ayun ang maging unan niya,matagal tagal pa ang byahe kaya nakatulog din ako.

Lexi's Pov

Nang makarating kami dun sa Bantayan Island Resort ay namangha ako dahil sa ganda at pino ng buhangin,kulay asul na asul ang tubig kaya lalong nakakamangha.Medyo nanlalambot padin ako dahil nagsuka ako sa bus,siguro dahil sa napasobra ako sa sinigang na hipon na kinain ko kanina sa bahay ni Vanessa.

"Uy tara na Lexi!!baka maubusan tayo ng kwarto kaya tayo na"yaya sakin ni Mimi kaya tumango ako at sinabit sa likod ko ang bagpack ko.Medyo madami yung kasama namin kaya baka magkaubusan na nga ng kwarto.Pagdating namin duon ay halos magsiksikan na kami kakahanap ng kwarto,iginala ko ang paningin ko at nakita ko si Kaizer na mukang hinahanap ako kaya dahil sa takot na makita ako ay binuksan ko yung pinto sa tabi ko at pumasok.Pagpasok ko palang ay nanlaki agad ang mata ko ng makita ko ang 5 topless na lalaki kaya dali dali akong tumalikod.

"Mrs.Montenegro bawal po kayo dito"sabi nung isang lalaki kaya lumingon ako at buti nalang ay nakadamit na sila.

"Sorry wala na kasing kwarto eh"napahawak pa ako sa batok ko.

"Dun po kayo sa kwarto ng asawa nyo"sabi naman nung isang lalaki.

"Tsk.mas gugustuhin ko pang ibang tao ang kasama ko kaysa sakaniya"mahinang bulong ko pero mukang narinig nila.

"Dito po kayo Mrs.Montenegro"sabi nung unang lalaki na kumausap sakin kaya tumango ako at umupo dun sa kamang tinuro niya. Limang kama sa isang kwarto at nandun ako sa pinakahuli.

Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)Where stories live. Discover now