"You bastard!you ruin my family"sigaw ko sakaniya,hinawakan ako ni Allison sa balikat para pakalmahin.

"Bakit nga ba kasi Xavier?!You're so stupid din kasi e"sigaw ni Allison,narinig naming bumuntong hininga si Xavier bago magsalita.

"Kuya Patrick threatened me"simula ni Xavier." Patay na siya Xavier"sigaw ko sakaniya kaya sinigawan niya rin ako.

"Oo pinatay niyo yung nanay at kapatid ko mga gago kayo,pero natira si kuya Patrick"sigaw niya sakin kaya natahimik ako.

"Sinabi niyang papatayin niya ang anak ko kapag hindi ko ginahasa si Lexi"sabi ni Xavier kaya sinipa ko yung upuan niya.

"Gago!yung anak ko naman ang namatay"sigaw ko sakanita at pinagsisipa ang upuan niya,pinara niya muna yung kotse bago humarap samin.Kinuwelyuhan ko siya at sinuntok sa muka.

"Hindi ko kasi alam na buntis siya Kaizer,sorry talaga..babawi ako sainyo"sabi ni Xavier na hinawakan ang kamao ko.

"Bumalik na ang alaala ni Kuya"bulong niya sakin at niyakap ako,napaluha nalang ako habang nakayakap sakaniya.Nung magbebestfriend kaming apat ni Lexi ay siya ang pinakamatanda samin kaya kuya na ang turing ko sakaniya.

"Xavier,nawawala siya"bulong ko habang nahagulgol,tinapik niya ang likod ko.

"Hahanapin natin siya Kaizer"sabi ni Xavier at bumalik muli sa driver's seat..pinaharurot niya yung kotse at tumingin tingin sapaligid.

"Akalain mo yun,maraming buntis ngayon"natatawang bulong ni Xavier pero narinig namin sa likod.

"Sem break kasi Boi"nakangising sabi ni Allison na kinindatan ako pero umirap lang ako at tumingin sa labas,hindi napansin na maggagabi na pala sa sobrang tulala ko habang nakatingin sa labas.

"May nakita po ba kayong babaeng kulot yung buhok,matangkad tapos maganda?"tanong ni Xavier dun sa mga pedicab driver,pinakita ni Xavier yung picture sa phone niya kaya nagtinginan yung mga pedicab driver.

"Naku to wala kaming nakikitang dumaan na ganyan kagandang babae"sabi nung matanda kaya tumango si Xavier at umalis na muli.Wala akong maramdaman sa puso ko kundi ang kaba at takot na baka hindi ko na siya makita and god knows i cannot live without her.

Inabot pa kami nang ilang oras hanggang sa tuluyan nang maggabi "We cannot find her,damn it"sigaw ko at sinabunutan yung sarili ko.

"Makikita natin yun Kai,wag kang mag-alala"sabi ni Xavier at tumingin sa salamin,hindi parin ako kumbinsido kaya tuluyan parin ang pagwawala ng puso ko.

"Ayun may convenient store bili muna tayo"sigaw ni Allison habang nakaturo duon,may gas station iyong katabi kaya pumunta si Xavier.

"Magpapagas ako,kumain muna kayo"sabi ni Xavier pero hindi ako kumibo at nanatiling nakatulala sa kawalan.

'It is true that nasa huli ang pagsisisi,masyado akong tanga at naging sarado sakaniya..ngayon nawawala siya at hindi ko na makita..this is all my fucking fault,i am so stupid'

Muling tumulo ang luha sa mata ko habang nakatulala sa kawalan.Nang makabalik na si Allison ay punong puno nang pagkain ang plastic na dala niya.

"Kain ka oh"sabi niya at inabutan ako ng junkfoods,sinamaan ko siya ng tingin.

"Buntis ka pero ayan ang kinakain"inis na sabi ko sakaniya pero inirapan niya lang ako.

"Inaalok na nga e..kung ayaw mo edi wag"sabi niya at tumalikod sakin,bigla namang pumasok si Xavier.

"Kaizer,nakita daw nila si Lexi na nakasakay sa truck na may kargang mga isda..pinakita ko yung picture at sigurado silang siya nga yun"sabi ni Xavier kaya para akong nabuhayan at napaayos nang upo.

Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)Where stories live. Discover now