[MPG2>79 - May letter Y]

Magsimula sa umpisa
                                    

Napatingin agad ako kung saan ko narinig yung sigaw.

May mga lalakeng kakapasok lang sa bar.

Siya yun.

Siya yung tinawag na Uno.

——————-

Sa Cr:

"Nag-aalala ako kay Eri." Kimmy

"Ako din. Pero mukha namang masaya siya dun sa lalaki" Yumi

"Ikaw Hena ano sa tingin mo?" Kimmy

"Hindi ko na alam Kimmy pero ang alam ko gusto kong nakikita ko si Eri na masayahin ngayon. Ilang gabi na siyang umiiyak. Ngayon ko lang siya nakita ulit na maaliwalas ang aura"

"Sabagay." Kimmy

"Uhmm Kimmy at Yumi"

Humarap si Hena sa kanilang dalawa.

"Yung totoo. Napapansin niyo ba sila John at Cisco kung may contact pa siya ky Uno?"

Huminga ng malalim si Kimmy

"Kapag inoopen ko ang tungkol kay Uno, lagi niyang iniiba ang topic."

"Si Cisco din umiiwas sa topic na yan. Bakit Hena?"

"Si Caleb kasi. Ang sabi niya sa akin ayaw niya akong madamay kaya ayaw niyang pag-usapan."

"Madamay saan?" Yuni

"Hindi ko din alam."

Magsasalita pa sana si Hena pero bumukas ang pinto ng CR at may ibang tao na ang pumasok.

Nagkunwari nalang sila na nag-aayos sa salamin.

——————

Si Eri:

"Uno?"

Agad na lumingon sa akin yung lalake.

Napangiti siya nang makita ako.

"Kumusta ang tiyan mo?"

"Sagutin mo muna. Uno ba ang pangalan mo?"

"Aaah. Nagkakamali ka Eri. Yuno ang pangalan ko. Magkatunog lang kami ng ex mo."

"Pero bakit hindi mo sinasabi sa akin eh lagi kong nababanggit ang pangalan niya?"

"Kaya nga ayokong sabihin sayo kasi baka mapagpalit mo kaming dalawa."

"Pero Uno..."

Huminga siya ng malalim at hinila ako sa gilid ng bar.

"Eri, lilinawin ko. Hindi ako si Uno. YUNO ang pangalan ko. At bakit ka ba nagkakaganyan?"

"Ano?"

"Ganyan." Ngumiti siya "Nakikipagtalo ka sa akin na parang jowa kita." ^____^

>\\\\\<

"Hindi aaah!! Na..nagulat lang ako!!"

"Aysus! Napakacute mo Eri"

Pinisil niya ang pisngi ko.

Nabigla ako nang biglang bumukas yung pinto ng CR at lumabas sila Hena.

"Aaah mga kaibigan ko nga pala. Si Hena, Yumi at Kimmy"

"Hi sa inyong tatlo. Ako nga pala si Yuno."

"Uno???" Hena

"O diba hindi lang ako ang nagugulat sa pangalan mo!?!?"

Natawa nalng siya.

"YU-NO. May letter Y" ^___^

"Ooh. Pasensya kana ha." Hena

"Wala yun. O siya maiwan ko muna kayo. Birthday kasi nung kasama ko. Inaantay na nila ako para batiin siya. It's nice meeting all of you. Laters Eri"

Kinindatan niya ako at umalis na siya.

"OMG!! Siya ba yung kinekwento mo???" Yumi

Tumango lang ako.

"Ang gwapo!!!" >~<

Sabay sabay na sigaw nila.

Haaay Eri.

Ang tadhana pinaglalaruan nanaman ako.

Yuno ang pangalan niya.

"Teka asan ba sila Caleb??" Hena

"Ang sabi ni Cisco may pag-uusapan silang importante." Yumi

"Aaaahh ok" Hena

Ang weird nung facial expression ni Hena.

May tinatago ba sila sa akin?

Mr. Perfect Gangster: The Return (Editing) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon