[MPG2 > 77 - Gintong Gagamba]

Start from the beginning
                                    



Eri:


Nakaupo ako sa sala at nakatulala. Iniisipko yung lalakeng nakita ko na nakasandal sa sports car pero bigla na lang ppumapasok sa isip ko si kuya amusement park.


Haaaaayy...Eri..


"Eri?"


Hindi ko namalayan na nakaupo na pala si lolo sa tabi ko.


"Ano kumusta pagshashopping mo? Nabili mo ba yung buong mall?"


"lolo naman eeeh!!!"


"biro lang. Ano ba kasing iniisip mo"


"Kahapon po may nakita akong parang si Uno."


"Si Uno ba yun?"


"Hindi ko alam lolo."


"Minsan kasi apo, may mga bagay na gusto nating makita natin kaya akala natin nakikita natin. Parang mga multo."


"Multo?"


"OO diba pagnatatakot tayo, iniisip natin anytime may multo kaya kahit na kurtina lang yun ay akala natin multo." Tinuro ni lolo yung kurtina sa bintana.


"O di kaya parang yang nasa likdo mo."


Napalingon ako salikod ko. Wala naman. >,<


"lolo anamn eeeh!!!"


"hahahahaha..lika nga dito apo."


Niyakap ko si lolo.


"Balita ko my kasama ka daw kahapon."


"aaaah opo. Tinulunga niya po ako. Ang dami kasing ganap sa mall kahapon."


"hmmm. Eri apo, I want you to enjoy life. I want you to feel better. I want you to be happy."


"Happy naman po ako."


"Oo kaya nga nagmumukmok ka diyan dobo??"


Nang-aasar nanaman si lolo -___-


Bumitaw ako sa yakap ko sa kanya.


"Aakyat na po ako."


"Ito naman di mabiro. Bago ka umakyat, abutin mo muna yung kahon na yan"


May tinuro si lolo na puting kahon.


Kinuha ko ito at iabot sa kanya.


"No no, open it. Sayo yan."


Binuksan ko yung kahon. May gold na locket sa loob.


Kinuha ko ito at binuksan.


Picture ko at ni lolo ang nasa loob.


"Naisip ko apo, mas mabuti sigurong palitan mo muna yang kwintas na suot mo Baka makatulong na makit ko ulit yung ngiti naa andyan sa picture na yan."


Napahawak ako sa kwintas na suot ko. Ang gintong gagamba.


Niyakap ako ni lolo at umalis na siya.


"baka nga dapat ko nang kalimutan si Uno."


-----------------------


Sa Park:


Naisip kong magpahangin kaya nagpunta ako sa park.


Nakatayo ako sa may bridge kung saan tanaw mo ang buong park at ang pond na nasa ilalim nito.


Pinapanood ko lahat ng taong dumadaan. May mga nagajogging.


May mga nagdedate din na OA sa kaswitan. -___-


Kailangan ko na nga bang kalimutan si Uno?


Gusto ko siyang sundan.


Gusto ko siyang yakapin.


Gusto ko siyang hlikan.


Nararamdamn ko nang humahapdi ang mga mata ko.


Hinawakan ko yung kwintas sa leeg ko.


Hanggang dito na lang ba tayo Uno?


Hindi ko na napigilan ang mga luha ko.


bigla mo na lang akong iniwan.


Sobrang sakit na.


Hindi ko na kaya.


Tinanggal ko yung kwintas sa leeg ko.


"siguro nga tama si lolo. kailangan na kitang palitan. dahil kung talagang mahal mo ako, andito ka. Hindi ako nasasaktan ng ganito."


natawa ako pero patuloy parin ang pag-iyak ko.


"tignan mo para akong tanga na kausap tong kwintas na ito. Sobrang sakit na Uno."


"Gusto kong maging masaya.  Ang dami nang taong nag-aalala sa akin. Pagod narin ako."


Inangat ko yung kwintas at tinapat sa palubog na araw yung gintong gagamba.


"Paalam.."


Hinagis ko yung kwintas sa pond.


"Paalam...Uno.."





Mr. Perfect Gangster: The Return (Editing) completeWhere stories live. Discover now