But what he doesn't know, Aletheia heard what he said.

"Pa, ano bang pinagsasabi mo riyan? Ako ito, si Aletheia, anak niyo. Bakit parang takot na takot naman kayo sa akin?"

Magkahawak ang kamay ng mag-asawa at bahagyang napaatras ng magsalita ito. They could hear her voice perfectly. Hindi nila maikaiila na naririnig nila ang kanilang anak. But it's still unbelievable to see their dead daughter walking back inside their house. But when Aletheia made her step getting closer to them, Chieftain Sanguine then stopped her from moving closer. Aletheia then stopped, looking so confused.

"Ano po bang problema?" taka nitong tanong.

Her parents look at each other like as if the Clements made fun of them. "Sige na, Rodoro. Ikaw na ang panalo. Hindi mo na kami maloloko rito. Ginamit mo pa talaga ang anak namin para takutin kami pero hinding-hindi ako bababa sa posisyon ko."

"Pa..." Aletheia muttered. "Ano pong ibig sabihin niyo?"

Chieftain Sanguine swallowed. "Sige na, tanggalin mo na ang maskara mo. At kanino mo nakuha ang damit na 'yan? Hawig na hawig sa damit ng namayapa naming anak."

"Hindi ko kayo maintindihan pa," ani Aletheia. "Ano pong sinasabi niyo tungkol sa hindi pagbaba ng posisyon niyo at anong kinalaman ng ama ni Edwardine sa mga ito? Saka 'wag ano pong maskara ang sinasabi niyo? Akong-ako 'to. Si Aletheia Sanguine! May kakaiba ba sa akin ngayon?"

Panandaliang tahimik ang nangibabaw sa paligid.

"Patay na ang anak namin..." usal ng kanyang ina.

She weirdly laughed "Ma, naman... nandito ako ngayon ako. Anong patay ang pinagsasabi ninyo?"

"Pinatay ang anak namin. Inilibing namin siya kanina. Hindi ikaw ang anak namin," pagpapatuloy ni Chieftain Sanguine. "Patay na si Aletheia."

Umiling naman ang dalaga. "Hindi! Ako ito!" pagpupumilit niya. "Hindi ako patay! Hindi ako patay! Ito ako ngayon, oh? Bakit niyo iniisip na patay na ako?!" Naiyak na lamang ang dalaga sa mga naririnig niya sa kanyang magulang.

Naririnig din nito ang mabibilis na tibok ng puso ng mga magulang niya. Unti-unti niyang na-realize kung bakit nagising na lamang siya sa tabi ng hukay at ang kanyang kausotan ay kakaiba. Ayaw niyang tanggapin iyon. Ayaw niyang paniwalaang patay na siya hangga't sa mamula ang mga mata nito at itim na ugat ang pumalibot sa kanyang mukha. Lumabas idn ang pangil nito. Napaatras ang kanyang mga magulang sa lubos na takot na nararamdaman nila.

Wala na nga si Aletheia. Isang halimaw ang naasa harapan nila ngayon.

"Lumayas ka rito!" sigaw ni Chieftain Sanguine sa kanya na dahilan para mas lalo itong magalit. "Hindi ikaw ang anak namin! Isa kang halimaw! Huwag ka nang bumalik dito! Hindi ka namin kailangan! Patay na ang anak namin at kahit anong mangyari, hindi na namin makikita si Aletheia sayo!" Isang mabilis na kilos ang ginaw ni Chieftain Sanguine para kunin ang isang mahabang kahoy na may patusok sa dulo. Napaatras naman si Aletheia. Ganyan nga! Umalis ka!"

"Umalis ka na!" sigaw ng nanay nito.

Nang susugurin na ni Chieftain Sanguine si Aletheia ay tumakas na ito palabas ng manor papasok sa masukal na kagubatan. Nang mapagod sa kakatakbo ay bumalik siya sa kanyang pagiging normal na anyo at napaluhod na lamang ito sa lupa.

Nanatili si Aletheia sa ilalim ng puno, tulala at hindi alam ang gagawin. Kahit kalmahin niya ang kanyang sarili ay wala naman iyong magagawang maganda. Inaalala naman niya ang lahat ng nangyari pero hindi niya lubos maisip kung paano humantong sa ginatong sitwasyon ang lahat. Isang palaisipan sa kanya ang lahat. 

The 19th Century Vampire (Wattys 2020 Winner - Paranormal)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt