Narinig ko pa ang tawa ni Maricar kasama ang alipores niya ganun din si Ria.

"Ooppss my bad Mimi,hindi ko sinasadya"nang-aasar na sabi ni Maricar at lumapit sakin habang nakangiwi.

"Hindi ka bagay dito girl"sabi nito habang pinaglalaruan ang liquid lipstick sa kamay niya."Dahil sayo ay napahiya ako kay Klyde nuon"biglang sumeryoso ang muka niya at lumapit sakin

"Now i'll pay"bulong niya at hinila ang buhok ko,binuksan niya yung liquid lipstick at ipinang sira iyon sa make up ko.Umiiwas lang ako dahil ayokong makapanakit,nakita kong inaawat siya ni Mimi at nakita ko ring nakitulong sila Ria sa pamamagitan ng paggupit ng buhok ko.

"Wag"sigaw ni Mimi,pero ayaw parin nila tumigil.Bigla namang dumating si Klyde na umawat sakanila.

"Stop"puno ng otoridad na sigaw ni Klyde kaya napatigil sila at napalayo sakin."Maricar,what the hell are you doing?"galit na sigaw ni Klyde at tumingin din kay Ria.

"You how dare you cut Lexi's hair"galit na sigaw ni Klyde at dinuro duro pa si Ria.

"Hohohoy wag mong dinuduro ang model ko"bigla namang sumulpot si Rikky.

"Rikky ayang babaeng yan,sisiraan niya ako tapos sinasaktan niya pa ako nakitulong din yang lalaking yan"pagsusumbong ni Ria kaya humarap sakin si Rikky.

"How dare you bitch"sabi nito sakin at dinuro duro pa ako,hinarangan ako ni Klyde.

"Shut your client,hindi ako napatol sa babae pero pag naputol ang pisi ko nakakapanakit talaga ako"seryosong sabi ni Klyde.

"Ang yabang mo talaga e nuh Cortez,palibhasa malapit ka kay Boss kaya ganyan ka kung yumabang"sabi ni Rikky at lumapit pa kay Klyde,nangangamoy gulo ito kata humarang na ako sa pagitan nila.

"Tumigil na kayo,utang na loob"sabi ko pero bigla akong tinulak ni Rikky kaya agad sinuntok ni Klyde si Rikky na tumilapon,rinig ko ang sigawan ng tao.

"This is your fault,you thought you're so pretty huh"sabi ni Maricar at sinabunutan ako."Akala mo kung sinong maganda kung mag-aasume"sabi niya sakin at sinabunutan muli ako.

"Tama na"sigaw ni Mimi na hinila pa si Maricar,hindi ko duon pinansin ang atensyon ko at inawat na si Klyde pero hinila parin siya ni Rikky kaya inisahan ko sa muka si Rikky,bingyan ko siya ng pinakamalakas na suntok ko kaya tumilapon siya.

"Umalis na nga kayo"sigaw ko sakaniya,humarap ako kay Ria at Maricar.

"Yung pisi ko napakaikli na pero kapag sinagad niyo pa hindi ko na alam ang magagawa ko sainyo"sabi ko at naglakad palabas ng dressing room.Naramdaman kong sumunod sakin si Klyde at Mimi,naramdaman kong hinawakan ni Klyde ang braso ko.

"Pa-paano mo nagawa yun?"tanong niya,bumuntong hininga nalang ako at binawi ang braso ko.Natagpuan ko ang sarili ko sa may gutter at nakaupo duon habang nakatingala sa langit.

"Tutuloy pa ba ako Klyde?"tanong ko sakaniya habang hawak ang buhok kong hanggang balikat nalang.Tumabi naman si Mimi sakin.

"Kayang kaya ko pang ayusin yan Lexi dear"sabi ni Mimi habang nakahawak sa buhok ko.

"No,i mean baka mapaaway pa kasi si Klyde dahil sakin"sabi ko at bumuntong hininga,naramdaman ko ang kamay ni Klyde sa balikat ko.

"I can handle myself Lexi,remember diba para sa friend mo tong nasa hospital"sabi niya sakin at ginulo gulo ang buhok ko.

"For the short time i been with you,i feel like i am with my brother...no i feel like i have a baby sister"sabi niya at pinaharap pa ako sakaniya.

"Bukod sa kuya ko ay ginagawa ko rin ito para sayo kasi as i see you working hard i felt mercy for you..Napakabuti mong tao pero ikaw itong nagsisikap,napakabuti mong tao Lexi walang halong biro kaya gusto kong makuha mo ito dahil deserve mo ang 15,000"nakangiting sabi niya at hinila ako patayo.

Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon