"Basta kung sino man siya,wag na kayong lalapit sakaniya..maliwanag"sabi ko sakanila kaya sabay silang tumango.

Klyde's Pov

Pumasok ako sa kwarto ni boss at nakita kong pinaglalaruan nanaman niya yung singsing na lagi niyang hawak,nang makita niya ako ay agad niya iyong tinago at umayos ng upo.Nakaupo kasi siya sa kama.

"What do you want"tanong nito sa cold na boses,tumabi ako ng upo sakaniya kaya sinamaan niya ako ng tingin kaya medyo umatras ako palayo sakaniya.

"Kamusta naman po kayo dito sa condo"tanong ko,bumuntong hininga siya at kumuha ng alak sa estante niya ng alak malapit sa kama niya.

"Its nice here"tanging sagot niya at nagsalin ng alak sa baso bago iyon inumin.

"Miss mo na ba si Pabi?"tanong ko sakaniya,tumingin siya sakin at tipid na ngumiti.Si Pabi ay anak niya short for Phoebe Alisha.

"Yes"maikling sagot nito bago magsalin ulit ng alak.

"Hindi naman po sa pangegeelam boss Kaizer pero bakit kayo ganyan"medyo naiilang na tanong ko,tumingin muli siya sakin na walang ni isang emosyon sa muka.

"Anong ganyan?"tanong nito at uminom ng alak.

"Yan,ang cold niyo po tapos minsan po nakakatakot kayo...di ba dapat masaya kayo sa buhay niyo kasi isa kayo sa pinakamayamang tao sa buong mundo,may pamilya kayo pero bakit ganyan parin kayo..para bang--"he cut me off."Para bang may sarili akong mundo?ayun ba ang gusto mong sabihin"sagot niya kaya natahimik ako.

"It's none of your business Cortez,back off"sabi nito.Tumayo na ako at akmang aalis ng magtanong siya.

"Where are you going?"tanong ni Boss.

"Sa bar po hahanapin ko lang po yung model na kukunin ko"sabi ko,tumayo naman siya at nilapag ang basong hawak niya.

"Gusto kong pumunta sa bar"aniya at nauna nang lumabas sa condo unit niya,magkatabi kasi kami ng condo ni boss para kung may kailangan siya ibibigay ko na lang at isa pa di niya rin saulo ang pasikot sikot dito sa Cebu.

Bumuntong hininga nalang ako at sumunod kay boss,pagkababa ko palang ay nakita ko na siyang nakasakay sa kotse niya.Binaba niya yung bintana ng kotse niya at sinigawan ako.

"Hop in,sabay na tayong pumunta"sabi niya kaya sumunod nalang ako,hindi naman kami ganun ka close pero sabi niya ay bestfriend niya daw yung stepbrother ko at napaka laki daw ng utang na loob niya kay Kuya Clark.

Hindi naman siya gaano kabait,sa totoo lang masama ang ugali niya.

'Shhh lang kayo ah'

Lagi niya kasi akong nasisigawan kapag mainit ang ulo niya which is araw araw naman,pero nung pumunta kami sa Cebu ay parang medyo bumait siya..konti lang.

Bibihira niya akong sigawan at saka pagalitan,sanay nanaman ako sakaniya sa pitong taon kong pagtatrabaho sakaniya na sanay na ang tenga ko sa panenermon at pagwawala niya.Kapag nasa Manila siya ay bawat araw ay may mga empleyadong siyang pinapaalis,araw niya ng mabagal gusto niya ura urada pero naiintindihan ko naman na ginagawa niya yun para sa kompanya sa libo libong tao ang nagtatrabaho para mabuhay..wag mo nga lang talagang babadtripin.

"Saan ba yung bar na sinasabi mo?"tanong niya,ipinilig ko ang ulo ko at tumingin sa madilim na daan na tinatahak namin.

"Jigg's Pub po Boss Kaizer"sagot ko skaniya,tumango nalang siya at pinaharurot ang kotse niya.Nang matanaw namin yung pangalan ng Jigg's Pub ay agad na nag park si Boss kaya lumabas na ako at hinintay siyang lumabas duon sa kotse.

"Tara boss"tawag ko sakaniya at nauna na papasok duon sa bar,pagpasok ko palang ay sumalubong na agad ang napaka ingay na tugtugin ng bar hatid ang mga makabagong kanta.

"Dito po boss"aya ko sakaniya papunta duon sa mga bartender,pero habang naglalakad ay nagtitilian yung mga babaeng nakakakita kay boss.Naka longsleeve si boss na puti tapos nakatupi iyun hanggang siko at nakasuot siya ng slacks.

"Siya yun diba?"

"Oo si Kaizer Montenegro"

"Ang gwapo niya sa personal grabe"

Tilian nung mga babae na nakakasalubong namin pero etong si boss parang walang naririnig at daredaretso lang sa paglalakad,hanggang sa may humarang sakaniyang isang babaeng maikli ang buhok.

"Hey handsome"sa paraan ng pagsasalita nito ay mapapansin mong hindi ito bihasang mag english,lalampasan sana ni boss yung babae ng humarang nanaman ito.

"I am Riana,Ria for short kaya kitang paligayahin sa loob ng ilang oras"mapang-akit na sabi nito pero nilampasan parin siya ni boss at umupi duon sa stool na kaharap ng mga bartender,speaking of bartender dali dali akong lumapit duon sa katabing stool ni boss at tumabi sakaniya..hinanap ng mata ko yung babae pero hindi ko siya makita.

"What do you want po?"tanong saamin ng isang babae na may hawak ng shot glass.

"Ahh..miss nasan po yung babaeng maganda na bartender din po"sabi ko sakaniya,tumingin naman siya sa paligid niya.

"Ako ba?"tanong nito,ngiting aso ang ipinakita ko sakaniya

"Hindi ikaw,assumera"bulong ko pero mukang narinig nito.

"Buhusan kaya kita ng alak sa muka gusto mo?"tanong nung babae,pinanlakihan ko siya ng mata kaya pinanlakihan niya rin ako.

"Eh nasaan ba kasi yung isang bartender yung maganda na kulot yung buhok tapos maputi"inis na sabi ko,umirap naman siya at bumuga ng hangin bago punasan yung basong hawak niya.

"Si Beshy?WALA"sabi niya at naglagay ng alak duon sa shot glass at sinerve duon sa katabi kong lalaki.

"Beshy?Ano bang pangalan nun?"tanong ko,sinulyapan ko muna si boss na busy habang nag cecellphone.

"Secret,baka mamaya kawatan ka at dukutin mo ang beshy ko..kilala ko kayong mga kawatan kayo,alam ko na ang teknik niyo kaya hah hindi niyo ako maloloko"sabi niya at tumawa pa na parang nababaliw.

"Muka ba kaming kawatan?huh"inis na tanong ko habang nakaturo sa sarili ko at kay boss na pasulyap sulyap lang samin.

"Siya hindi pero ikaw oo"pang-aasar nung babae.

"Ikaw talaga"akmang lalapit ako sakaniya ng itutok niya sakin at pinaka ilalim ng bote ng beer.

"Wala si beshy kasi kakagaling niya lang sa ospital,o happy?"sabi niya kaya napaupo ako.

"Ospital?Napaano siya?"

"Napaaway kasi kahapon"sabi niya at nameywang sa harap ko."Oorder ka ba o dadada kalang diyan"sabi niya sakin.

"O siya isang beer sakin"masungit sa sagot ko,tinarayan niya muna ako bago magsalin ng beer.

"Beer"sabi ni boss.

"O dalawang beer na miss"sabi ko kaya umirap muna siya bago kami bigyan ng beer.

"Eto tip oh,hiyang hiya naman kami sa'yo eh"sabi ko at binigyan siya ng 500,sumilay ang ngiti sa labi niya.

"Vanessa nga pala"pakilala niya,tumango lang ako at uminom ng beer.

"Sungit"sabi nung Vanessa.

Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)Where stories live. Discover now