"Talaga?Buti at nakuha mo"sagot ni Sam.

"Oo nga eh magazine ata ito tungkol sa mga lalaki"sagot ni Ria na tinitignan yung kabuuan ng magazine na hawak niya.Magazine yun ng mga multi billionaire throughout Asia,ang alam ko ay yung mga mayayamang tao ang nakalagay duon sa magazine na iyon,yung hindi lang basta million million ang pera kundi billion billion ang pera as in yung sobrang yaman.

"Tungkol sa lalaki?"tanong ni Bea,inimis ko yung pamingwit ko habang pinapanood lang silang tatlo.

"Oo kasi puro lalaki yung nakikita ko nung binuklat ko toh e"sabi ni Ria at binuklat buklat yung magazine,nakatalikod sila sakin kaya hindi niya alam na nasa likod niya ako kasi kung alam niya ay sisigawan na naman niya ako.Tumayo na ako at hinila yung batsa palabas ng kubo ng..

"Nabasa ko nga itong si Kaizer Montenegro"sabi ni Ria,para akong naestatwa at hindi makakilos.Gusto kong umalis duon pero parang gusto kong pakinggan kung anong sasabihin ni Ria.

"Wow ang gwapa niya...at sobrang yaman Ria"sabi ni Sam na animo'y kinikilig,may takas na luha sa mata ko at mapait na napangiti sa kawalan bago umalis duon sa kubo.

'Mayaman at may pamilya ka na,pero eto ako mahirap at pinag-aaral ang mga anak natin..mga anak ko'

"Kung darating man ang panahon na magkikita muli tayo"huminga ako ng malalim at tumingala."Hindi na ako yung Lexi na makakaharap mo,mas matatag,mas malakas,hinding hindi na ako magpapadala sayo at hinding hindi ako papayag na makilala mo ang mga anak natin"sabi ko sa kawalan habang nakahawak sa dibdib kong patuloy sa pagkirot.

Masakit tanggapin na siya ay masaya na at mayaman pero eto ako malungkot at mahirap,tapos iniwan pa ako ng pamilya ko..mapakasakit nun para sakin

Ria's Pov

"Masyado talagang pabida yung babaeng yun..nakakaasar"inis na sabi ko bago uminom ng alak na hawak ko.

"Bakit nanaman ba girl"sabi ni Sam habang nahithit ng sigarilyo,napairap ako sa kawalan..naiinis talaga ako sa Lexi na yun,simula ng dumating siya sa Sitio Mapurok ay sakaniya na lagi ang atensyon ng lahat pati duon sa mga pesteng anak niya.Pati ang nanay ko ay lagi siyang pinupuri at pinagmamayabang pero eto ako gumagawa ng paraan para magkapera dahil baka sa pamamagitan nito ay maipagmalaki ako ng nanay ko.Atensyon at pagmamahal lang pero wala talaga dahil lahat ng iyon ay nakay Lexi,pati yung mga boyfriend ko ay may gusto sa kaniya,masyado siyang malandi.

"Yung costumer ko kasi kagabi humanga duon sa ginawa niya..eh duh pabida lang naman siya duon sa mga lalaki..kunware ay ipagtatanggol si Luke pero totoo ay inaakit niya yung mga lalaki..arghhh napakalandi"inis na sabi ko at binato yung bote ng alak sa pader,nanggigigil talaga ako sa babaeng yun.

"Pare sayang talaga eh,hawak ko na..alam mo yun"napatigil ako sa pag-iisip ng biglang may dumaang mga lalaki sa harapan namin..

"Ang lakas ba namang manapak!Sinuntok ako sa muka at halos mawasak na yung muka ko sa lakas"sabi nung isang lalaki,kung hindi ako nagkakamali ay sila yung nanggulo sa bar kahapon.

"Ako nga sinipa sa tyan..grabe ang lakas para akong susuka ng dugo"kumento naman nung isa.

"Tangina lang talaga,babawi tayo duon sa babaeng yun..may araw din yung Lexi na yun"sabi naman nung isang lalaki at kundi ako magkakamali siya yung kausap ni Lexi,biglang may pumasok na ideya sa isip ko.Lumapit ako duon sa mga lalaki

"Narinig kong gusto mong makaganti"sabi ko habang kinukutkot yung kuko ko,lumingon sila sakin at pinasadahan ako ng tingin.

"Sino ka naman?"tanong nung lalaki na kausap ni Lexi kahapon.

"Ako si Ria at satingin ko ay matutulungan ko kayo sa problema niyo"malawak na ngisi ang pinakita ko sakanila.

Author's Pov

Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)Where stories live. Discover now