Her Husband

222 3 0
                                    

The story behind Commit Series 8: Her Husband starring Laarny Sumandal.

Date Begin: September 19, 2016
Date Completed: February 10, 2019


Noong binubuo ko pa lang ang Commit Series, pinaalam ko kay ate Laarny na gusto kong gamitin ang name niya noong dalaga pa siya para sa gagawin kong kwento.
Sa mga hindi po nakaka-alam, totoo pong name ng leading character ang ginamit ko. 

Nag-e-exist po sila in real life pero syempre ang kwento hindi sa kanila.
So iyon nga nagpaalam ako, awa ng Dios pumayag naman, sabi niya "sige Don."
Wala pa akong naiisip noon kung anong kwento ang gagawin gamit ang pangalan niya. After weeks ata? Di ako sure... Tinawagan niya ako sabi niya "Gusto kong isama mo si Baldo sa kwento." Excited ang boses niya nun so syempre dahil masunurin ako, "sure ate."

Si kuya 'Baldo' or 'Baldong' short for Baldomero na isa atang sikat na artista na hindi ko na naabutan 😊 ay Reni Martinez ang totoong pangalan na second cousin ko, single pa ata? Di ko sure kasi 7 years na kaming di nagkikita. Hindi ko alam kung magkarelative sila ni ate Laarny basta circle of friends namin.

Noong nakasulat na ako ng four chapters ata nabasa agad ni ate Laarny, tinawagan niya ako ulit sabi "Buang-buang ka Donna! Bakit ginawa mong asawa ko si Baldo? Saka bad boy?" Tinawanan ko lang ang reklamo niya. Sabi niya naman 'isama' lang, wala namang specific na kalalagyan ni kuya Baldo 😂😂😂😂 ✌ ate.

Hindi ko naman kasi sure kung kailan matatapos kasi sira na ang keyboard ng laptop. May gusto na sana akong isulat nun kaso nagkatrabaho na ako. Sabi ko bibilhan ko na lang ng keyboard pero hindi napagbigyan ng pagkakataon sa mahabang panahon. After years nagkaroon ako ng courage na pagtyagaan gamitin ang on-screen keyboard kasi touch screen ang monitor. Imagine ang pinagdaanang hirap ni touch pad kakapindot ko? After a month, sumuko ang touch screen pati touch pad.

Dagdagan pa ng napakasupportive kung mahal na asawa na laging "puro ka na naman wattpad! Buti sana kung magkakapera ka riyan!" Kaya nawalan din ako ng gana na pati brain cells ko ayaw na rin mag push pa.

Bigla kasi hindi na ako masayang magsulat. Na dati nag-e-enjoy ako, ito ang way ko para marestore ko ang mga stock knowledge at wisdom ko kasi naniniwala akong darating ang araw na makakalimutan ko na as sign of aging.

Dumating din ako sa point na gusto ko ng burahin ang commit series, sinimulan ko sa series 9, though dedication pa lang naman ang laman nun tapos sinunod ko itong kwento ni Laarny, kaso naproseso na siya ng pag unpublish ng macancel. Ewan kung bakit? Basta simula dedication hanggang chapter 5 ang na unpublished ko.

Nagmessage ako sa friend ko na si Geraldine Flores, isang writer sa student publication, nasabi ko ang feels ko tungkol sa pagkawala ko ng gana na ituloy ang sinusulat sabi niya " HUWAG NAMAN PONG GANIYAN. DON'T GIVE UP MISSD."

Nagsabi rin ako kay Generose Pacundo, sabi niya, " HUWAG GIRL, DOON LANG." tapos sabi niya babasahin niya pa raw kung may free time siya, so iyon ipinagpaliban ko muna.

Kasabay rin nun ng pag encourage ko sa sarili "ilang araw at gabi mong pinagpaguran at ginastusan sa wifi, ngayon ka pa aatras?"

But then, hindi ko maibalik ang momentum ko pagsusulat. Nagbasa ako ng nagbasa ng mga kwento sa wattpad at webnovel sa loob halos ng kalahating taon hanggang one time, nagsawa ako bilang magbasa nag check ako ng notification ko sa wattpad, saka ko lang nalaman na hindi pala tahimik mga reader ko kasi marami namang votes at nag-a-add sa library nila. 👋👋Kaway kaway sa inyo.

So iyon, bigla lang akong bumalik ng walang pasabi. Finally, after almost 3years ng the making, natapos ko rin ang kwento ni Laarny Sumandal Solomon.

In behalf of my leading character Ms.Laarny Sumandal, taos puso pong nagpapasalamat ang inyong abang lingkod sa matyaga po ninyong pag-aantay na matapos ang maikling kwento na ito na sumasalamin sa nais mamuhay ng normal sa kabila ng kakulangang kailan ma'y walang solution.

Ako po ay sumasaludo sa inyong katatagan. Mabuhay po kayo! Hindi man kayang arukin ng ating kaisipan ang sagot sa tanong kung bakit? Someday, somehow, mauunawaan din natin. Sabi nga sa kawikaan, mapalad yaong may mga kapansanan... May the Lord God be with you always. I pray for your peace of mind and happiness.

TRIVIA: Ayon sa Banal na kasulatan, si Haring Solomon ay nagkaroon ng 700 na legal wife at 300 na mistresses. Kaya binigyan ko ng apelyedong Solomon si Reni, isa siya sa mga great great great great grandson ni Haring Solomon. Charut!

In real life, mabait naman ang asawa ni ate Laarny, wala naman akong nabalitaang nagloko. Thank God. At hindi rin po Reni 'Baldo' Solomon ang pangalan ng husband niya. Di ko na bangitin. At higit sa lahat meron pong matres si ate Laarny.

Please do read and votes series 1 to 10.

Ito ang inyong abang lingkod, Donna Mae Saclet aka MissD, saying my goodbye to Laarny Sumandal story and welcome to Generose Pacundo story.

Commit Series 9: Her Boyfriend starring Generose Pacundo UP NEXT.

Hanggang sa muli, paalam muna.👋


PS: Momshie Series, Wife Claims was inspired by Her Husband story, you might want to discover my other stories. Huwag po mahiya, it is for free. :)



My official facebook page, WriterMissD

My facebook group, MissD Stories

Allrights reserved. ©2019 by Donna Saclet also known as MissD   

Her Husband (Commit #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon