Chapter Thirty-One:

121 3 0
                                    

Beautiful Sunday morning bluejm22, MADELayan & AnnAnn398 😊


"Lord please, help my husband. Keep him alive please." Tahimik kong dasal habang nakasakay kami ng tricycle ni lynlyn pagkalabas namin ng Jollibee. Naninikip ang dibdib na parang magkakamild heart attack pa ata ako bago makarating sa hospital

"Mama, bakit ka umiiyak?" Napasulyap ako sa kalong kong si lynlyn bago ko kinapa ang mukha ko, hindi ko namalayang umiiyak na ako

"Pupunta tayo ng hospital." Sagot ko sa kanya na ikinakunot noo niya

"Bakit tayo pupunta ng hospital?"

"Nandoon daw kasi si papa mo?"

"Bakit nandoon si papa?"

"Nabangga raw ang sasakyan niya."

"Bakit nabangga ang sasakyan niya?"

"Hindi ko pa alam anak."

"Bakit hindi mo alam mama?" Makulit niyang tanong dahil nga nasa stage na siya ng curiosity

"Kasi hindi ko pa po alam." Matyaga kong sagot

"Bakit hindi mo alam?"

"Bakit ang kulit mo? Hindi ko nga alam." Nauubosang pasensiya kong sagot, hay bata!

Nanahimik na siya hanggang makarating kami sa hospital. Kinarga ko na siya para mabilis kaming makarating sa emergency.

"Ma'am, bawal po ang bata sa loob." Harang sa akon ng guard

"Anong gusto mong gawin ko? Iwanan dito sa labas ang anak ko? Manong, nasa labas kami ng tawagan ako ng hospital na ito na nandyan sa emergency room ang asawa ko. Alangan namang hindi ko dalhin ang anak ko." Naiinis ko ng sagot dahil sa kabang nararamdaman

"Pasensiya po ma'am, hingi na lang po kayo ng mask sa nurse para di mahawa anak niyo." Malumanay namang sagot ng guard, napabuntong hininga ako at di na kumibo na pumusok sa loob at tumuloy sa nurse nasa labas ER

"Miss ako yung tinawagan niyo na asawa ng lalaking nabangga ang sasakyan." Paliwanag ko, agad naman niyang iniabot sa akon ang cellphone ng asawa ko.

Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang cellphone. Kami ni baby lynlyn ang wallpaper niya kaya hindi ko na naman napigil ang umiyak.

"Malala ba yung lagay niya miss?"

"Hindi pa po lalabas si doc. Antayin na lang natin ma'am. Pwede pong paki fill-out itong information ng pasyente." Abot niya sa akin ng information sheet

Inabot ko ito at binitbit papunta sa upuan karga pa rin si lynlyn. Huminga muna ako ng malalim. Bago nagsimulang magsulat ng pangalan. Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko sa bag kaya itinigil ko muna ang pagsulat at sinagot ang tawag.

"Hello Manang."

"Mahal, ako ito. Saan na kayo?" Napalaki ang mata ko ng marinig ang boses ng asawa ko

"Mahal!" Napalakas pa ang sagot ko kaya napatingin ang nurse na tinitingnan ko

"Oo nga. Nasaan na kayo ni baby? Tapos na kayo? Umuwi muna ako, na snacth ang cellphone ko." Napatawa ako sa sagot niya

"My God! Alam mo bang nasa hospital kami ngayon?" Naiiyak kong sagot

"Ha? Bakit nasa hospital kayo? Ok ka lang? Si baby? Anong nangyari?" Natataranta niyang tanong

"Sunduin mo na lang kami rito. Mag-ingat ka sa pag drive."

"Ok lang ba kayo?"

"Ayos lang kami."

Her Husband (Commit #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon