Chapter Twenty-One

102 1 0
                                    

As promised. Happy reading Committers! 😊

Pabagsak akong naupo sa bamboo sofabed. Nakakapagod din magturo at magsuway sa mga studyante lalo na kung sa maghapon daldal ka lang ng daldal habang nakatayo.

Pahubad na sana ako ng sapatos ng tumunog ang ring tone ko.

Alanganin pa akong sagutin ng makitang unregistered ang tumatawag.

"Good afternoon!" Sagot ko sa pinakamalambing na tono

"Good afternoon ma'am! Heto po ba si Mrs. Laarny Solomon?" Sagot ng babae sa kabilang liniya na nakapagpakunot noo sa akin

"Speaking. Sino po sila?"

"Ma'am, ako po si Dra.Viray ng Viray Lying-in." Mas lalo pa akong napakunot noo sa nagpakilala, kilalang gynecologist ang kausap ko pero wala akong maalalang may connection ako sa kaniya

"Ano pong maipaglilingkod ko doc?" Malambing ko paring tono, with the hope na may solution na sa nawawala kong matres

"Gusto ko po sana kayong imbitahang pumunta rito sa clinic ko, kung maari po sanang ngayon, may kailangan po kayong makita." Nakaka- excite ang sinabi niya kaya walang pag- aalinlangan akong sumagot ng

"Sige po doc. I'm coming."

"Salamat ma'am. Asahan ko po kayo." Halatang masaya ang boses niya, dininig na siguro ni Lord ang dalangin ko

Dali-dali akong nagpalit ng damit at nagretouch saglit bago pinaharurot ang meo ko.

"Halika ma'am" aya ng doctor sa akin patungo sa isang kwarto.

Pinagpapawisan ang mga palad ko habang sumusunod sa ginang, nakakaramdam ako ng konting kaba. Ayaw ko namang magtanong kung ano ang meron.

Kumakabog ang dibdib ko ng dalhin niya ako sa harap ng incubator na may mahimbing na natutulog. I immediately reach my hand... Parang may kung anong pwersang humihila sa kamay kong abutin ang salamin.

"Ipinanganak siya kaninang madaling- araw through cessation. Supposed to be next month pa due date niya pero hindi na kaya kahit alanganin ang labas niya. She survive. Hindi namin alam kung anong ipapangalan sa kaniya."

Napakunot-noo ako sa mga sinabi niya

"I don't understand doc. Bakit ako nandito?" Tanong ko ng sa wakas ay mahagilap ko ang boses ko

Bumuntong hininga siya habang nakatingin lang sa baby. May dinukot ito sa mula sa bulsa ng kaniyang white coat "pangalan mo ang isinulat ng nanay niya. Please pag-isipan mong mabuti." Sabi niya habang inaabot sa akin ang sobreng puti.

Nanginginig ang kamay ko habang tinatanggap ang sobre.

"Maiwan muna kita, nasa labas ako kung may kailangan ka." Tumango lang ako saka ibinalik ang tingin sa baby na ngayoy gising na at nakatingin sa akin

"Hi baby!" Masaya kong bati sa kaniya kahit alam ko namang hindi niya ako nakikita at naririnig but I saw her cute smile. Parang gusto kong iuwi.

"Lord,ito na po ba ang gift mo sa akin?" Munting bulong ng isip ko bago binigyan pansin ang sulat

Nakasulat nga sa labas ang buong pangalan, contact number, at complete address ko pero walang nakasulat kong kanino galing

Tumabi ako at sinimulang buksan ang sobre

To Mrs. Laarny Sumandal-Solomon

If you're reading this, I am on my way to heaven or hell now.

I am writing to beg you please accept my daughter. Please take good care of her and love her as your own.
I know you but you don't know who I am. I'd been watching you from afar. Yeah, I know it's creepy but I just want to make sure that I will leave my daughter in good hands. I know you'll be the best mom to her. I am sorry for I don't introduce myself formally but I think it's best to stay this way. Dr. Viray knows all the information about my background but please keep it confidential.

Her Husband (Commit #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon