Chapter Seven:

131 0 0
                                    

"Maghanap tayo ng bahay na malaki para roon ka na tumira." Suggest ko sa kaniya

"Kasama mga kapatid mo?"

"Oo, kung ihihiwalay ko sila sa akin, mas magastos iyon?"

"Alam na ba ng mga kaptid mo?" tanong niya

"Oo, matagal na." sagot ko naman, open naman ako sa kanila pero syempre hindi nila alam ang kalandian ko.

"Sige, kung iyan ang gusto mo."

Ginawaran ko muna siya ng halik bago yumakap sa kaniya.

"Mahal, magbili ako ng isa pang tricycle para araw araw akong makapasada."

Napa-angat ako ng mukha para makita siya.

"Ikaw bahala, hindi naman kita inuobliga sa mga kapatid ko. Kaya ko naman silang buhayin." Sabi ko sa kaniya

"Hindi naman sa ganun, balak ko kasing mag aral para may maipagmalaki naman ako sa iyo."

"Asus, nagdrama pa. mag aral ka dahil gusto mo, hindi para I please ang iba."

"Hindi ka na iba para sa akin."

"Ases, oh siya, kailan ka mag enrol?"

"Sa susunod na pasukan."

"Ok. Ano namang kukunin mo?"

"Gusto kong magpulis."

"Kung iyan ang gusto mo mahal, susuportahan kita."

"I love you." Sabi niya sabay halik sa batok ko

"I am in love with you. And when I mean love, Reni, there's only you. There's only one. I commit to this."

Her Husband (Commit #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon